Chapter 10 "Gf on Cam"

14 1 0
                                    

=Aero's Pov= 

[9:00 a.m Manila Time]

It's been a while nung huli akong makabalik dito. Isang taon na ang nakalipas, at nung mga panahon na yun, yun yung panahon na si Yuri pa mismo ang umamin saken. Hays ! Bakit ko ba iniisip ang mga ganung bagay. Well, bakit nga ba ako bumalik dito? Para yun sa Manila Tour ng banda ko. Aware naman ang dati kong kabanda tungkol dito and they're been very supportive kahit na na-iturn down ko sila. 

"Oh pano' guys, tawagin ko lang yung driver natin para idrop na tayo sa hotel natin"  sabi ni Katy sa amin. 

"I miss this place" sabi naman ni Kester. 

Well, kapwa naman kaming mga Pilipino na member ng The Fainted Ones na nag-aral sa Japan kaya naman marami sa amin ang namimiss ang bansang ito dahil dito kami pinanganak. 

"Aero !"  napatingin ako sa kung sino yung tumwag sa akin then nagulat ako dahil yung mga dati kong kabanda yung andito. 

Nagpaalam naman ako sa mga bago kong kabanda na maghahangout lang kami ng mga kaibigan ko and pinayagan naman nila ako. Sobra akong excited na makita sila. Chloid became more masculine at mas lalong naging maganda yung figure ng katawan. Mayr and Jude are the same. Ang laki na ng mga pinagbago nika and for sure, marami rin kaming dapat pagkwentuhan. 

"It's been a long time"  sabi ni Chloid. 

"Nagtatampo pa din kami sayo"  singit naman ni Jude. 

"Ano ba kayo mga bro' alam nyo naman kung bakit ko ginawa yun diba"  I responded to them. 

Para makapagkwentuhan pa kami ng mas matagal, naisip namin na pumunta kami sa pinakamalapit na bar dito sa airport. Then ayun, nung makahanap na kami, nagkwentuhan na kami. Well, except sa pagiging sikat na banda dito sa  bansa, may kanya - kanya na din naman kaming mga buhay. Itong si Chloid, going strong pa din sila ng girlfriend na si Eiros and they have a business na clothing line. Si Mayr naman ay nagttrabaho na sa company ng daddy which is kilala sa bansa and si Jude naman ay busy sa pagiging composer ng mga sikat na singer.  Lahat kami ay nagkakaroon na ng magandang buhay. 

"Oo nga pala Aero, kamusta kayo ni Yuri? Bakit hindi mo nga pala sya kasama ngayon?" hindi ko alam kung kakayanin kong sagutin ang tanong nila. 

Hindi ko maamin sa kanila na wala na kami. Siguro dahil mahirap pang tanggapin para sa akin ngayon na ganito yung kinahantungan namin dahil ang layo ng inabot ko para lang makuha sya. Hindi ko sinagot yung tanong nila but instead, uminom na lang ako. 

"Wow, alam ko yung mga ganyang response"  then Jude just gave me a smirk. 

"We better not talk about it okay? Ayokong pag-usapan yung mga malulungkot na bagay since this is the first time na magkasama - sama uli tayo"  sabi ko sa kanila. 

Well, alam naman nila kapag ganito ako. Masyado na nila akong kilala sa maraming paraan. Alam ko na marami silang gustong malaman sa tungkol sa nangyari sa amin but I think it's not the right time para pag-usapan sya. Ayun kung ano - ano lang pinag-usapan namin at sa kung ano pa yung pwedeng pagplanuhan namin. Sabi nila, I still have a vacant slot para sa pagiging vocalist  which is kailangan ko munang pag-isipan dahil nasa contract pa ako sa AMG productions siguro tapusin ko na lang muna yun. 

Mga ilang sandali lang din naman at naghiwa - hiwalay na kaming magkakaibigan pero sinabi namin na uulitin pa namin to' dahil matatagalan pa naman ako dito sa Manila bago ako bumalik sa Japan. Agad kong tinawagan si Jessy dahil alam kong ngayon na din yung dating nya. Well, hindi sya nakasabay saken dahil may inasikaso pa daw sya sa school nya at sa banda nya. 

To Be With You [One Snob Part2] CompletedWhere stories live. Discover now