Chapter 8: Sa School!!!!

1.2K 24 0
                                        

My Private Tutor

Chapter 8: Sa School!!!!!

Gail's POV

Nakupow. Jusko. Nakakalurky talaga tong si Rica. Hindi talaga sya nagpapaawat. Hila hilahin ba naman ako papunta samin. Daig pa nyang nanghihila ng aso. 

"Gail, magbihis ka na. Sasama tayo kina Tom at Sander sa school. Para rin makita natin yung school na papasukan natin. Sige bababa muna ko para magbihis. Bilisan mo ha?" sabi nya habang binubuksan yung pintuan ng bahay namin.

"Pe-pero" 

"Wala nang pero pero basta magbihis ka na. ok?" talikuran ba naman ako. Hindi nya binigay yung susi sakin. Baka daw tumakas ako o kaya magkulong sa bahay.

Dali dali naman akong nagbihis kasi naman nakakahiya doon sa dalawa kanina pa nagaantay. Naligo muna pala ako. Hehehe. Alangan naman basta na lang ako magbihis.

"Gail tapos ka na ba magbihis? Tara na sa baba kanina pa ata naghihintay yung dalawa sa baba."

"Oo. Tapos na ko." 

Bumaba na kami ni Rica. Nandun yung dalawa naghihintay sa amin. Mukhang galit.

"Hayyy...mga babae talaga ang bagal kumilos." sabi ni Tom.

"Anong sabi mo Mr. Tommaso. Pede paki ulit?" galit na galit na sabi ni Rica kay Tom.

"Wala po Mam. Atsaka tigil tigilan mo nga kakatawag sa akin ng Tommaso." sagot naman ni Tom. Ayan na naman ang aso't pusa. Este pusa't daga.

"Tumigil na nga kayo Tom and Jerry. Sa halip na magaway kayo dyan ay umalis na lang tayo. Ok?" aba bago pa magkasuntukan kelangan ng awatin mamaya nyan masira ang relationship ng dalawang to sayang bagay pa naman.

Lumakad na kami papuntang bus stop para magintay ng bus. At ang mukha ni sungit ay hindi maipinta. Bakit na naman kaya? Naiinis siguro yan kase kasama ako. Wala akong magagawa. Pinilit ako ni Rica eh.

Maya maya lang din ay may dumating na na bus. Hay lesheng bus ito oh. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng driver. Buti kamo at nandyan si Sander at kinausap ang driver. Sari saring eklavu ang sinabi nya sa driver. Eh isa lang naman naintindihan kong sinabi ng driver ok! yun lang. Pero wait lang tunay ba itong nakikita ko? Si Sander ang kausap nong driver? Infairness ha ang galing nya magitalian.

"Oh kitamo Gail sabi sayo eh hindi ka papabayaan ng aking pinsan ." pangaasar na naman ni Tom. Hindi ko na lang sya pinansin.

Nauna na si Sungit na maglakad papunta sa upuan. Nakasunod ako sa kanya.

Si Tom at Rica abala pa rin sa pakikipagusap sa bus driver. Paandar na ang bus na sasakyan namin. Biglang tumigil si sungit sa paglalakad at humarap sa akin.

“Eto nga pala ang ticket mo.” May iniabot sya sa akin isang ticket ng bus. Kinuha ko naman agad kesa naman magalit pa sya no.

“Sa-salamat.” Kahit ayokong sabihin. Pero salamat na rin at hindi sya nagsungit. Umandar na nga yung bus at sa dahil nga hindi pa ako sanay at hindi ko alam na ganito pala ang bus dito pagnaandar kelangan talagang kumapit. At dahil hindi ako kumapit na out of balance ako at sa hindi sinasadya ay....

..

..

..

..

..

..

0.0

Napayakap ako sa kanya???? Na naman. Bwisit na bus to eh. Makapangasar lang.

My PRIVATE TUTOR (Editing process)Where stories live. Discover now