Chapter 25 "Feeling of Being Together"

25 1 0
                                    

*Yuri*

Halos di pa din maalis sa isip ko yung nangyari sa amin ni Aero. Sh*t talaga !  Bakit hindi ako umiwas agad sa kanya ? At bakit umiyak pa ako sa kanya !

[Flashback]

Napadpad ako sa record bar. Pinapakinggan ko yung album nya at di ko akalain na magtatagpo ang landas namin. Nabangga ko pa sya. Nagkayakapan nga kami.

"A ~ Aero?" Yan lang ang tangi kong nasasabi sa kanya.

"C ~ can we stay like this for a while" sabi nya saken.

Gusto kong pumiglas pero di ko magawa. Ayaw ng katawan ko. Nanghihina ako. O sadyang gusto ko din ang mga nangyayari. Alam kong marami nang nakakita sa amin pero wala kaming pakialam. Para bang nakatigil ang mundo sa amin.

"S ~ stop this Aero please ?" Sabi ko sa kanya at pakirandam ko iiyak na naman ako.

"Ang tagal kitang hinanap. I waited for this moment for a long time ago"

Yan yung mga salitang sumasagi sa isip ko. Pinilit kong kumawala sa kanya and I was able to do it.

"Masaya na tyong ganito" sabi ko sa kanya.

Hindi ko na sya hinintay na magsalita at agad akong tumakbo papunta sa kotse ko.

[End of Flashback]

Hanggang ngayon , nararamdaman ko pa din yung yakap nya. Paano ko sya matatakasan ?  Paano ako iiwas sa nararamdaman ko sa kanya lalo na't magiging magkasama kami sa trabaho.
Walang ano - ano , tumunog yung skype sa laptop ko and alam kong si Ryo yun.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya na magkasama kami ni Aero ..

Agad kong inayos ang sarili ko. Ayoko mapansin nya na hindi ako okay. Inopen ko na yung cam. Nakikita ko na naggo - glow siya habang tumatagal. Buti pa si Ryo , okay lang.

"Hon ? Are you okay ? What took you so long ?"  Yun agad ang bungad nya saken.

"A ~ ahh ano , may prinepare kasi ako na dinner but I'm okay , sorry. Ikaw ? How's the project ?"  Tanong ko sa kanya.

"So far so good. Baka di ko kailangan tapusin ang 3months. Mabilis kasi gawa namin. Can't wait to be back. Miss na miss na kita ehh"  he told me.

"I miss you too. Okay lang ba sila Mommy ?"  Tanong ko sa kanya.

"She's okay. Nagtatanong na ng apo"  alam kong nagbibiro lang sya but he meant it.

Pinilit ko ang sarili ko na ilihis ang topic kasi ayoko ng ganitong usapan.

"Hmm ~ nga pala , malapit na ma - shoot yung mainstream namin"  balita ko sa kanya.

"Talaga ? That's nice. I'm so proud of you hon. Pag di ka na hectic dyan , magbakasyon ka dito , i'll take care of the ticket okay?"  Sabi nya saken.

Napangiti na lang ako dahil ewan ko. Nagui - guitly ako na may sinisikreto ako sa kanya. Pero alam kong ito ang tama. Para makaiwas kami sa anumang gulo.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon