CHAPTER 14

2.7K 58 1
                                    



FLOREN'S POV

NANDITO kami sa dressing room habang nag aayos ako ng mga gagamitin ni Marlo para sa photo shoot nila ni Scarlet.

Nakita ko siya kanina at ang ganda niya sa personal mukha siyang anghel at ang bait niya pa tuwang tuwa siya nung pinakilala ako ni Clodet sa kanya. BAGAY SILA NI MARLO.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila na masayang nag uusap habang minemake upan sila ng kanila kanilang make up artist. Si Marlo minemake upan ni Clodet.

Nakita ko kung paano tumawa si Marlo habang kausap niya si Scarlet. At parang may sumakal sa puso ko.

Nasabi din ni Clodet na may gusto sa isa't isa ang dalawa pero parehas na mas priority ang career.

Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pag hahanger ng susuotin ni Marlo.

Nakasuot ngayon si Marlo ng coat and tie tapos nakaslocks siya na black. Formal ware ang suot nila ni Scarlet tapos mamaya pa yung mga casual clothes nila.

Maya maya lang tinawag na ako ni Clodet. Napatingin ako sa gawi ni Marlo wala na siya don at nakita ko na palabas na sila ni Scarlet nakahawak si Marlo sa bewang ni Scarlet at inaalalayan to palabas.

"Huy? Floren nakikinig ka ba okay ka lang ba?" Mabilis akong napatingin kay Clodet na alalang nakatingin sakin.

Mabilis akong tumango at ngumiti.

"Ah--eh oo oo! Tara na" Sabi ko at niready na itulak yung racked ng damit kung saan nakasampay yung mga gagamitin ni Marlo.

De gulong yung racked kaya hindi ka mahihirapan yon dalhin (AN: GANTO YUNG MGA NAKIKITA KO NA PINAGSASAMPAYAN NG MGA DAMIT NG ARTISTA HINDI KO LANG ALAM ANG TAWAG HAHAHA)

"Sure ka okay ka lang Floren?" Tanong niya ka ulit. Tumango ako at tumawa pa ng mahina.

"Oo naman aketch pa. Tara na" Tumango na lang si Clodet at tinap ang balikat ko bago ngumiti.




MARLO'S POV

PASIMPLE kong tinignan si Floren na inaayos yung mga damit na ipapalit ko mamaya.

Naiinis ako sa sarili ko bakit ako naramdaman ng galit nung nakita ko na hinawakan ni Vitto ang kamay ni Floren, yung masayang ngiti ni Floren habang kausap niya si Vitto kanina gusto ko manuntok ng pinsan pero hindi ko alam kung paano naduduwag ako pag si Floren ang pinaguusapan.

"You like her right?" Napatingin ako sa nagsalitang si Scarlet na nasa tabi ko na pala tapos na pala siyang iretouch ng make up artist niya nauna kasi ako iretouch ni Clodet.

Napatawa ako sa kanya at ngumiti naman siya.

"Sinasabi mo dyan?" Natatawa kong tanong. Tumingin si Scarlet sa gawi ni Floren bago sa akin.

"Hoy bisto na kita Marlo nakikipagtawanan ka sakin at nakikipagkwentuhan pero yung mata mo sa kanya nakatingin pag hindi siya nakatingin sayo. Kanina pa tsaka kilala mo ako mabilis ako makahalata so tama ba ako? Gusto mo siya? Gusto mo si Floren?" Tanong niya pa.

Bigla akong napatigil at mas pinili na hindi na lang sagutin yung tanong niya dahil hindi ko din kayang sagutin yon sa sarili ko.

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now