MY PRIVATE TUTOR
Chapter 32: Won’t you ever let me fall?
(RICA’S POV)
“Ahahahaha! Yang pinsan mo sobrang bilis ha?” sabi ko habang natatawa tawa. Kasama ko si Tom ngayon. Nag-gala gala kami dito sa Venice. Paikot- ikot habang nagkekwentuhan. Iniwan talaga namin na mapag-isa yung dalawa. Para naman may sweet moments sila di ba?
“Oo nga eh. Jinojoke ko lang yun kanina pero mukha naman silang masaya eh. Ang tagal ko na ding hindi sya nakikitang ganyan kasaya.” Seryosong sabi ni Tom.
“Maybe because nakapagMOVE ON na sya.” Sabi ko.
“Baka nga.” Pagsang –ayon naman nya. “Saan tayo punta ngayon?” tanong nya sa akin.
“Ewan. Ikaw? Saan ka ba madalas pumunta pag andito ka?” tanong ko sa kanya.
“Ahh.. gala na lang muna tayo sa mga tindahan dito.” Sabi nya. At ayun naglibot libot naman nga kami.
Pumasok kami sa isang shop doon na puro maskara. Di ba sikat ang Venice pag dating sa mga maskara? Kaya ayun naengganyo kami kase ang gaganda ng mga maskara eh. Mukhang pang mayayaman. Yung tipo ng mga maskarang ginagamit ng mga mayayaman kapag may ball or party. Sosyal!
At sa dahil parehas kaming makulit eh di ayun nagsukat sukat kami. At parte rin ng pagiging makulit namin eh yung paghahanap ng maskara hindi para sa sarili namin. Ah paano ba yun iexplain? Ang hinhanap kong maskara eh yung para kay Tom at yung hinahanap nya eh para sa akin. Siraulo kami eh.
Hanpa dito hanap doon. Itatapat ko sa kanya kunwari titingnan ko kung bagay. Iiling lang ako kapag hindi bagay. Ganun din sya sa akin. Nakailang maskara nga ata kaming sukat doon eh.
“Hmm.. bagay.” Sabi ko habang nakatapat ang maskara sa mukha nya. Ang kyut kase kulay Red sya na may black. Lalaking lalaki ang dating.
“Bagay na din.” Sabi naman ni Tom habang nakatapat naman sa mukha ko yung napili nyang maskara. Pinalo ko nga sa braso nya.
“Sakit naman nun. Para mo namang sinabi sa akin na walang bagay na maskara sa akin.” Sabi ko sabay pout. Pacute lang?
“Ano ka ba? Joke lang yun. Bagay na bagay. Ang ganda talaga ng bestfriend ko.” Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Ano yun? Masakit na ewan. Yung nag-iisang salita na nagsasabi sa akin na masakit talaga.
“Gagi…” sabi ko na lang
Isinuot na namin ang mga maskarang pinili namin sa isa’t isa. Ang kyut nga ng pinili nya kase white sya na may feather tapos may jewelry pang konti. Pang mayaman lang ang dating.
At ayun todo pa kami sa pagrampa. Para nga kaming siraulo eh. Nakaupo sya sa isang upuan habang tinitingnan ako. Ako naman todo sa pagrampa. Haha! Iba kase trip namin eh. Sya yung kumukuha ng pictures habang pamodel model pa ako sa harap nya. Tapos pinapalitan ko din ng ibang maskara pero syempre mas madami pa ring kuha ng napili nyang maskara.
At ganun din ang ginawa nya. Ako naman ang umupo at sya ung rumampa. Noong una nga eh para syang bakla tapos medyo nagseryoso na sya. Ginaya talaga nya yung rampang pang model. Lalo na yung rampa ni Jake Cuenca. Kinagat nya pa labi nya. Yung kaseng maskara nya eh hindi naman buong mukha. Half lang hanggang ilong lang nya. Pero wag kayo mag-alala hindi naman nya pinakita abs nya. Baka maging bato sa lamig dito. Haha! Pero binalak din nyang taasin yung jacket nya kaso hindi na lang nya ginawa. At ako naman tawa lang ng tawa habng kinukuhanan sya ng picture. Lakas tama talaga kaming dalawa.
Pero hindi rin mawawala yung picture na kaming dalawa lang. Syempre todo pose naman kami sa harap ng pagkalaki laking mirror doon sa shop na yun. Hayyy… nakakenjoy talaga.
