(xxxiv)

20 3 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*-*
(xxxiv)
--------------------

Dumating na ang periodical exam. Sa loob ng tatlong araw, sabay kaming nagrereview ni Ace sa bahay. Hindi na rin nito muling in-open pa kung anong mga naikwento ko sa kaniya. Mas okay na rin naman ako sa ganoong set-up.

Mabuti na lang kahit madaldal si Ace at makulit, marunong itong dalhin at ilugar ang ugali niyang 'yon.



"Mama alis na po ako."
Saad ko. Bago lumabas ng gate. Narinig ko pa ang sinabi nitong 'ingat'. Paglabas ko ay sinalubong ako ni Ace nang nakangiti.



"Kanina ka pa ba nandiyan?"
Takang tanong ko.



"Ba't hindi ka na lang pumasok?"
Dugtong ko pa. Kilalang kilala na rin naman kasi siya ni mama, at bukod pa ron. Sanay na rin naman siya sa bahay namin.


"Kararating ko lang, tara?"
Tumango ako. Saka kami sabay na naglakad.



"Nagreview ka na lang dapat imbes na sunduin pa ako."



"Okay lang. Gusto kitang makita eh."
Pinagtaasan ko lang ito ng kilay kahit na sa totoo lang ay kinilig ako sa simpleng banat niyang 'yon. Pigil na pigil ko tuloy ang pagkurba ng labi ko.



Kapag periodical test kasi, pang hapon ang mga grade 7, 9 at 11. Samantalang pang umaga naman kaming mga grade 8, 10 at 12. Dahil magkasunod lang kami ni Ace ng grade level ay hindi talaga kami magkakasabay.


Nang madaanan namin ang kanto papunta sa bahay nila ay tumigil ako. Kaya napatigil din ito sa paglalakad saka tiningnan ako nang nagtataka.



"Umuwi ka na kaya sa inyo? 'di ba may reviewer ka na? Basahin mo ulit 'yon."
Untag ko rito. Napakamot siya sa ulo.


"Pero---"


"Sige na, dapat pasado ka sa lahat ng tests mo okay?"
Pagputol ko sa dapat sana nitong sabihin.



"Okay. Gusto lang naman kitang i-goodluck eh."
Nginitian ko ito.



"Oo na. Uwi ka na. 'wag mo na rin akong susunduin bukas okay?"
Napakamot pa muna ito sa ulo niya bago tumango nang alanganin.



"Goodluck, Prinsesa! Alam ko namang kaya mo 'yan e. Sus."
Pareho kaming natawa sa sinabi nito kaya tumalikod na ako para maglakad papunta sa school.



Dapat ay matataas ang makuha kong score. Lalo pa ngayon, dumagdag ng isa. Si Ace. Ayoko silang biguin, lalo na si mama. Sila ang inspirasyon ko sa lahat ng pagsisikap na 'to.

Pagdating ko sa classroom ay naglinis pa muna kami saka inayos ang pagkakahanay ng mga upuan. Maya-maya lang nga ay dumating na ang adviser namin saka nagsimula ang exam.




Natapos ang first day of exam, okay naman. Pakiramdam ko naman ay nasagutan ko ang lahat nang maayos. Confident naman ang mga sagot ko sa bawat item. Naglinis pa muna kami bago tuluyang pinauwi.



Pagdating ko sa gate ay sinalubong ako ni Ace. Agad naningkit ang mga mata nito nang makita ako.


'bakit ganon?'
Habang patagal nang patagal, pakiramdam ko gumagaan ang loob ko kapag kasama siya. Yung mga ngiti niya, nahahawa ako. Sabi ni mama, may nagbago sa 'kin. Hindi na raw ganoong kabigat ang awra ko. Masaya raw sila.
Alam ko namang si Ace ang dahilan non. Kahit sabihin kong ayoko 'to. Ayokong ngumiti sa mga cornyng jokes niya. Ayokong tumawa kapag nagpapatawa ito. Ayokong makaramdam ng saya kapag nandiyan siya sa tabi ko. Ayoko ring makaramdam ng lungkot kapag wala ito sa paligid. Pero anong magagawa ko? Kahit anong pilit kong ayawan 'to, nahihila niya pa rin ako.



Operation: SSWhere stories live. Discover now