(xviii)

17 3 0
                                    

*-*-*-*-*
(xviii)
------------

"Ate, ano ba 'yan!"
Rinig kong singhal ni Des sa'kin. Napatigil naman ako sa kalilikot at saka nagtalukbong ng kumot. Nasa iisang kwarto lang kasi kami at mayroong double deck, nasa baba ako.

Alas onse na at hindi pa rin ako makatulog dahil sa mga nangyari kanina.

'Liligawan ako ni Ace'
Napapikit ako nang mariin saka kinagat ang labi para pigilan ang pagngiti. Kanina ay nagpaalam nga siya kay mama at hindi ko kinaya 'yon kaya nagtago na lang ako habang nakikinig sa kanila.


Pumayag si mama.


Pero bilin nito na 'wag kong pababayaan ang pag-aaral. Hiindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o ano. Pero masaya ako. Ang weird. Bago kasi sa 'kin ang ganito. Sa loob ng disisyeteng taon na pamumuhay ko sa mundo ay nagkaroon din sa wakas ng thrill ang buhay ko kahit papano. At 'yon ay nang makilala ko siya...


Si Ace.

Kinalma ko muna ang sarili saka mariing pumikit. Bahala na.



----------

"Anak, pinapayagan kitang magpaligaw. Basta 'wag pababayaan ang pag-aaral, okay?"
Saad ni mama habang inihahain ang almusal namin. Nginitian ko naman siya saka tumango.



"Kapag pinaiyak ka ng batang 'yon, sabihin mo sa 'kin."


"Magkakaboyfriend ka na rin sa wakas, ate."
Tuwang saad naman ni Des habang nakangiti sa'kin. Napailing-iling na lang ako saka tinapos ang kinakain. Ligaw pa lang naman, hindi naman ibig sabihin na sasagutin ko si Ace agad.


Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ay agad akong nagpaalam kay mama para makaalis na.

"June."
Napalingon ako sa gilid at nakita si Ace. Nakangiti na naman ito habang titig na titig sa 'kin. Nakacivilian lang ito, dahil friday naman at allowed kami. Bukod pa ron ay mayroong parade mamayang alas otso para sa fiesta bukas.


"Good morning."
Bati nito sa 'kin.

"G-good morning."


"Tulungan na kita."
Agad nitong kinuha ang bag ko. Wala naman kasi akong dalang libro at medyo magaan din ang bag ko kaya hindi na ako tumutol.

Tahimik kaming naglakad habang nararamdaman ko ang bahagyang pagdidikit ng mga braso namin. At kapag nangyayari 'yon ay pinipigilan ko talagang 'wag ngingiti.


"June."

"Hmm?"

"Gwapo ba 'ko?"
Automatic na napalingon ako sa kaniya. Nakangiti ito habang hinihintay ang sagot ko.

"Makulit ka."


"Pero gwapo. Alam ko."
Nakangiting turan nito.


"Baliw."
Bulong ko saka ito inirapan.

"Sa 'yo."
Hinampas ko ito sa braso. Nakakainis.

"Teka,"
Tumawa ito nang malakas.

"Napangiti kita."
Pang-aasar nito habang tinatawanan ako. Aaminin ko, una ko pa lang siyang nakita ay hindi naman maipagkakailang gwapo nga ito. Simple. Hindi pa-cool, pero minsan ay nagbubuhat ng sariling upuan.


"Prinsesa."

"Bakit?"
Tanong ko dahil sa biglaang pagtawag nito. Medyo nasanay na rin naman ako sa pagtawag niya sa 'kin ng gano'n.

Operation: SSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon