Chapter 41: Everything has changed pt. 1

714 15 5
                                        

A/N: Para sa isang bata na binully ako dito  sa wattpad. Haha! Sabi kase nya mag-update na ako. Oh ayan na. Haha! Goodluck sa exam mo. Hihi! (Feeling Close ako. haha!)

GAIL'S POV

Ano ba yun? Ang ingay. Alam na may natutulog dito. Agang aga naman nun magdabog. Paano kase may narinig na lang ako na may kung ano ang lumagapak. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. 

Napahawak ako sa leeg ko. Aray! Nangalay ako sa pagtulog kong iyon. Teka! 

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Tom na katabi ko pala. HIndi ko man lang namamalayan. Mahimbing pa rin ang tulog nya. Hala ka! Dito na rin pala ako nakatulog. Nagkwentuhan lang kase kami ng nagkwentuhan kagabi eh kaya ayan hindi ko naman alam na nakatulog na pala kami parehas eh. Nakadantay pa yung ulo nya sa balikat ko. 

"Oh Rica? Ayos ka lang?" bigla akong napahinto sa pag-iisip ng mga nangyari kagabi ng marinig ko ang pangalan ni RIca. Dahan dahan kong ibinaling ang paningin ko at nakita ko si Rica na nakatingin sa amin at hidni lang yun naroon din si Mama. Patay kang bata ka. Baka kung ano ang isipin nila sa aming dalawa ni Tom. 

"Ahhh... O-opo." pagsabi nya noon ay umiwas din agad sya ng tingin sa amin. May nilimot syang notebook sa sahig. So, yun pala yung maingay na lumagapak kanina. 

"Oh Gail. Ika---" hindi ko na pinatapos si Mama sa pagsasalita nya.

"Ma wala po kaming ginawa ni Tom na masama. Promise Ma! Alam mo naman na hindi kami tal---"biglang iniharang ni Mama ang kamay nya sa bibig ko. Hala ka! Galit ata sya eh. 

"Hep! Wala naman akong sinasabi ah. Ikaw ha? Guilty kang bata ka." sabi ni Mama at ibinababa na rin nya yung kamay nya. 

"Pero kasi Ma--" hidni na naman nya ako pinatapos.

"Batang 'to oh. Alam ko namang magkakaibigan kayong mga bata kayo kaya pinagkakatiwalaan ko yang si Tom. Yun ay kung meron nga talagang namamagitan sa inyong dalawa." sabi ni Mama habang nakangiti ng nakakaloko sa akin. Anak ng pating! Napagdeskitahan na nga ako ng aking ina. Sa halip na magalit ganito pa. Aba nga naman.

"Ma... wala ah. Wala po talaga." sabi ko. 

"Gail my loves ang inga---" haloslumuwa na yung mata ni Tom ng imulat nya yung mata nya. At ako naman nakakunot lang ang noo sa kanya. Anak ka ng teteng Tom. Ibibitin kita ng patiwarik eh. Kagabi pa nya kase ako niloloko ng my loves eh dahil BH daw sya kaya ako na lang daw. Kung hindi ko lang ito kaibigan eh napalapa ko na sa sampung pating. Sobrang bulag at manhid nya kase. 

"Oh.... sya na nagsabi. My loves daw. Tatanggi ka pang bata ka. Naku.. naku. Mga kabataan nga naman ngayon. Ang daming nalalaman. Ikaw Tom ha? I trust you. Sana naman tandaan mo yan ha?" sabi ni Mama habang nakaturo pa yung daliri nya kay Tom. 

"Ay naku Tita hindi po. I-inaasar ko lang naman po itong si Gail. Wala po talagang namamagitan o kung ano man sa amin. FRIENDS lang po kami. Promise." sabi ni Tom habang nakataas pa yung dalawa nyang kamay. 

"Ahahahaha! Kayong mga bata kayo. Alam ko. Narinig ko ata ang pinagusapan nyo kagabi." sabi ni Mama tapos bumaling sya ng tingin kay Rica. AT si Rica naman parang naguguluhan dahil sa pagtingin sa kanya ni Mama. Tumingin naman ako kay Tom at ayun nanlaki ang mata nya na parang hindi ko malaman ang reaksyon nya. Tapos bumaling ako ng tingin kay Mama. Kindatan daw ba ako ng aking ina. Ahahaha! Ang ina ko talaga tsismosa. Heto ako at nagpipigil ng tawa. 

"Ahhh.. Tita. Ano almusal nyo? GUtom na ako. Pede po makikain?" sabi ni Tom habang nakaakbay kay Mama at dinala ba naman sa kusina. Ahahaha!

Nakakatawa ka talaga Tom kahit kailan. Hindi ko tala mapigilan ang akin sarili. Kulang na lang eh maglupasay ako sa sahig. HIndi ko macarry ang mga reaksyon ni Tom. Parang nahuli ka balbon lang ang reaksyon nya. Wahaha! 

My PRIVATE TUTOR (Editing process)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin