Chapter 2: Yakap

2.4K 35 4
                                        

Gail's POV

"Ikaw?" sigaw ko habang nakaturo ang mga daliri ko sa kanya.

"Ikaw?!?" aba huli ang reaksyon ah. Napakahinhin kung magsalita daig pa ata ako ah. Hindi kaya...mas malandi pa to sa akin?

Sayang Gwapo naman sana este sayang ang kagwapuhan nya kung ganun lang din.

Napatingin tuloy ako sa mga tao. Bakit sila nakatingin sa akin at mukhang shock na shock sila? Biglang may nagtanong sa akin na isang babae sa likod ko kaya napatingin naman ako sa kanya,

 "Miss, are you ok?"

 "huh?" nagtataka tuloy ako kung bakit niya ako tinanong ng ganun.

 "Kasi kanina bigla ka na lang sumisigaw. Nakakita ka ba ng multo?"

 "Ahhh...ok lang ako. Hmmm. oo nakaita nga ako ng multo pero huwag ka mag-alala wala na siya dito." parang nawirduhan sa akin 'yung babae. O sabihin na nating natakot sya dahil sa sinabi ko. Hindi na nya ako kinausap pa at bumalik na lang sya ulit inuupuan nya. 

 Nakakainis ang lalaking 'to. Nagmukha tuloy akong tanga sa harap ng madaming tao. Kaya pala huli reaksyon kase ayaw mapahiya. Ako tuloy napahiya. Narinig ko pa na nagbulungan 'yung dalawang babae na nakaupo sa gilid namin. Idagdag pa ang tawanan ng mga batang nakakita sa reaksyon ko. 

Kung nandito si Mama sa tabi ko malamang nabatukan na ako noon kase bigla bigla akong sumisigaw. Buti na lang nagpunta sya ng banyo ng kuhain ko sa bag ko 'yung cellphone ko. Malas naman. Bakit ba kase parehas pa kami ng sinakyang eroplano?

TEKA ....teka nasan na yung lalaking 'yun? Parang bula basta basta na lang nawawala.

Tumingin ako sa harap ko wala. Baka sa likod siya naupo? Teka bakit ko ba siya hinahanap? Buti nga at nawala na 'yun. Nakakahiya talaga. 

Nagulat na lang ako ng biglang lumitaw sa harapan ko ang cellphone ko. Ha? Napatingin ako doon sa taong nag-abot sa akin nito. Nanlaki ang mga mata ko at kulana na lang ay magpagulong gulong pa ito sa sahig. Halos matumba ako sa kinauupuan ko. 

 Katabi ko sya? Ay, hindi pala tanong. Katabi ko talaga sya. 

 Nakaupo siya sa tabi ko. Kahit balibaligtarin ko man ang sabihin ko wala akong magagawa. Talagang katabi ko pa rin sya. 

Nakatitig lang siya sa akin. Parang hinihintay na abutin ko ang cellphone ko at magsalita. Pero ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko. Inabot ko naman agad ang cellphone ko. Pero hindi pa rin nya inaalis ang tingin nya sa akin. Ha? Bakit? Nakakapagtaka kase. Bakit ba sya nakatitig ng ganyan?

Naalis lang ang tingin ko sa kanya ng biglang dumating si mama at naupo sa tabi ko. Kaya lang natulog agad. Pagod siguro si mama ikaw ba naman hating gabi nag-eempake pa. Kahit nga ako hindi makatulog eh. EXCITED? Hindi naman masyado.

 Pero teka? Nagtatagalog sya? 

Sander's POV

"Ikaw?" kailangan ba talagang sigawan ako? Hindi ba sya talaga nahihiya nagtitinginan na tuloy ang mga tao sa kanya. 

"Ikaw?!?" syempre mahina lang. Ayoko kayang mapahiya kagaya nya. Halata sa mukha nya ang gulat ng makita ako. 

"Miss, are you ok?" tanong ng babaeng nakaupo sa may likuran nya. Mukhang nakita ko na 'yung babae kaso hindi ko matandaan kung saan ko nga sya nakita. 

"huh?" 

"Kasi kanina bigla ka na lang sumisigaw. Nakakita ka ba ng multo?"

"Ahhh...ok lang ako. Hmmm. oo nakakita nga ako ng multo pero huwag ka mag-alala wala na siya dito."   Ano daw? MULTO?  Mukha ba akong multo? Sa Gwapo kong ito. Ibang klase talaga. Napapailing na lang ako. Kaysa pansinin ang sabihin nya tiningnan ko na lang ang ticket ko. Ano ba ang seat number ko?

Nagpalingon lingon ako para hanapin ang uupuan ko. Napatigil naman ako ng makita ko ito. Pero parang ayaw ata gumalaw ng mga paa ko sa kinatatayuan ko. Napapikit ako at napailing iling na lang. Ang malas naman oh. Magkatabi lang naman kami sa upuan. 

Naglakad ulit ako pabalik ng upuan ng  SLOW na yun. Umupo na ko sa tabi niya at inabot ko yung phone niya. Mukhang gulat pa rin ang isang 'to ah. Nakatitig lang siya sa akin.

 Bah...May crush pa ata sa akin to ah? Sorry pero di kita type.

 Nakatitig lang ako sa kanya. Tsk... hindi ba nya nage-gets? Basta basta lang sya nakatitig sa akin. Hindi man lang  nag thank you o nag sorry. Hayyy....Ang kapal talaga ng mukha. Bigla naman may dumating na babae't naupo sa tabi niya baka mama niya? Kaya lang tumulog agad. Baka di nya mama yun sabagay hindi naman sila magkamukha. Mas maganda naman siya este yung ale kesa sa kanya.

 Bakit ko ba 'yun iniisip pa? Ano bang paki-alam ko sa isang 'to? Umayos na lang ako ng upo. Matutulog na lang ako. Puyat pa ako. Hindi ako nakatulog ng ayos sa bahay. Syempre, excited akong bumalik ng Italy. Pipikit na sana ako kaya lang biglang may isang makulit na babae ang nagsalita sa tabi ko.

"Hoy.... I-ikaw? B-bakit ka naupo sa tabi ko?" Aba talagang gusto niya ulit mapahiya ah. Nilabas ko yung ticket ko at pinakita ko sa kanya. Bwahahaha. Natahimik na naman sya. Hindi kasi nagiisip eh? Feeeling nya siguro gusto ko syang tabihan. 

"Sabi ng ticket ko dito daw ako maupo." Lalo siyang natulala. Serves you, right?  

 Hindi ko na lang sya pinansin pa. Umayos ulit ako ng upo at inilagay ang headset sa magkabilang tainga ko. 

Gail's POV

Ano ba yan? Napahiya na naman ako. Ayaw kasing magiisip bago magsalita. Basta lang ako sugud ng sugud.  Hindi man lang nagiisip. T.T

Ano ng gagawin ko? T.T Ang yabang yabang ng katabi kong 'to. Akala mo naman kung sino. Nagtanong lang naman ako ah. Sarap sapakin ng isang 'to. Nakakapang-gigil naman oh. Napatingin ako sa taong katabi ko. Natutulog na sya. Dapat pala palagi na lang tulog ang isang 'to oh. Gwapo pa naman pag tulog. Hindi mukhang mayabang na masungit. 

Teka bakit ba ko nagiisip ng ganito? Agad kong ini-iwas ang tingin ko sa kanya. 

Tulog si Mama. Tulog din ang katabi ko. Umaandar na nga itong eroplanong sinasakyan namin. Medyo natatakot nga ako habang papataas ng papataas itong eroplano. Pero nawala din agad iyon. Para lang akong nakasakay sa jeep na dumadaan sa lubak lubak na daan. Medyo magalaw dito sa loob ng eroplano. Dahil sa wala akong magawa nagkali-kalikot na lang ako ng kung ano ano. Meron kaseng nakakabit na maliit na screen sa likod ng bawat upuan. Nagsisilbing pang-aliw sa bawat pasaherong nakasakay para naman hindi maboring ang mga pasahero. Meron ding parang controller na ginagamit para makapili ka kung ano 'yung gusto mong gawin. Syempre, dahil nabo-bored na ako ay naglaro an lang ako ng kung ano anong games.  

Mahigit 1 oras din ata ako naglaro ah? Pagod na ko kakapindot. Nakaulwa na ata ang dalawang mata ko. Inaantok na din ako.  Syempre habang natutulog gusto kong nakikinig ng music. Sayang hindi ko dala ang unan ko wala tuloy ako mayayapos.

Sayang talaga hindi ko dala ang favorite unan ko!!!!!! Wala tuloy ako makayakap!

After 2 hours......

Hayyyy.....ang lambot lambot talaga ng unan ko. Wait lang bakit sa bandang gitna parang bato. Wala siguro yun  mabango naman eh!!!!!!!!!

ANG BANGO?!?

Amoy tao ang unan ko? Bakit parang mahaba? Dahan dahan kong minulat ang mata ko.

OHMYGUSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!

Nakayakap ako sa MASUNGIT na nilalang na to.

WAHHHHHHHHHH....................... T.T

My PRIVATE TUTOR (Editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon