Chapter 19 "What's The Truth"

18 0 0
                                    

*Yuri*

Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan yung pimost ni Jessy. Ilang araw na masakit din ang puso ko. Nakamove on na talaga sya saken ..
Wala naman akong pasok ngayon so I decided to stay at home. Out of nowhere, habang nanunuod ako ng tv, may commercial na lumabas. Wala akong kaide -idea nung una pero nagulat ako na magkasama sila Aero at Jessy. Sobrang nilang lambing sa commercial..

Wag kang iiyak ..

Naisip ko na patayin na lang yung tv. Inayos ko yung sarili ko then nagpaalam ako kay mommy na lalabas ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Napadpad na lang ako sa isang coffee shop. Umorder ako ng frappe atsaka ng slice mocha cake. Inabala ko na lang yung sarili ko na magbasa ng libro.

"Omg ! Andito si Aero ! May kasama sya ! Ang ganda - ganda ng kasama nya"  sabi nung isang babae sa tabi ko.

Ang bilis tibok ng puso ko ..

Hindi ko kinaya na magstay. Akmang aalis na dapat ako para di nila ako makita pero napansin pa din nila ako.

"Yuri !"  Dinig kong tawag saken ni Jessy.

Napatingin na lang ako then I waved bilang pagbati. Aalis na dapat ako sabay nilapitan naman ako ni Jessy at niyakap.

"Bestie ! I missed you ! Bumalik ako dito ! Ito kasing si kuya Aero gusto ako makita" napatingin sya kay Aero.

Hindi naman magtama ang mga tingin namin ni Aero. Alam namin na hindi kami okay bago pa to.

"H ~ hmm masaya akong nandito ka na. Paano, mauna na ako"  paalam ko na lang.

Dali -dali na lang akong naglakad palayo sa kanila. Napunta ako sa isang park. Tsaka naman bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Sige lang ! Damayan mo ko ...
Yun lang tangi kong nasabi. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na umiyak. Patuloy lang ako sa pag -iyak habang nakakuyom ang mga kamay ko. Out of nowhere, may lumapit sa harapan ko at pinayungan ako. Napatingala ako nagulat ako dahil si Ryo yung nasa harapan ko.

"Umiiyak ka na naman"  sabi nya saken.

Wala akong nagawa kundi ang yakapin sya. Muli na naman akong umiyak habang nakayakap sa kanya. Nabitawan nya yung payong nya at pareho na kaming nabasa ng ulan.

***

Nagpunta kami sa hotel na pag -aari nila Ryo para makapagpalit ako. Nakakahiya pa nga kasi nakita pa ako ng mommy nya pero tuwang - tuwa naman sya.
Nung makapagpalit ako, nakita ko naman na pinaghahainan ako ni Ryo ng makakain.

"S ~ sorry, nadamay ka pa sa kalokohan ko"  sabi ko sa kanya.

Lumapit naman sya saken then he tap my head.

"Sanay na ako sayo. Ako yung walking handkerchief mo"  he smiled at niyakap nya naman ako.

"Maraming salamat kasi palagi kang nandyan"  I told him.

"Always I am"  then hinaplos nya naman ako sa mga pisngi ko. "Kumain ka na"  sabi nya saken.

"Sabayan mo ko"  aya ko sa kanya.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedМесто, где живут истории. Откройте их для себя