R.A's note: Pagpasensyahan nyo na po kung ngayon lang ako nakapag-update. :( please forgive me po. Wala akong mahugot na mga scenes sa utak ko. May plans po ako para sa MPT kaso hindi nasunod. Hayaan nyo gagawin ko talaga ang best ko para may mahugot pa ako sa utak ko.
At salamat sa inyo kase patuloy nyo pa rin itong binabasa. Hehe!! I love you all.
Dedicated to SimplyMinMin.(kase nagpaparinig sya na sana may dedic daw para sa kanya. >< oh ayan na. Haha! De joke lang. Para sayo 'tong chapter na ito. I lolololove you. Enjoy!)
Pasensya na sa dalawang tao na pinangakuan ko na magaupdate agad ako. Sorrrrryyyy talaga. ><
---
Gail's POV
"Uy... Alam mo napaka wirdo mo talaga ngayong araw na 'to. Ano bang problema mo ha? Ui... Ui... Gail." Sabi sa akin ni Tom habang kinukulbit kulbit nya ako sa balikat ko. Patuloy lang ako sa paglalakad ko.
" Ikaw kase eh. Nakakainis ka." Huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya.
" ha? Bakit? Ano bang ginawa ko sayo? Wala naman akong ginagawa sayo ah. Ni hindi nga ako umiimik kanina ah." Tinalikuran ko sya saka naglakad papunta sa may malapit na upuan. Umupo ako doon, sumunod naman sakin si Tom at umupo sya sa tabi ko.
"Wala. Sorry." Sabi ko ng nakatingin lang sa sahig.
"Uy... Napano ka? Kanina galit na galit ka tapos ngayon parang ang lungkot lungkot mo hindi talaga kita maintindihan." Iniangat ni Tom ang ulo ko. Hindi ako umiimik.
***
Sander's POV
Nasaan na kaya yung dalawa? Ang tagal naman. Sabi ni Anaconda girl mag-ccr lang daw sya eh bakit ang tagal. Tapos etong si Tom nawala din. Hindi ko alam kung nasan na ba yun. Narito na kami sa loob para magbowling. Nauna sina Rica at Lucas sa amin.
"Sander, usap tayo." sabi ni Ryza. Tumango lang ako bilang sagot.
Lumabas kami para makapagusap kami. Doon kami dumiretso sa isang resto sa ground floor. Doon sa paborito nyang kainan. Nang makapasok kami sa resto ako na yung nag-order ng mga gusto nya. Libre ko naman. Atsaka minsan lang 'to. Binili ko yung mga paborito nyang pagkain. nang makaorder na ako ay agad din akong pumunta sa table kung nasaan sya. Inilapag ko yung inorder ko para sa kanya. Cheese cake at hot chocolate.
"Thanks." sambit nya. Umupo ako sa tapat nya.
"Ano nga pala gusto mo pag-usapan natin?" tanong ko sa kanya. Sandali syang tumahimik. Parang nag-iisip pa kung ano nga ba yung sasabihin nya.
"Ano? Nakapagdesisyon ka na?" mahinahong sambit nya. Matagal bago ako sumagot. Tumango lang ako sa kanya. Nginitian nya lang ako, isang pilit na ngiti.
"So, I guess.... kailangan ko na umalis." sabi nya habang nakatingin ng seryorso sa aking mga mata. Hinawakan ko ang kamay nya na nakapatong sa table. Hinawakan ko ito ng mahigpit.
"Sorry. Pero...." pinigilan nya ako sa pagsasalita.
"No. You don't have to say sorry. It was my fault naman di ba?" nakangiting sabi nya. Mapait na ngiti na kailanman hidni ko nakita sa mga mukha nya. Dahan dahan nyang tinagtag ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Tumayo sya.
"I have to go na. Pupunta pa ako kina Tita para ayusin yung mga gamit ko. Dadaan na rinn ako sa inyo para kunin pa yung mga iba kong gamit." sabi nya. Tumayo ako at hinawakang muli ang kamay nya. Napatingin sya sa kamay ko.
"Namiss ko yan." at ayun unti unti na ngang may tumulong luha mula sa mga mata nya. YUn ang pinaka-ayaw kong makita sa lahat ang umiiyak sya. Kahit papano espesyal pa din naman sya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Mamimiss kita." bulong nya sa akin. Patuloy pa rin yung pagtulo ng mga luha nya. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan ko ang luha nya. Ayawa na ayaw ko talagang nakikitang umiiyak ang babaeng 'to.
