Napangiti din ako. Hindi ko naimagine na bumuo ng pamilya lalo na sa isang sikat pa na artista pero walang paglagyan ang saya ko habang nakatingin sa mag ama ko na masayang nag uusap.

"Ddyy! Chocholet!" Nakangusong sabi ni Martina.

"Anong sabi ko about sa chocolate?" Pagsingit ko kaya napatingin sila sakin. Lalong humaba ang nguso ng makulit na bata.

"No chocholet sabi Dentith" Nakasimangot na sabi ni Martina. In the age of 3 sobrang daldal na nito kahit minsan hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya.

"May pasalubong pa naman akong chocolate sa princess ko pero bawal pala sabi ng Dentist. Kami na lang kakain ni Mommy mo..." Natampal ko ang noo ko nung pumalahaw ng iyak si Martina dahil sa sinabi ni Marlo. Kahit kailan talaga mapangasar tong isang to.

Imbes na maawa sa anak pinagtawanan pa. Nako... Hirap na nga magpalaki ng anak dadagdag pa tong asawa.

"Sssssh! Don't cry na princess joke lang walang chocolate" Seryoso na siya non habang inaalo ang anak. Hindi pa din tumigil sa pagiyak si Martina sobrang tinis pa naman ng boses.

Napailing ako at lumapit kay Marlo tapos kinuha ko si Martina sa kanya.

"Ssssh... Sweetie don't care kakanta na si Mommy ulit..... Maliliit na gagamba umakyat sa sanga dumating ang ulan at tinaboy sila sumikat ang araw natuyo ang sanga... Maliliit na gagamba palaging masaya..." Pagkanta ko habang sinusway sway siya tapos nakangiti kaagad tumahan si Martina at nakangiting tumingin sakin pero may luha pa din sa mata.

"Dadamba... Small" Tuwang tuwang sabi niya. Natawa ako at tumango.

"Yes small. Wag kana iiyak ulit ha? Wag mo ng pansinin yang daddy mo" Sabi ko at tumingin sa pwesto ni Marlo. Nakangiti lang siya habang malamlam ang matang nakatingin samin.

"Ddyyy! No bad" Natawa kami ni Marlo. Lumapit siya samin tapos hinalikan niya sa noo si Martina tapos ako naman sa labi.

"Ganda naman ng Reyna at Prinsesa ko nawala ang pagod ko sa biyahe... Kukunin ko lang yung gamit ko at pasalubong sa kotse baby" Paalam niya sakin. Tumango lang ako at ngumiti.

Si Martina naman nagpababa na at tumakbo don sa mga laruan niya na nakakalat sa sala. Napangiti ako habang nakamasid sa anak ko na naglalaro.

Sa dami ng pinagdaanan namin ni Marlo. Sa dami ng sakit na naranasan namin sa isa't isa nandito kami ngayon sa posisyon kung saan masaya kami at mas lalo namin minahal ang isa't isa lalo na ng dumating sa buhay namin si Martina.

Napatingin ako sa malaking frame na nakasabit sa may dingding sa sala. Nung una kong tungtong sa bahay nato, yung picture ni Marlo ang nakalagay sa malaking picture frame na yan. Ngayon ang picture naming dalawa kuha nung kinasal kami magkadikit ang pisngi namin sa picture at parehas kami ng ngiti.

Ang ganda ganda ko din don well mas maganda naman ako ngayon kahit mommy na ako. Char! Mema lang.

Basta masaya ako ngayon. Sobrang saya ko at aalagaan ko ang pamilyang to gaya ng pagaalaga ko dati kela mama.

Pumunta ako sa kusina para maghanda ng meryenda ng may marinig akong nag iingay sa sala. Tss! Nandito na naman ang maiingay.

"BEAUTIFUL NANDITO NA SI TONINONG POGI!!!"

"Toninong podii. Toninong!!!"

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now