(xxxvi)

22 3 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(xxxvi)
-------------------


"Mauuna na ako."
Pagpapaalam ko sa mga kaklase matapos maglinis ng mga bintana.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Gusto ko na rin namang makauwi nang maaga.



Napatigil ako saglit nang makita si Ace na nakatayo sa gilid. Nang mapatingin ito sa 'kin ay agad itong tumayo nang tuwid saka lumapit sa akin.



"June."
Hindi ko ito pinansin. Dire-diretso lang ako na kunwari ay walang nakita.



"June, mag-usap naman tayo o."
Saad nito habang nakabuntot sa akin. Nagkunwari lang akong walang narinig o nakita. Kahit pa ilang beses ako nitong kinakalabit sa balikat. Kahit pa humaharang ito sa dinaraanan ko.



Apat na araw. Apat na araw ko nang hindi kinikibo si Ace. Lahat nga ata ng tao sa paligid ko ay nakamove-on na sa mga grades nila. Lahat nagproceed na para sa fourth grading period. Hindi ko lang maintindihan yung sarili kung bakit hindi ako makausad.



"June. Itulak mo na lang ako palayo o sungitan. Hindi yung ganito. Daig ko pa yung hangin."
Malumanay na saad nito. Nakokonsensya ako, kung bakit parang sa kaniya ko sinisisi ang lahat. Kung bakit pumasok sa isip kong kasalanan niya ang lahat ng pagbabagong nangyayari sa akin, sa buhay ko.



"June."
Tumigil ako sa paglalakad saka nag-angat ng tingin dito. Seryoso ang mukha niya. Malaki rin ang eyebags nito at mababakas sa mukha nito sinseridad. Kita ko ang paglunok nito habang nakatingin din sa 'kin. Maya- maya lang ay napakamot ito sa ulo niya.




"June, bakit mo na naman ba ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali? May nasabi? Sabihin mo naman, aayusin ko---"




"Tigilan mo na 'to."
Pagputol ko sa sinasabi nito. Napakunot ang noo nito saka ako tiningnan nang nagtataka.



"Alin?"



"Ito. Tigilan mo na yung pangungulit sa 'kin. Yung panliligaw mo. Lahat."



"Ba..."
Napayuko ito.


"kit?"
Dugtong niya. Napabuntong hininga ako saka ito tiningnan nang seryoso.


"Hindi mo maiintindihan."


"Ipaintindi mo naman sa 'kin, June."



"Tigilan mo na ako. Ginugulo mo ako. Ginugulo mo lahat ng plano ko. Ginugulo mo lahat."
Natigilan ito sa sinabi ko. Nanatili lang itong nakatingin sa 'kin at tila iniintindi kung anong mga sinabi ko.



"Panong gulo..."
Mahinang saad nito. Nangungunot ang noo habang nakatitig sa akin.




"Hindi mo ba nakikita? Ayoko ng distractions."
Gusto kong sampalin ang sarili, sabunutan, suntukin, kung ano ano. Alam kong hindi tama yung nasabi ko. Lalong kumunot ang noo nito, saka ito pagak na natawa.




"Distraction ako?"
Hindi ako sumagot. Sa halip ay tinalikuran ko ito saka ako nagsimulang maglakad. Kahit mabigat ang mga hakbang, kahit ramdam kong kasabay nito ang pagbigat ng pakiramdam ko.



"June!"
Rinig kong tawag nito pero hindi ako lumingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakailang tawag pa muna ito bago ko narinig ang mga yabag ng sapatos nito sa kalsada, alam kong tumatakbo ito sa mga oras na 'yon.




Gaya ng inaasahan, madali ako nitong naabutan. Naramdaman ko na lang ang mahigpit nitong hawak sa braso ko gamit ang nanginginig niyang kamay.



"June. Bakit ganyan ka?"




"Hindi ko alam. Bitawan mo ako."
Saad ko saka ito tiningnan nang masama. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang na 'yon. Kahit na alam kong malapit nang bumagsak ang mga luha sa mata ko.
Mabilis nitong inalis ang kamay niya nang makita ang reaksyon ko.




Maagap akong tumalikod kasabay no'n ang pagpatak ng luha mula sa kaliwang mata ko.




"Ikaw yung naging inspirasyon ko, June. Hindi ko alam na nagugulo kita dahil sa ginagawa ko."
Rinig kong saad nito habang paisa-isa ang hakbang ko palayo sa kaniya. Hindi ako lumingon.





Hindi ko alam kung pa'no ako nakauwi sa bahay. Lumilipad ang isip ko. Lalong dumagdag ang konsensyang nararamdaman ko. Wala akong ibang alam na gawin kundi ang magsalita ng masakit. Kundi itulak siya.



Nagwawalis si mama nang dumating ako, pero nang makita nito ang mukha ko ay agad nitong binitawan ang walis saka lumapit sa akin. Pagod ako ng mga oras na 'yon.




"Anak, bakit?"
Sa sinabi niyang 'yon ay agad na lang akong napaluha. Nung una ay paisa isang patak lang hanggang sa magsunod-sunod na. Niyakap ako ni mama saka ako umiyak. Siguro, ito ang unang beses na makita niya akong umiyak. Bukod sa pagpalo niya sa akin pag may nagagawang kasalanan noong bata pa.


"A-ayokong madisappoint ka sa 'kin ma."
Saad ko sa pagitan ng paghikbi. Hinaplos lang nito ang buhok ko. Namiss ko 'yon. Sa mga oras na 'yon ay parang gusto ko na lang bumalik sa pagkabata.




"June, ikaw lang naman ang nag-iisip ng ganyan. Ano bang nangyari?"
Naupo kaming pareho sa sofa. Wala akong ibang nagawa kundi ikwento sa kanya ang lahat. Mula sa pagkagusto ko kay Ace hanggang sa mga takot na nararamdaman. Sinabi ko sa kaniya lahat ng nasa utak. Sinabi ko lahat ng ginawa ko kay Ace. Mula sa pagmamaldita at pag-iinarte.




"Magsorry ka sa kaniya."
'yon ang una niyang sinabi. Saka ako nito pinagsabihan. Kahit kailan daw ay hindi niya ako pinush na makakuha ng mataas na marka, na kahit kailan daw ay kuntento na si mama sa kung anong marating naming dalawang magkapatid. Na ako lang ang gumagawa ng mataas na expectation na 'yon. O baka dahil nagpapaimpress ako kay papa. Gano'n nga ata. Hindi ba gusto kong matauhan ito? Gusto kong mapagtanto niya na mali ang pamilyang napili niya?



"Hayaan mo na ang papa mo. Masaya naman ako dahil may dalawa akong Angel."
Saad pa nito. Tumango na lang ako. Tama naman ang lahat ng sinabi niya. Bakit hindi ko hinahayaan ang sarili na sumabay sa agos ng buhay. Bakit kailangan kong mag-isip nang ganito?




"Pahinga ka muna anak. May pagkain nga pala sa mesa."
Tumango ako ulit lalo na nang makita ko ang ngiti nito. Maswerte ako sa nanay.



Bago pa ako makaakyat sa kwarto ay narinig ko pa ang dugtong nito.
"Si Ace, mabait ang batang 'yon anak."



Alam ko naman 'yon. Kaya nga naisip kong hindi ito bagay sa akin. Sinisira ko siya. Habang binibigyan niya ng kulay ang mundo ko, pinipintahan ko ang kanya ng kulay itim.



Napangiti ako nang mapait. Tama naman ang sinabi sa akin ni mama noon. Kung tutuusin ay pwede naman akong mag-enjoy habang nag-aaral. Malaya akong gawin ang kung ano mang gustuhin. Kailangan ko lang yata tigilan ang pag-iisip nang masyado.



Mags-sorry rin ako kay Ace. Aayusin ko 'to. Bukas.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Operation: SSМесто, где живут истории. Откройте их для себя