EPILOGUE

3.5K 52 6
                                    


AN: THIS IS MY FIRST COMPLETED STORY HERE IN WATTPAD KAYA SOBRANG HALAGA NITO SAKIN. GUSTO KO LANG MAGTHANKYOU SA MGA SUMUPORTA AT NAGBASA NITO. SUPER THANKYOUU SA INYONG LAHAT! 💛💛💛




EPILOGUE.

5 years later...

FLOREN'S POV

"AMYYY! AMYYY!! Chocholet! Amyyy chocholet! Shigi na amyyy" Nakangusong sabi ng batang makulit habang yakap yakap yung malaking teddy bear niya. Mas malaki pa sa kanya yung teddy bear niya.

She is so cute and adorable child. Kaso masyadong inispoiled ng tatay niyang isa pang isip bata din.

"Sweetie, I told you na diba? No chocolate muna dahil sinabi ni Dentist para hindi na sasakit ang ngipin mo twing gabi" Sabi ko tapos tinabi ko na yung sewing kit. Tinatahi ko kasi yung isang rug doll ni Martina dahil napunit yung kamay non favorite niya kasi to bigay ng ninang Maureen niya, sinabi ng daddy niya na ibibili na lang siya ng bago pero ayaw niya gusto daw niya ito.

Tuwang tuwa ang parents ni Marlo syempre pati sila Mama lalo na ng ipanganak ko ang makulit na batang ito. Siya ang dahilan kung bakit mas minahal namin ang isa't isa.

Kung tatanungin niyo? Hindi na artista si Marlo simula ng maipanganak ko si Martina nag focus na lang siya sa business niya sa resort at syempre sa amin pero yung mga fans niya still on support lalo na sa baby girl namin.

Napanguso si Martina tapos tumingin sa rug doll niya na inaayos ko.

"Ayots na ammy?" Inosenteng tanong ng anak ko habang nakatingin sa rug doll niya na hawak ko. Napangiti ako dahil sa kacute-tan ng anak ko kaya halos dito na tumambay yung mga baliw kong kaibigan para makalaro tong anak ko na sobrang cute.

"Yes sweetie okay na. Here wag muna ulit sisirain ha hindi na gagawin ni Mommy ulit yan pag sinira mo na naman" Sabi ko. Kaagad niyang binitawan ang malaking teddy bear na bigay ni Vitto tapos lumapit sakin para kunin ang rug doll niya.

Nagpakalong siya sakin kaya kinalong ko siya at pinaupo sa hita ko tapos inayos ko ang buhok niyang hindi na maayos ang pagkakabraid. Tinanggal ko na lang ang braid at inipitan siya ng panibago kaya kulot na yung hair niya. Cute!

"WOW ang beautiful naman ng princess ni Mommy. Kiss kiss nga" Sabi ko. At pinanggilan ang pisngi niya tapos hinalikan ko.

"Ammy byutiful keya byutiful din Martina" Nakangiting sabi ng anak ko habang nakatingin sakin. Hinalikan ko ulit siya sa pisngi bago pinanggilan ulit yon.

"Yes mommy is beautiful....."

"AND DADDY IS HANDSOME" Napatingin ako sa bagong dating. Kaagad na naman nagwala ang puso ko ang makita ko ang napakagwapong mukha ng asawa ko.

4 years na kaming kasal ni Marlo pero twing nakikita ko siya hindi pa din normal ang tibok ng puso ko. Dapat nasasanay nako sa presensiya pero hindi ganon pa din ang epekto niya sakin katulad nung una ko siyang nakitang nakakunot ang noo na parang irita sakin. Napangiti ako.

Kaagad bumaba mula sa pagkakaupo sa hita ko si Martina at tumakbo palapit sa daddy niya.

"Ddyyy! Ddyyy!" Kaagad na kinarga ni Marlo si Martina at inikot ito bago pinupog ng halik sa pisngi ang anak.

"I miss you princess! Amore? Hindi mo man lang ba ako ikikiss? Hindi mo ba ako namiss?" Nakasimangot na baling sakin ni Marlo kaya natawa ako. Tumayo ako at lumapit sa kanya tapos dumukwang ako palapit at hinalikan siya sa labi pero smack lang ngumisi naman ang loko.

"Kala ko kasi sa isang araw pa ang balik niyo. Nasaan ang mga gamit mo?" Sabi ko. Ngumiti si Marlo habang karga pa din si Martina.

"Nasa kotse pa Amore. Nagmadali lang ako pumasok dahil miss ko na kayo ako na bahala don" Sabi niya pero hindi nakatingin sakin nakatingin siya kay Martina habang nilalaro nito ang kwintas niya.

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now