(xvii)

13 3 0
                                    

*-*-*-*-*
(xvii)
------------

Napailing-iling na lang ako nang makita ko na naman si Ace na nasa labas ng room namin. Kasalukuyang may nagtuturo sa min kaya kunwari ay abala ako sa pakikinig, kahit ang totoo ay walang ibang pumapasok sa utak ko. Namalayan ko na lang na nagsitayuan ang mga kaklase ko, kasunod no'n ay ang paglabas ni ma'am sa classroom namin. Mabuti na lang at last subject na namin 'to. Agad akong tumayo saka dumiretso sa mga cleaning materials na nasa gilid.

"Ako na neto."
Napalingon ako kay Ace dahil nakapasok agad ito at nakabuntot na naman sa 'kin.


"Ako na."
Saad ko saka inagaw ang walis tambong hawak ko. Uwian na naman at syempre heto ako at maglilinis muna bago umuwi.


"Ako na."
Agad ko ulit inagaw ang dustpan na hawak hawak niya. Napakamot ito sa ulo niya saka ako nginitian. Buong araw halos na nakasunod at nakabuntot sa 'kin si Ace. Maliban na lang kapag oras ng klase. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi na nito in-open pa ang tungkol sa sinabi niya kagabi kaya inalis ko na lang sa isip 'yon.


'Baka trip niya lang 'yon.'

"Ako na."


"Hindi. Ako na talaga. Kanina pa kita pinagbibigyan e."
Saad nito habang hawak hawak ang bag ko at mga libro.


"Ang kulit mo. Ako na nga."
Saad ko saka inagaw ang mga gamit kong hawak hawak niya. Ayaw niya itong ibigay kaya tiningnan ko ito nang masama.



"Sige na kasi."
Hindi ito nagpatinag. Siguro nasanay na sa masamang titig kong gano'n kapag naasar ako sa kaniya o 'di kaya'y nakukulitan.



Nakikipaghilaan ako sa bag ko at gano'n din siya. Medyo nauubos na rin ang pasensya ko kaya pwersahan ko muna itong hinila saka biglang binitawan.



"Aray naman!"
Napakagat labi ako para pigilan ang pagtawa. Natumba kasi ito gaya ng inaasahan kong mangyayari. Napahawak ito sa may pwet niya.



"Hoy sandali lang naman! Hintayin mo 'ko."
Rinig kong sigaw nito habang naglalakad na ako sa corridor. Nang maabutan ako nito ay bahagya itong nagkakamot sa ulo niya. Nakasukbit sa kaliwang balikat ang bag niya habang nasa kanan naman ang bag ko.



Nang lalapitan ko ito ay umatras siya saka umiling-iling.


"Ako na nga. 'Wag nang makulit, June."
Inirapan ko ito saka hinablot ang bag niyang halos wala na naman atang laman. Siguro isang notebook at ballpen lang ang dala niya.

"Ba't nagdadala ka pa ng bag kung wala namang laman."
Untag ko. Hindi ito sumagot, sa halip ay pangiti-ngiti lang ito habang bahagyang panaka-nakang sumisipol.



"Bukas, sabay ulit tayo ha?"
Tumango na lang ako. Kung tutuusin ay malayo talaga ang bahay nito sa amin, sa kabilang kanto pa nga. Hindi ko lang alam kung bakit gusto nitong sumabay sa 'kin.  Magkaiba ang 'hatid' at 'sabay' pero mas pinili nitong sabihing sasabay siya sa 'kin. At mas pinili ko namang paniwalaan pa 'yon.


Alam ko namang may namumuo akong something para sa kaniya, pero ayokong bigyan ng malisya ang lahat ng ginagawa niya kahit pa sinabi nitong gusto niya ako. At isa pa... Ayokong lumala 'to. Ayoko.


"June?"
Napaatras ako nang makita ang malapit na mukha nito sa 'kin.


"B-bakit?"
Singhal ko rito saka umayos nang tayo. Nginitian na naman ako nito. Alam kong ilang beses ko na 'tong nasabi pero, ayoko talaga sa ngiti niyang 'yon.


"Kanina pa kita kinakausap. Sabi ko, punta ulit tayo sa peryahan."
Ramdam ko na naman ang kung anong tambol na nanggagaling sa dibdib ko.



"Ayoko."


"Bakit na naman? Sige na. Mags-sembreak naman na, next week e."
Pagpupumilit pa nito. Nakatigil lang kami sa gilid. Kapag sinusubukan ko namang maglakad ay hinaharangan niya.


"Ayoko pa rin. Alis."
Utos ko rito. Napabuntong hininga ito saka tumabi. Ginawa kong pagkakataon 'yon para mauna nang maglakad. Hindi ko ito nililingon. Napapadalas yata ang pagiging lutang ko. 'Wag naman sanang maapektuhan ang pag-aaral ko dahil alam kong madidismaya si mama. Na ayokong mangyari.


"June."
Tumigil ako sa paglalakad at saka nilingon si Ace. Nakatitig lang ito sa'kin nang seryoso.



"May sasabihin ka ba?"
Hindi ito sumagot. Napakamot lang ulit ito sa ulo niya kaya pinagpatuloy ko na lang ulit ang paglalakad. Naramdaman ko ang presensya nito sa tabi ko, kaya siniguro kong diretso lang ang tingin ko sa daan.

"Totoo yung sinabi ko kagabi, June."
Napatigil ako sa paglalakad at gano'n din siya. Ramdam ko ang pagtitig nito sa 'kin kaya napayuko ako. Kalmado ako pero pakiramdam ko ay hindi. Weird.

"Magsalita ka naman. Kinakabahan ako lalo."
Dugtong pa nito. Nagtatalo ang dalawang parte ng utak ko.


'Totoo raw. Ibig sabihin, gusto niya 'ko.' Pero mas lamang ang pagdadalawang isip. Gusto niya nga ba talaga ako? Hindi ba trip trip lang 'to?


Nag-angat ako ng tingin pero hindi ko pa rin kayang tumingin nang diretso sa kaniya kaya napayuko ako ulit.
Gusto kong tanungin kung totoo nga ba 'yon o hindi. Pero natatakot ako. Hindi pa ako handa sa ganito. Ayokong umiyak lang bandang huli. Ayokong---


Hindi ako nagsalita. Sa halip ay nauna lang akong maglakad. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito.


"Galit ka ba?"

"Hindi."

"Magpapaalam ako kay tita kung pwede,"
Mabilis pa sa alas kwatro akong nakalingon sa kaniya. Nagulat naman ito pero bahagyang naningkit ang mga mata niya dahil sa pagngiti.



"Ayokong pumunta sa peryahan ngayon, 'wag na."
Malilikot ang mata ko habang sinasabi 'yon. Hindi ko kayang tingnan siya sa mata.

'Ganito pala kapag kinikilig?' Untag ng utak ko. Ramdam ko tuloy ang pag-init ng mukha ko dahil doon.

"Hindi naman 'yon ang tinutukoy ko."
Tinalikuran ko ito saka naglakad ulit. Siguro ang galing kong umarte, hindi ko rin alam kung bakit nakakaya ko pang manahimik kahit na rinig na rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa pagpigil na ngumiti. Bakit ba hindi ko kayang maging tulad ng ibang babae?

"June."
Napalunok muna ako bago ito sinagot.

"Bakit?"

"Magpapaalam ako kay tita."
Pinal na sabi nito. Tiningnan ko naman ito nang nagtatakha.


"Saan?"
Tanong ko. Nakatitig lang ito sa 'kin, habang ako naman ay maya't maya kung tumingin sa ibang bagay.

"Magpapaalam ako tungkol sa,"
Tumigil ito saglit habang hindi inaalis ang titig sa 'kin.


"Sa panliligaw sa 'yo."
Dugtong niya na nagpatigil sa mundo ko.


*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Operation: SSWhere stories live. Discover now