Chapter 41 " The Music Within "

15 0 0
                                    

*Aero*

Maaga akong kumilos kasi meron kaming recording ni Mike para sa isang movie. Kami yung napili na gumawa ng music nun. Nagpaalam na ako sa mag - ina ko kaya naman alam na nila kung saan ang lakad ko.

Pagdating ko ,  bigla naman akong tinawagan ni Shane at nakakagulat na gusto nya akong kitain. Napatingin naman ako sa orasan ko at may oras pa naman. Naisip ko na puntahan na sya sa restaurant nila. Nagkataon na early bird talaga tong' kaibigan ko kaya sakto na nandun sya.

" Ganun ba to' ka - urgent ? "  yun agad ang bungad ko sa kanya.

" Yeah ,  here "  then may inabot syang sobre saken.

Out of my curiosity binuksan ko yun at napansin ko na yun yung picture ni Irish and nagulat ako kasi may message na sya tsaka may pirma pa.

" S ~ she did it right away ? "  sabi ko.

" Hmm ,  mukang pagdating sayo ,  di talaga sya makakatanggi " then napansin ko na nagsmirked sya ,  syempre para asarin ako.

" Psh ,  sige na ,  aabot ko na to. Salamat nga pala sa pagbigay ng favor saken "  aniya ko.

" Sana basahin mo din yung message nya para sayo "  I was surprise nung sabihin yun ni Shane.

Hindi na ako nagresponse sa kanya. Dali - dali akong sumakay sa kotse ko then napansin ko na meron pa ngang isang papel. Agad ko itong binasa :

To my dearest Aero , 

Hi. Sa totoo lang ,  di ko alam kung paano ko sisimulan yung sulat ko sayo. I can't compose my thoughts. I am always watching you from a far. I'm so proud of you.

Malayo man ako ,  di mo man ako nakakausap ,  andito ako ,  laging nakasubaybay sayo. I am 2 weeks pregnant. Pinagdarasal ko na lalaki sya. Kapag naging lalaki sya ,  gustong ko syang pangalanan ng name na magkasama yung pangalan nating dalawa. Yuro Jin. Sounds cute ryt ? :)

Let's keep this distance. Tingin ko naman ,  makakabuti na to sa atin. Palagi kang mag - iingat. Wag mo pababayaan ang health mo okay ? I'll see you soonest. When everything is okay.

Love

Yuri

Doon na natapos yung letter nya. Di ko na naman napigilan ang sarili ko na maluha. She really had a biggest part in my life. Naisip ko na itago yung letter nya. Meron akong number ni Irish kaya naman tinawagan ko sya para i - abot ang message ni Yuri sa kanya. Nasabi nya saken yung school nya at buti na lang , malapit lang yun dito.
Bumaba ako ng kotse ng makahanap ako ng parking. Hinanapan ako ni Irish ng lugar na di ako pagkakagulohan at saktong nakita ko sya. I wore my cap and shades at nakamask ako.

" Kuya Aero ,  para po kayong kpop star sa tsura nyo "  medyo sinimangutan ko sya kasi naman ,  icocompare pa ako sa kpop star.

" Aish ,  pag - inulit mo pa yan babawiin ko to sayo "  I joke.

" Di na po. Teka ,  totoo po bang sumagot na si Ms. Yuri ? "  kitang - kita ko yung excitement sa mga mata nya.

" Yeah. Mabilis nya yang sinagot. "  sabay gulo ko sa buhok nya.

Dahil sa excitement nya ,  pinunit nya agad yung sobre. Nakita nya yung picture nya na may pirma ni Yuri tapos may message sa likod. Binasa nya yun tapos nagtitili sya na parang nanalo sa lotto. Her expression was priceless.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedWhere stories live. Discover now