CHAPTER 5

3.2K 70 2
                                    



FLOREN'S POV

NAGWAWALIS ako sa may garahe ng lumabas si Sir Marlo. Nakapangjogging outfit siya tapos naka earphones. Ang gwapo talaga nito.

Hapit na hapit sa body niya yung t-shirt na suot niya kyaah! Lumapit ako sa kanya para tanungin kung nagalmusal na siya dahil ginawan ko siya ng tuna sandwich favorite niya kasi yon nabasa ko sa article tungkol sa kanya.

May wifi naman pala sa bahay ni Marlo hindi ko alam ang password nahihiya naman ako magtanong sa kanya at hinulaan ko na lang. Tapos ang galing ko manghula kasi tumama yung hula ko.

Hihi birthday niya ang password. Oh? Makikiconnect kayo? Char.

"GOOD MORNING SIR MARLO!!" Masigla kong bati with smile pa.

Nakita kong kumunot ang noo niya at tinanggal niya yung isang earphones na nakapasak sa kaliwang tenga niya at nakakunot ang noo na tumingin sakin.

"WHAT do you want?" Luh? May kailangan agad? Sungit naman nito.

Pero dahil mapagpasensya akong tao ngumiti pa din ako ng bonggang bongga. Lalong nainis yung mukha niya.

"Kumain na po ba kayo ng breakfast? Pinag gawa ko po kayo ng tuna sandwich diba po favorite niyo yon?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero sumeryoso ulit ang mukha niya.

Ang suplado pala nito kala ko mabait. Sabi na nga ba plastik siya e. Choss!

"I don't like tuna sandwich saan mo naman napulot ang balitang yan? Mangiistalk na lang mali mali pa" Inis na sabi niya. Lumaki ang ngiti ko.

"Sa article po about sa inyo so nagsisinungaling po ba yung article na yon? Sinungaling din po pala yon" Nang aasar na sabi ko.

Aba kung inis siya sakin aasarin ko naman siya para fair! Bwahahaha.

"WHAT?! Sinasabi mo bang sinungaling ako?!" Galit na tanong niya. Pero hindi ako natakot natatawa pa nga ako. Ngumiti ako sa kanya.

"Hala? Wala po akong sinabing sinungaling kayo sinabi ko po na baka NAGSISINUNGALING DIN yung article. Yaan mo po pagsasabihan ko siya" Nangaasar kong sabi sa kanya.

Bigla na naman sumama ang tingin ni Marlo sa akin. Ang gwapo pa din.

"You! Hindi mo ako kilala kaya wala ka karapatan paringgan ako. Tsaka ako ang amo mo show some respect miss" Pikon na sabi ni Marlo. Ngumiti lang ako.

"Sir hindi ko po nakakalimutan na amo po kita sinasabi ko lang ang gusto ko sabihin tsaka wala naman masama don diba? Sige na po sir jogging na po kayo" Magalang ko na sabi.

Tumaas ang kilay ni Marlo. Palatandaan na naiinis na siya sakin.

"YOU! I don't like you. I don't like your personality pero hindi ko yon pinapansin dahil katulong lang naman kita" OUCH! Tagos sa bone marrow.

Hindi ko pinahalata na nasaktan ako sa sinabi niya sa halip ngumiti lang ako at tumango na lalong kinakunot ng noo niya.

"Okay lang sir. Okay lang na hindi niyo po ako gusto I mean hindi niyo po gusto ang personality ko. Pero sinabi niyo na din po naman ang gusto gusto na yan. Well sasabihin ko na din po sa inyo GUSTO KO PO KAYO SIR MARLO!" Tapos ngumiti pa ako ng pagkakatamis tamis.

Tapos hindi ko na siya hinintay sumagot. Pumasok na ako sa loob. At napangiti ako.

Kung inis ka sakin Marlo. Well aasarin naman kita lalo para patas ang laban. Hahaha.





MARLO'S POV

"Okay lang sir. Okay lang na hindi niyo po ako gusto I mean hindi niyo po gusto ang personality ko. Pero sinabi niyo na din po naman eang gusto gusto na yan. Well sasabihin ko na din po sa inyo GUSTO KO PO KAYO SIR MARLO!" Paulit ulit na nagrereply sa utak ko ang sinabi ng Florentina na yon.

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now