(xxxvii)

35 3 0
                                    

*-*-*-*-*-*-*
(xxxvii)
-----------------

Mula pagkagising ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung matatae ba ako o maiihi. Kahapon, hindi pumasok si Ace. Hindi rin ito nagpakita sa 'kin buong maghapon. Kahit pa hinintay ko ito sa waiting shed o pumunta ako sa 7/11. Wala siya. Umaasa ako ngayong araw. Gusto kong maayos 'to. Ayusin ang lahat.

Pagpatak ng alas onse ay hindi na ako nakakapagfocus sa pakikinig. Tila ba lumilipad ang utak ko. Hindi ko rin kasi ito nakita nung flag ceremony. Lunch time lang ang pagkakataon para makausap ko siya.

"That's all for today."
Pagkasabi no'n ni ma'am ay agad akong napatayo saka mabilis na lumabas sa room. Para bang hindi ko na naisip na baka sabihin nilang wala man lang akong respeto kay ma'am, o kung napansin nga ba nila ang agad na pag-alis ko.

Humahangos ako nang dumating sa classroom nila. Kalat kalat na ang mga estudyante sa loob ng room nila. Kaya agad hinanap ng mata ko ang pigura niya. Wala siya. Naglakas loob na lang akong kalabitin ang isa sa kanila para magtanong.

"Nasa'n si Ace?"



"Umalis po e, dala yung bag niya."
Sagot nito. Hindi ko siya naabutan. Bagsak balikat akong napatingin sa bakanteng upuan sa likod, alam kong pwesto niya 'yon.


Napabuntong hininga na lang ako saka tumalikod para umalis na sana nang marinig ko ang pamilyar na boses nito.



"June?"
Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-angat ko ng tingin. Naka civilian ito kahit na martes pa lang. Nakasukbit din sa balikat nito ang bag niya. Nagkatitigan lang kami saglit bago ito nag-iwas ng tingin saka inilipat sa kaliwang kamay ang bote ng tubig na hawak niya.



"Ace, pwede bang..."
Napahinga muna ako nang malalim na para bang humuhugot ng lakas ng loob saka tumingin sa kaniya.




"Ano...pwede ba kitang makausap?"
Napalingon muna ito sa likuran niya saka tumango. Napatango rin ako saka naunang maglakad. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakasunod ito sa 'kin.



Sa Math Garden kami tumigil. Naupo ito sa dati niyang pwesto saka inilapag ang boteng hawak.



"Anong pag-uusapan natin?"
Tanong nito. Binalot kami ng katahimikan. Nakatayo lang ako habang hindi mapakali. Pawis na pawis din ang mga kamay ko dahil sa kaba. Tinalo pa nito ang kaba ko sa tuwing may recitation o magsasalita sa unahan. Malakas din ang kabog sa dibdib ko. Nakakabingi ito.



"Sorry, Ace."
Sa sobrang dami ng kasalanan ko, 'yon ang unang lumabas sa bibig ko. Nangunot ang noo nito habang nakatingin lang sa 'kin.




"Sorry. Alam kong hindi tama na sabihin 'yon. Nadisappoint lang ako sa sarili ko mismo. Hindi ko namalayan na ibang tao na pala ang sinisisi ko. Ikaw. I'm sorry."
Napayuko ako dahil don.



"Kabaliktaran ng totoo kong nararamdaman ang mga sinasabi sa 'yo. Sorry kung masyado akong magulo. Sorry kung ginagawa kong kumplikado ang lahat. Sorry---"



"Gusto kita."
'yon ang tanging sinabi niya, dahilan para maputol ang mga sinasabi ko. Nagtama ang paningin namin nang tumunghay ako. Seryoso ang mukha niya. Seryoso ang mga mata niya.



"Gusto ko sanang tigilan mo na ang panliligaw."
Nangunot lalo ang noo nito saka tumayo. Nilapitan ako nito.



"Bakit? Ano na naman bang problema?"
Naalarma ako dahil sa naging reaction niya.



"Gusto rin kita, Ace. Pero bata pa tayo. Hindi ba pwedeng i-enjoy muna natin 'to?"


"Mutual understanding?"
Tumango lang ako. Maya maya lang ay agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. Pakiramdam ko, gumaan din ang loob ko. Siguro dahil nakita ko na ang ngiti nito. Gano'n pala 'yon?



"Naiintindihan ko, June."
Nakangiting sabi nito. Nakakahawa. Hindi ko namalayan na pati pala ako ay nakangiti na.



"Gusto ko lang itanong,"

"Ano 'yon?"

"Bakit ka ba ganiyan, Ace?"
Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha nito habang matamang nakatitig sa 'kin.

"Anong ganito?"

"Ang babaw ko. Immature. Madali akong naaapektuhan. Lagi kitang tinutulak, iniiwasan. Kahit maliit na bagay, big deal para sa 'kin."
Mahinang saad ko habang inaalala kung anong mga pinaggagawa ko. Kahit alam kong gusto ko, bakit ko pa pinipigilan ang sarili. May kalayaan naman ako para sabihin ang kung ano mang gusto, pero bakit tila nagiging pipi ako o di kaya'y mas pinipiling sabihin ang taliwas sa nararamdaman. Kahit alam ko na kung anong tama at dapat gawin, para akong bulag na hindi 'yon nakikita.





"Nagdadrama na naman po si Prinsesa--"
Tiningnan ko ito nang masama dahil sa sinabi niya.


"Joke lang."
Bawi nito.



"Kailan ba pa kaya ako masasanay sa pagbabago mo, June?"




"Bad thing?"



"Gusto kita."
Malayong sagot nito sa tanong ko. Dahilan para sabay kaming mapangiti.



"Isang sorry mo lang, bibigay agad 'to."
Saad pa nito saka tinuro ang dibdib niya. Hindi ko tuloy alam kung anong ginawa ko sa past life, para makilala si Ace.



"June, 'wag mo na akong iiwasan ulit ha?"
Tumango ako. Pagkatapos no'n ay nag-aya na itong kumain. Nakalimutan namin na may pasok pa pala mamayang hapon. Pakiramdam ko kasi ay tumigil ang oras, parang kami lang na dalawa ang may buhay sa mga oras na 'to.



'posible palang mangyari 'yon?'

Ngayon mismo, susubukan kong sumabay na lang sa agos ng buhay, nang walang anumang iniisip.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Operation: SSWhere stories live. Discover now