Epilogue

88 6 1
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
Epilogue
-------------------

Sa mundong ito, mahirap hulaan kung sino ang mga magiging permanente sa buhay mo. Hindi natin mahuhulaan kung anong mangyayari sa atin. Hindi natin mahuhulaan kung mabuti o masama ba ang dulot nila sa buhay natin.

Mula pagkabata, sinanay ko ang sarili na makuntento sa kung anong meron ako at ang pamilya ko. May mga simpleng pangarap para sa isang simpleng mamamayan na tulad ko.

Mag-aral. Mag-aral. Mag-aral.

'yon lang sana ang balak ko. Makapagtapos ng pag-aaral para maiahon si Mama at si Des sa kahirapan. Hindi ko namalayan na, hindi pala 'yon ang totoo kong rason. Gusto kong patunayan kay Papa na mali ang pamilyang pinili niya. Pero ngayon, natauhan ako. Hindi mo kailangang patunayan ang sarili kahit kanino. Hindi mo kailangang pekein ang sarili para lang sa isang partikular na tao.


Napatunayan ko 'yon kay Ace. Kahit na, plain, boring at walang sense of humor ako. Kahit na madalas ko itong iwasan para sa isang napakaliit na bagay. Hindi ako nito iniwan. Hindi rin ito nagsawang intindihin ang magulo kong ugali.

Nang dumating siya sa buhay ko, masasabi kong nilagyan niya ito ng kaunting kulay. Binago niya ang lahat ng nakasanayan ko. Binago niya rin ang ibang plano ko sa buhay. Hindi ko alam na malaki ang pagbabagong idudulot niya sa akin, sa buhay ko. Hindi ko inaakalang magiging malaking parte agad siya ng buhay ko.


Alam kong pareho pa kaming bata. Marami pang pwedeng mangyari. Hindi rin namin masasabi kung kami na nga ba talaga, lalo na sa mundong ito. Pero masaya akong sabihin na, may pagkakaunawaan kami na para sa amin lang talaga. Sapat na ang mga ngiti sa mata at labi para masabing masaya kami kapag kasama ang isa't-isa. Sapat na ang mumunting tibok sa aming puso para masabing gusto namin ang isa't-isa.


Ang noon na 'Operation: SS', Stay Single. Operation: SS pa rin. Pero hindi na single, dahil ngayon mismo handa na akong sumabay sa agos ng buhay, kasama si Ace. Kasama ang pamilya ko.

'pwede ko kaya gawing, Stay strong ang operation na 'to?'

*-*-*-*-* (end) *-*-*-*-*

A/n:

Date ended: 02/22/19

Operation: SSWhere stories live. Discover now