"Ano na naman Zaim?" Tanong ni Liam na halata sa tono na aburido.

"May nagpa-reserve ba na ang pangalan ay Victor diyan sa restaurant ni Sabrina?" I asked, saglit naman na natahimik ang kabilang linya bago may sumagot.

"Yes, Victor Del Rosario. Table for 2, bakit?" Liam asked

"Wala." I said at saka ibinaba na ang tawag. Kaagad na kinuha ko ang holster ng baril ko at isinuot iyon sa katawan ko. Binuksan ko naman ang isang painting duon at kumuha ng dalawang baril at isinuksok iyon sa holster.

"Sir, I found some files for Victor--" Jude II said

"I'll look at it later Jude II, I need to do something important." I said at saka isinuot ang coat bago tuloy-tuloy na naglakad palabas ng bahay.

⬛ADDIE⬛

"So kamusta na? its been weeks, I think?" Victor asked and I just chuckled

"Yeah, its been weeks. So, willing ka ba na mag-model ulit sa clothing line ko?" I asked and he smirked

"Of course, kung gugustuhin mo." He said.

"Bravo, my HR department are working on your contract." I said at saka uminom sa champagne na mas naunang i-serve.

"You're married?" Napatigil naman ako sa tanong niya at tumingin sa daliri ko. Damn, nakalimutan ko palang tanggalin.

"Its...complicated, you know." I said, sakto namang dumating ang waiter at inilapag ang mga pagkain.

"Have a nice dinner, Ma'am...Sir.." My eyes widened at tumingin sa nagsalita. At si Jude naman ang nakita ko, Zaim's personal assistant.

"Jude? what are you doing here!?" I asked.

"You know him?" Victor asked.

"No Sir, di po namin kilala ang isa't-isa. Excuse me Sir." Jude said at saka umalis. I huffed, Damn Zaim, hanggang dito ba naman!?

"You look...angry, may nagawa ba ako?" Victor asked

"Wala...I'm fine, teka lang ha." I said at saka tumayo. Dumiretso naman ako sa CR at padabog na isinara ang pinto. I took a deep breath at tumingin sa salamin.

"Zaim, ano bang ginagawa mo dito?" I asked, nakarinig naman ako ng footsteps at maya-maya lang ay lumitaw si Zaim sa likod ko.

"marhabaan , Addie" (hello Addie) Zaim greeted, I glared at his reflection bago siya hinarap.

"Ano bang problema mo! ayaw mo ba talaga akong iwan!?" I asked

"Ayoko at hinding-hindi kita iiwan" He said at binigyan naman ako ng nakakalokong ngiti.

"Zaim please, please leave me alone. Eto na nga diba? kasal na ako sayo! ano pa bang gusto mo!?" I asked, gusto ko siyang sabunutan at sipain ngayon.

"Wag ka ng magkikipag-kita sa lalaking iyon." Zaim said and I rolled my eyes.

"Pakielam mo?" Pagtataray ko, nahagip naman ng mata ko ang baril sa loob ng coat niya. "Seryoso ka talaga sa banta mo!?" I asked and he smirked, hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin.

"This night is only a warning Addie, sa susunod na makita ko pa kayo magkasama. Hindi na ako magda-dalawang isip na bigyan ng signal ang sniper ko na nasa paligid lang." Zaim said in low tone. I glared at him again.

"You can't do that Zaim. Let me go." I said at saka pilit na binabawi ang kamay ko.

"Let me tell you this Addie, I can do it and I won't let you go." Zaim said.

xxxxxxxxxxx

Again, hindi ko po siya isasabay kay Darwin so expect the slow updates.

-Queen Jema♕

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now