TBWY 5 " The Bestfriend and the Boyfriend"

31 0 0
                                    

=Yuri's Pov=

Hindi ...

Hindi pwede na makita ko sya dito.

Pinilit ko yung sarili ko na maging ok. Pinunasan ko yung mga luha ko.

"A-ahh , A-Aero , a-andito ka pala.. hehehe , n-nice to meet you here " sabi ko habang halatang - halata na nanginginig ang boses ko.

"Ahh , o-oo , teka , ok ka lang? maga yung mata mo , did you cry? "

Hindi ko alam kung ano yung isasagot sa kanya. Ayoko din sabihin sa kanya na nasasaktan ako sa nangyari sa kanya.

"A-ahh , a-ano , hindi ahh .. kasi medyo irritated yung mata ko, ahhm , sige , alis na ko, may pupuntahan pa ako "

Dali - dali akong naglakad palayo sa kanya. Ayoko kasi makita nyang naiiyak ako. Kahit saan ako dalhin ng paa ko, sige lang ang importante, makalayo ako sa kanya.
Napadpad naman ako sa isang garden na may fishpond. Feeling ko naman , malayo na sya at hindi na ako masusundan kaya ok na ako. Naupo ako at tinignan ko lang yung reflection ng sarili ko sa tubig.

Umiiyak ako dahil sa kanya..

"Wow ! Akala ko pa naman hindi ka marunong umiyak. Mali pala ako."

At syempre ! Sino pa ba ang palaging nakabuntot saken para lang bwisetin ako -_-

"Tss ! Wow ! ano akala mo saken? Alien na hindi lumuluha?! Ba-Ka ! " I said sabay irap sa kanya.

"Ee ano na naman ba yang iniiyak - iyak mo ? No wonder kayong mga babae ,marami talaga kayong drama sa buhay" then napaupo naman sya sa tabi ko.

"Wala, wag mo na lang akong intindihin " I said coldly.

"Tsk ! Pra magtigil ka dyan sa kadramahan mo , ang mabuti pa, samahan mo na lang ako, " aba't ang loko .. kinaladkad na lang ako bigla.

Pinasakay nya ako sa kotse nya ng wala man lang ako kamalay- malay ! -_- pero hindi na ako pumalag. Nababagot na din naman ako ee.
Sa buong byahe namin , tahimik lang ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagulat ako kasi huminto kami sa tapat ng isang coffee shop.

"Sira ka talaga Ryota ! May coffee shop naman sa mall kanina lumayo pa tayo ! " reklamo ko sa kanya.

"It's ok , favorite ko dito , masarap yung mga cake nila dito tsaka yung frappuccino nila, tara" then pinagbuksan nya lang ako ng pinto.

Hindi na kami nagtagal at pumasok na kami sa loob. And to be honest, ang ganda nga ng cafe, ang cozy at ang girly. Tapos ang cucute pa ng mga waitress.
Si Ryota na yung umorder at ako naman ang naghanap ng pwesto namin.
Habang busy sya sa pag.order ng pagkain namin , hindi ko maiwasan na ilibot ang paningin ko and I was shocked nang makita ko si Jessy , kaya naman tinawag ko sya.

"Bessy ! " napatingin naman sya saken then lumapit sya.

"Ohh ,Bessy, hi , nga pala, bakit nandito ka ?" tanong nya saken.

"Hmm , well, I am with my friend, niyaya ako dito , mukang regular customer nyo na dito, pero hindi ko naman akalain na dito ka pala nagpapart time "

"Ahh , oo , kailangan , para may budget sa Jilliard .. " paliwanag naman saken ng bestfriend.

Walang ano - ano , dumating na din si Ryota na may dala - dalang blueberry muffin tsaka mocha frappe.

" Ohh , ito na , promise, masarap yan " sabi ni Ryota samen.

" Ahh, oo nga pala, Ryota , she's my bestfriend and kasama ko sa dorm , si Jessy, and Jessy, he's my classmate , Ryota " I introduce.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon