My Private Tutor.
Chapter 10: Fun! Fun! Fun!
(Gail’s POV)
“Ganito kase yan.” Nagulat ako ng biglang may humawak sa mga kamay ko. Hawak ko kase ang gamit para sa tent na tutulugan namin ni Rica. Napatingin ako sa kung kaninong kamay man yun at laking gulat ko ng makita ko si Sungit.
Agad naman nyang kinuha sa akin ang mga gamit para sa gagawing tent. At inumpisahan nya na nga itong ikabit.
“Ba-bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya habang busy pa rin sa pagkakabit ng tent.
“Pede ba tulungan mo na lang ako kesa magtanong ka pa ng magtanong dyan?” kunot noong sabi nya.
“Tsss... kahit kelan ang sungit talaga.” Sabi ko pero mahina lang.
“May sinasabi ka?”
“Wa-wala. Sabi ko nga eh eto na ako tutulong sayo.” Ngayon ko lang napansin na may dala syang bag. Mukhang marami atang dala ang isang to. Sino kayang kasama nito?
“Ayan. Tapos na. Kase utak muna ang pinapagana bago ang bunganga.” Ano daw? Pinagsasabihan nya na ako ngayon? Ang lakas din ng loob nya eh no?
“Kase naman kung tutulong rin lang tapos mangaasar pa dapat hindi na lang tumulong.” Sabi ko. nakakainis eh. Totoo naman. Dapat hindi na lang sya tumulong kung ganyan rin lang.
“Kase naman imbis na bunganga na naman ang paandarin at hindi rin lang magpapasalamat dapat hindi na lang nagsalita.” Sabi nya sa akin. Talagang nanadya na sya ah. Paghindi ako nakapagpigil mapapatay ko ang isang to tapos itatapon ko sa dagat.
“May problema ba?” tanong ni Tita Lyn (Mama ni Tom). Ano nga pala ang gingawa dito ni Tita Lyn? Bakit wala si Tom?
“Wa-wala po Tita. Tinutulungan lang po ako ni Su- Sander na magkabit ng tent.” Sabi ko kay Tita Lyn.
“Ah, ganun ba? Akala ko may problema eh. Nasan na nga pala si Tom, Sander?” tanong ni Tita kay Sungit. Ibig sabihin nandito rin si Tom? Akala ko ba may sakit sya?
“Baka po nasa tabing dagat.” Sagot ni sungit. Tapos nagwalkout na. Kahit kelan talaga ang sungit nya. saan naman kaya pupunta ang isang yun? Bahala sya sa buhay nya.
“Yung batang yun talaga oh.” Naiiling na sabi ni Tita Lyn. Nga pala nameet ko na sya noong nagstay ako kina Rica noong wala sina Mama at Papa. Mabait sya. Swerte nga ni Rica eh i mean ni Tom pala. Haha.
“Ahmm.. Tita, akala ko po ba may sakit si Tom?”
“Ahh.. oo. Kaninang umaga pero gumaling agad sya. Nangulit ng nangulit sa akin na sumunod daw kami dito. Alam mo na yun parang bata. Paghindi sinunod ang gusto nya hindi namamansin. Eh hindi ko naman matitiis ang anak kong yun. Solo na nga lang sya eh.” Natatawang sabi ni Tita Lyn.
