My Private Tutor
Chapter 17: First Day of School!
[September 11, 2005]
Maaga akong nagising dahil ngayon ang aming first day as a college student. Naeexcite na kinakabahan na hindi ko maintindaihan ang nararamdaman ko. Ano kayang feeling na ang mga kaklase ko ay mga ibang lahi? mabait kaya sila? hindi naman siguro sila nanununggab no?
Ano ba yan? kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko. katatapos ko lang maligo at mag-almusal. Ano pa ba eh di kanin sa umaga. Doon ako sanay eh. Pero ang alam ko hindi sila nakain ng kanin twing umaga. Kung sabagay Pilipino ako at proud ako kaya kanin ang kinakain ko twing umaga. Kayo din ba ganun?
*ding.dong*
Dali dali akong pumunta sa pintuan at bimuksan ito. Nakita ko si Rica, Tom at Sungit na nakabihis na at ready to go na. Mukhang hindi kinakabahan ang mga ito. Mukhang excited sila eh no? Ako lang ata ang kinakabahan. Kung sabagay sanay na naman sila at ako hindi pa. Marunong silang mag-italian ako hindi. Kinakabahan talaga ako. paano kung tanungin ako tapos hindi ko alam ang sasagutin ko. bahala na. Bahala na silang tatlo sa akin. Sana lang kaklase ko SILA. At pagsinabing SILA dalawa lang ang tinutukoy ko. Si Rica at Tom.
“Tara na?” excited na excited na sabi ni Rica. Hindi naman halata na-ecxited sila eh no?
“Ma, Pa papasok na po ako.” sabi ko kina mama at papa at nagmano na sa kanila.
“Sigurado ka anak na ayaw mong ihatid ka namin.” Sabi ni mama.
“Opo Mama. Malaki na po ako. kaya ko na sarili ko.” sabi ko kina mama.
“O sya sige umalis na kayo baka malate pa kayo sa school. Mag ingat kayo ha? At kayong tatlo ingatan nyo ang aking one and only daughter ok?” asus naman si Papa oh para namang mag-aasawa daw ako neto eh.
“Opo sir. Sige po una na kami.” Sabi ni Tom at sumaludo pa sa Papa ko.
“Una na po kami Tito Tita. Ba-bye po.” Sabi naman ni Rica at nagmano din kina Mama at Papa. Napatawa na lang sina Mama at Papa sa ginawa nya. Inampon na namin yan eh. Haha!
“Sige po. Una na po kami.” Sabi naman ni Sungit. Aba magalang din pala ito. Hindi halata.
Lumabas na kami ng bahay ng sabay sabay. Naglalakad na kami papuntang bus stop. Kase naman malayo ang school namin kung lalakarin namin. Atsaka may nadaan naman ditong school bus papunta daw sa lahat ng school dito sa lugar na to. Sosyal no! Naikot sa lahat ng school. At kasama na rin doon yung school na papasukan namin.
Nang makarating kami sa fermata (bus stop) nagintay lang kami ng mga 20 minutes (ganyan po talaga katagal mag-intay ng bus) at dumating na rin yung bus na sasakyan namin. Ang daming estudyante. Para kaming nakasakay sa isang lata ng sardinas kase naman siksikan kaming lahat. No choice naman kami dahil kesa magabang pa kami ng isa pang bus baka magdalawa daw kaming sakay kase may bababaan pa. Baka daw malate pa kami.
