Chapter 4: Neighborhood

2K 29 1
                                        

Gail's POV

Narito ako ngayon sa loob ng banyo. Nakatulala sa salamin. Hindi alam ang gagawin. Paano na ko lalabas ng banyo nito?

Lagi kong naaalala ang nangyari kanina. Ang malas talaga ng araw na ito oh. Sana pala hindi na ko pumayag na sumama kay mama eh. 'Yan tuloy ang daming nangyari ngayong araw na 'to na hindi ko inaasahan. Ano ba 'yan?

Hayy..siguro hinanahanap na ako ni mama? Ano ng gagawin ko?

Ayoko ng maalala ang nangyari kanina. ㅠ.ㅠ

Gusto ko na tuloy magka-amnesia ngayon din. Agad agad.

WAHHHHHHHHHH....

Kung gusto niyo malaman kung paano ako napunta dito sa loob ng banyo iku-kuwento ko sa inyo kahit na ayaw kong maalala lahat ng nangyari kanina. Kasi hindi kumpleto ang kwento kung ang laki ng bawas, di ba?

Ganito kasi yun.....

Flashback....

Tumayo ako para pumunta ng C.R. Kailangan ko ng pumunta ng banyo. Hindi ko na mapipigilan pa. Ihing ihi na ako.

Dahil tulog ang katabi ko dahan dahan akong humakbang para malampadan sya. Kaso dahil sa hindi inaasahang pagkakataon naglanding ako.

Naglanding ako kay sungit. Hindi lang basta landing napayakap ako sa kanya then ayun nga naglanding ang labi ko sa labi nya. Agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya pero nakayakap pa rin ako sa kanya dahil hindi pa rin itinataas ni manong ang upuan nya.

Hay manong maawa ka naman please. Itaas mo na yung upuan mo. 'Yan ang gusto kong sabihin kay manong kaya lang hindi ako makapagsalita kasi naman mukhang matutunaw ako.

Ganito itsura ko habang nakatingin sa kanya. o///o Nanlalaki ang mata habang mala-kamatis na ang mukha ko dahil sa sobrang pula nito.

Nakatitig sya sakin as in titig na titig. Parehas lang kaming nakatulala sa isa't isa. Parehas hindi makapagsalita dahil nga sa nangyari. Wahhhhhhh...... (ToT)

Buti walang nakakitang tao lahat sila busy sa pagtulog. Kasama na rin doon si mama. Buti na lang talaga.

Maya-maya lang biglang tinaas ni manong yung upuan niya. Buti naman. Nakahinga rin ako ng maluwag.

Agad naman akong tumayo at nagdire-diretso sa banyo. Bigla atang uminit dito sa loob kahit naka-aircon.

End of Flashback....

Nag-iisip pa rin ako kung paano ako lalabas ng banyo. Bahala na nga.

Lumabas na ko ng banyo at dahan- dahan akong naglakad. At nakita ko syang tulog. Buti at nakatulog agad sya. Salamat naman. Dahan-dahan akong nagpunta sa aking upuan.

Hindi ko maintindihan lung bakit kinakabahan ako. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Ano na bang nangyayari sa akin?

Hindi sinasadyang napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nagkalakas loob para tingnan sya. At lalong hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Ano ba 'to?

Dali-dali rin akong napa-iwas ng tingin sa kanya. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Pinalo palo ko pa ito. Siguro nga nahihibang na ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

***

Mahigit dalawang oras at kalahati din 'ata akong nakatulog. Naalimpungatan ako kase narinig ko na umiingay na dito sa loob. Mga naghahanda sa pagbaba namin.

Nakatulog ako kakaisip sa nangyari kanina kaya ayan dinaan ko na lang sa tulog ang nararamdaman este pagka-inis ko.

Lahat ng tao 'ata dito sa loob ay gising na kase malapit na kaming bumaba. Hay buti naman. Gustong gusto ko na kasing bumaba dito.

My PRIVATE TUTOR (Editing process)Место, где живут истории. Откройте их для себя