(xxx)

20 3 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(xxx)
-------------------


Uwian na at bukas wala na kaming pasok, NCAE na. Hanggang ngayon ay lumilipad pa rin ang utak ko kay Ace. Gusto ko na lang siyang tanungin kung hindi ba ito napapagod katatakbo sa isip ko? Pero ang corny non. At isa pa, hindi pa ako nito pinapansin. Paano ko naman maitatanong sa kaniya ang bagay na 'yon.


Sa totoo lang, parang ayoko pang umuwi. Kaya sinasadya kong bagalan ang paglinis. Kaya kahit alam kong inip na inip na ang isa kong kaklase ay wala akong pakialam. Umaasa pa rin kasi akong makakausap man lang si Ace. Kahit papaano.


Paglabas ko ng room ay nagulat ako sa nakita. Sarado na ang mga room sa unahan pero hindi 'yon ang nakapagpatigil sa akin. Kundi...


Si Ace.


Nakatayo ito habang nakatingin sa cellphone niya. Pakiramdam ko ay lalong lumalaki ang ulo ko. Lalo na kapag naiisip kong ako ang sadya niya.



"June."
Agad nitong binulsa ang cellphone na hawak saka napatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong irereact. Ngingitian ba siya o tatanguan.



"Sorry."
Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito. Ako ang may kasalanan, ako ang may atraso pero bakit siya pa rin ang nags-sorry? Gusto kong sabihing, 'hindi, ako ang dapat na magsorry'. Pero parang nakadikit ang mga labi ko at ayaw nitong makisama.



"Pwede ba kitang makausap?"
Tanong pa nito. Wala akong lakas ng loob para tumanggi sa kaniya. Kaya habang nakatitig ako sa mukha nito ay napatango ako nang kusa. Nauna itong maglakad kaya nanatili akong nakasunod sa kaniya.



Tumigil kami sa Math Garden. Nakatayo lang ito habang nakatalikod sa 'kin. Ako naman ay nakayuko lang habang tinatansya ang sitwasyon. Tinitimbang ang mga salitang dapat at hindi dapat sabihin.



"June."



"Ace."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sabay naming pagsasalita. Naningkit ang mata nito, senyales ng pagngiti niya.


"Ako muna."
Untag nito kaya napatango ako.



"Gusto kong magsorry. Hindi ko rin kasi alam kung bakit kita iniiwasan. Pero maniwala ka, ayokong gawin 'yon June."
Nakatitig ito sa 'kin habang sinasabi 'yon. Nakatitig lang din ako sa kaniya. Ang dami kong gustong sabihin. Marami akong gustong aminin, pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.


"Teka. Ba't ka umiiyak?"
Natauhan ako sa sinabi niyang 'yon. Naalarma ito at hindi alam ang gagawin. Nakita ko ang paghakbang ng isang paa nito kaya agad akong napahawak sa pisngi. Basa nga ito ng luha.


"Diyan ka lang. Okay lang ako."
Untag ko. Tumigil nga ito sa akmang paglapit sa 'kin. Rinig ko ang bulong nitong "aish" at kita ko rin ang pagkamot nito sa buhok niya.



"Bakit ba ganiyan ka, Ace?"
Sa mga oras na 'yon ay hinayaan ko ang sariling umiyak habang nakatitig lang sa kaniya at gano'n din ito sa 'kin. Kahit na hindi ito mapakali at alam kong gusto niyang lumapit sa 'kin.



"June, may masakit ba sa 'yo? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Ano... Bakit ka umiiyak?"
Sunod sunod na tanong nito. Napayuko ako saka kinuha ang panyo sa bulsa ng palda ko. Alam kong nakatingin lang ito sa 'kin habang ginagawa ko 'yon.



"Pwede na ba kitang lapitan?"
Umiling lang ako. Natutukso akong sabihin lahat ng gusto kong sabihin. Sa unang pagkakataon, gusto kong may mapagsabihan ng mga nararamdaman ko.



Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon