Chapter 64.1: Happy Birthday!

577 18 0
                                        

Gail's POV


Bigla na lang may labing dumampi sa noo ko. Sino 'yun?


Sumunod sa ilong ko.


Naramdaman ko ang paghinga nya malapit sa labi ko. Hindi ko magawang imulat ang mata ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko.


At dahil sa hindi ko namalayan ay unti- unting lumapat ang labi nya sa labi ko.



Dahan dahan nyang ihiniwalay ang labi nya sa labi ko at malumanay na sinabing:


"Happy birthday mahal ko." ha? Si Sander ba 'yun? Parang si Sander 'yun eh. Boses nya 'yun.

Unti-unti ko namang iminulat ang mga mata ko. Hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako. Kakaisip lang naman kay Sander. And speaking...

Nagulat ako ng makita ko si Sander. Nakangiti sya habang nakatayo sa harap ko. Napabangon naman ako bigla. Nakita ko na may inilabas syang bulaklak sa likuran nya. Isang boquet ng red roses. Ano ibig sabihin nito?

May nakakalat pang petals sa sahig. At nagulat ako ng may isang cake na tamang tama lang ang laki, na nakalagay sa kama malapit sa hinigaan ko. Chocolate cake. May nakasinding kandila sa gitna nito.

"Sorry kung ngayon lang ako bumati ha? Hindi ako magaling sa mga ganito sana nagustuhan mo." nahihiyang sabi nya. At dahil hindi ko alam ang gagawin ko tumayo lang ako at tumakbo sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Nakakainis ka naman eh. Hindi rin ako sanay sa mga ganito. Pero nagustuhan ko. Sobrang napasaya mo ako. Nakakainis ka talaga." hindi ko rin alam na may luhang unti unting tumulo sa mga mata ko. Tears of joy ba. Haha! Ang loko naman kase nito eh. Akala ko nakalimutan na nya. kumawala sya sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ako.

"Oh? Bakit ka umiiyak? Mukha ka mamang hindi natutuwa sa ginawa ko eh." the-oh-so-sungit-forever naman ng taong 'to. Hayaan na mahal ko naman eh.

"Tears of Kasiyahan lang naman po 'yan. Ikaw kase eh. Hindi pa agad agad sinabi." sabi ko. Napatawa naman sya ng bahagya sa sinabi ko.

"Eh di hindi na surprise." sabi nya. Kinuha nya 'yung cake na nakalagay sa kama. Nasa tabi ko pa naman 'yun. Buti hindi ko natabig di ba?


"Magwish ka at tutuparin ko." napatawa naman ako sa sinabi nya. Bata lang?

"Oh? Bakit? Ayaw mo ba magwish?" Paano kase nakatitig lang ako sa kanya habang hawak hawak nya 'yung cake. Umiling iling lang ako.

"Bakit pa ako magwi-wish eh nandito ka na." pagkasabi ko noon ay hinipan ko na 'yung kandila.

"Ikaw lang sapat na. Wala na akong hihilingin pa basta nasa tabi kita." nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humugot lakas ng loob at ng mga salita para masabi ko sa kanya 'yun. Hayaan nyo na kase sabi nila pag-inlove daw nagiging cornybels. Kung inlove kayo maiintindihan nyo ako. Pero kung hindi hayaan nyo balang araw maiintidihan nyo rin ako.

Niyakap ko ulit sya. Hindi ko mapigilan ang tuwa eh. Gusto ko lang syang yakapin. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina tungkol sa kanya. Kaya naman pala hindi ako binabati eh kase may surprise.


"Meron pa akong isang surprise. Tara?" ha? Ano naman 'yun?


"Sander... Sander..." tinatawag ko si Sander. Hindi sya lumilingon. Bakit parang ang bilis nya maglakad? ANg layo na nya agad sa akin. At bakit parang wala na kami sa bahay? Parang naging black lahat ng paligid. 

"Sander...." tawag ko pa rin sa pangalan nya. Hindi ko nga alam na tumatakbo na pala ako. Anong nangyayare? 

"Sander.....Sander...Sander." naglaho na ng tuluyan si Sander. Inikot ikot ko ang paningin ko para hanapin sya. Bakit bigla na lang sya nawala? Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang ako humagulhol ng iyak. 

"Sander......." napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hawak hawak ko pa ang dibdib ko para akong tumakbo ng marathon. HIngal na hingal ako. Panaginip lang pala 'yun. 

"Ha?" nagulat ako kase ng hawakan ko ang mayta ko basa ito. Umiyak ako? 

Kung sabagay iiyak talaga ako pag hindi ko na nakita pa si Sander. Arghhh!! Nakakainis na panaginip 'yun. Ang ganda ng simula eh tapos hindi happy ending? Anak ng puchu puchu! Pinahihirapan ata ako ngayong birthday ko ah. Ayaw ba ako pagbirthdayin ngayong araw na 'to. Lalong nakaka-BV eh. 

My PRIVATE TUTOR (Editing process)Where stories live. Discover now