Chapter 39 " The Story of the Run Away Bride"

8 0 0
                                    

*Jessie*

Naisip kong bisitahin ang kapatid ko sa flower shop kung saan sya nagtatrabaho. Si Aero na muna yung nagbantay kay Aeri. Pagdating ko sa shop ,  ibang tao na yung nagbabantay.

" Ahmm ,  hello po ,  asan na po yung dating nagbabantay dito ? "  tanong ko sa kanya.

" Si Wendy ? Eh na - confine na ,  ilang araw nang nilallagnat tsaka nagkakarashes sya ,  ewan ko ba kung anong nangyayari dun "  sagot saken ng bagong nagbabantay.

Sa totoo lang ,  nakaramdam ako ng kaba. Wala akong alam kung ano yung nangyayari. Tinanong ko agad kung saan sya nakaconfine at buti na lang nabigay saken yung name ng ospital.
Nakita ko sa ICU yung kapatid ko. Pumayat sya at ang dami nyang pantal. Nakasuot din sya ng mask. Sa totoo lang ,  nakaramdam ako ng awa. Lumapit ako sa kanya pero tumalikod sya saken.

" A ~ ate ,  anong nangyayari ? Bakit nagkakaganito ka ? "  I asked her at hinawakan nya ang kamay ko.

Hindi sya sumagot saken. Nakita ko na lang na bigla syang umiyak. Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

" Tell me everything ,  or gusto mong sa doctor ko na lang itanong ? "  I asked her and she gave me a nod.

Sakto naman na dumating ang doctor nya at sya na ang nag - insist na kausapin ako. Pumunta kami sa opisina nya para makapag - usap kami ng masinsinan.

" Doc ,  ano ba talaga ang nangyayari sa kapatid ko ? "  tanong ko sa kanya.

" Well ,  your sister was diagnosed with HIV "

Nung sabihin yun ng doctor ,  hindi ako makapaniwala. Wala akong maisip na dahilan paano sya magiging HIV positive.

" Baka po nagkakamali kayo ? " I insisted.

" Series of tests na yung ginawa namin and pareho ang resulta. Well ,  good thing is ,  di naman ito dahil sa sexually transimitted ,  tinanong ko yung kapatid mo sa mga activities na ginawa nya. She told me that she donated a blood but the needle that was being used is from a person na may HIV. Marami naman na tyong gamot to cure this at mas malaki ang chance na gumaling rather than having a cancer. We still have a hope for her yun nga ,  mahaba - habang proseso " paliwanag ng doctor.

" But she'll be okay tama po ba doc ? "  tanong ko.

" I guarantee ,  magiging okay ang kapatid mo. Isa pa ,  sya din mismo gumagawa ng paraan para gumaling."  Sabi ng doctor. 

" Maraming salamat po "  I responded.

" Kailangan lang natin syang suportahan. Oo nga pala ,  nung pumunta sya saken ,  she's wearing her wedding gown ,  she keeps on uttering a name. Travis. " 

" Ahh ,  yan po yung magiging asawa nya. Ako na po bahala " I answer.

Doon na natapos yung pag - uusap namin tsaka ako bumalik kay Ate.

" Ate ,  may gusto ka bang kainin ? "  I asked her.

" Okay lang ako ,  salamat sa pagdalaw. Alam mo na siguro yung kalagayan ko "  kitang - kita ko yung panghihina nya.

" Alam ko na ,  at nandito ako para alagaan ka. Hindi ko na muna ipapaalam to' kanila mommy at daddy. But I want you to talk to Travis "  sabi ko sa kanya.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon