Chapter 28 "Another Chance"

21 1 0
                                    

*Jessie*

Nagising ako na parang pinupukpok ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano yung nangyari saken. Ang alam ko lang , pumunta ako sa bar pagkatapos ko magrecording.

" Mom " nakuha ni Aeri ang atensyon ko nung lapitan nya ako.

" Princess " then I gave her a hugged.

" Umalis na po si daddy , he needs to go to work pero ginawan ka po nya ng food " hinila nya ako papunta sa kitchen area namin.

Ginawan nya ako ng macaroni soup tsaka may honey water pa ako. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa pag - aalala nya saken. I know he doesn't love me that much pero alam kong inaalala nya ako.

" Sabi ni daddy masama daw po pakiramdam mo , okay na po ba kayo ? " tanong saken ni Aeri.

Yumuko ako ng kapantay nya then I kissed her on her forehead.

" Okay na si Mommy baby , nga pala magprepare ka na hatid na kita sa school mo " sabi ko sa kanya.

Di nagtagal at nag - asikaso na ang anak ko. Hinanapan ko sya ng masusuot. Pati ako nag - ayos na din.

Nung nakaayos na ako , ready to go na kami at babyahe na then suddenly , tinawagan ako ni Aero na agad ko namang sinagot.

" Hello " bungad ko sa kanya.

[ Nagbreakfast ka ? Naghanda ako ng pagkain mo dyan ] napakalambing ng boses nya.

" Hmm , ihahatid ko na si Aeri " matipid kong sagot sa kanya.

[ Kaya mo ba ? Wag mo na lang muna sya papasukin para makapagpahinga ka ]

" Okay lang , kaya ko. We have to go " paalam ko sa kanya then I ended the call.

Di nagtagal at umalis na kami ni Aeri at sakto naman kaming nakarating. Habang naghihintay ako sa kanya , I decided to go on a mall para magpalipas ng oras.
Naisip ko na pumunta sa isang boutique shop ng mga damit. Out of nowhere , may grupo ng babae akong naririnig na nagkekwentuhan. I tried to eavesdrop ng di nila nahahalata.

" Totoo ba tong nasa blog ? Aarte si Yuri ? Gosh ! Sya mismo aarte ng story na sinulat nya " sabi nung unang babae.

" Oo nga , sobrang ganda nya pa , tapos partner nya si Aero , ang perfect diba ? " dugtong naman ng kasama nya.

" Feeling ko mas may chemistry sila kaysa yung ka - loveteam nya yung Jessie , ang classy ni Yuri ehh "

Halos mabitawan ko yung damit na tinitignan ko. Agad akong umalis kasi ayokong makilala nila ako.
Ang bilis kong maglakad then out of nowhere , may lalaki akong nasagi.

" Miss ? Are you okay ? " sabi nya saken.

Naging pamilyar saken ang boses nya. The moment na magtama ang tingin namin , parang tumigil ang mundo ko. Napayakap pa ako sa kanya kasi muntik pa akong matumba dahil nanghina ako.

" Jessie ? Hey , are you okay " tinulongan nya akong makatayo ng maigi.

" T ~ Travis , t ~ thank you " pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedWhere stories live. Discover now