CHAPTER 11

3K 63 1
                                    



FLOREN'S POV

"GRABE BAKLA buti naisipan mo magparamdam samin ngayon" Bulyaw ni Angelou sakin habang kumakain kami dito sa Greenwich. Katatapos lang namin magsimba nila Mama at pinakain ko sila sa KFC! Ngayon naman nandito ako sa Greenwich para makipagkita sa dalawa kong bestfriend. Buti available sila ngayon at walang mga duty. Palibhasa mga SINGLE. Ay ako din pala.

Nakasuot ako ngayon ng black fitted dress na hanggang siko ang haba ng sleeves tapos above the knee ang haba. Tapos pinaresan ko ng wedge sandals na 2 inches lang ang taas. Courtesy of Maureen! Hahaha.

"Syempre namiss ko kayo e. Tsaka may gusto din sana akong aminin sa inyo" Sabi ko. Gusto ko sabihin sa kanila na si Marlo Del Rosario ang amo ko para at least hindi na sila mag alala sakin. Tsaka nakakahalata na din sila na may tinatago ako sa kanila ganyan kalupit ang senses ng dalawa kong beshies. Napataas naman ang kilay ni Maureen habang kumakain ng pizza tapos nakatingin sakin, si Angelou naman nanlaki ang mata. Exaggerated talaga tong si Bakla mag react! HAHAHA.

"Ano aaminin mo? Hindi ka na bergen? Ohmygosh! Sino Sino? Gwapo ba?" Natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi ni Angelou. Jusko baklang toaaah! Mabilis ako umiling. At tumingin tingin sa paligid madaming kumakain ngayon dito sa Greenwich pero luckily nasa may dulo kami nakaupo at nasa may tabi na kami ng pader. Tumingin ako sa kanila bago huminga ng malalim. This is it!

"YUNG AMO KO HINDI LANG SIYA BASTA TAO! Sikat siyang artista" Mahina kong pagsasalita pero sapat na para madinig ng dalawa nakita ko na nanlaki ang mata ng dalawa at napanganga.

"Oh my gee! Sino friend?!" Medyo pasigaw na tanong ni Maureen. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago nagsalita. "MARLO DEL ROSARIO" Ganon pa din yung voice ko. Bigla naman napairit yung dalawa pero mabilis din tumahimik dahil sinamaan sila ng tingin nung mga customers paano ang ingay nila nagsama pa diba? Pinatihimik ko sila at nagsalita ulit. "Please guys isecret muna natin to tayong tatlo lang ang nakakaalam hindi ko pa sinasabi to kela mama. Dahil ayoko maissue. May pakpak ang balita" Napatango naman silang dalawa.

"Pero friend hindi kaya maging unfair ka sa family mo? Kasi alam mo na deserve naman nila malaman kung kanino ka nagtatrabaho" Sabi ni Angelou. Ngumiti ako ng tipid at tumango. "Naisip ko na yan pero naisip ko na mas okay na wala na silang alam kasi alam niyo na if ever na may naging problema hindi na sila madadamay" Hinila ni Maureen ang buhok ko. Aray! Brutal talaga ng babaeng to napanguso na lang ako at napakamot sa ulo ko.

"Ikaw puro ka negative. Tsaka problema agad? Anyways it's your choice naman pero don't hesitate to tell us we're here for you friend" Napangiti ako at tumango. One thing about may friends kokontrahin muna nila ako pero sa huli susuportahan din nila ako.

"TRUE what are friends are for pero paano ka nga pala naging maid ni Mar---my loves?" Tanong ni bakla. Natawa ako pero kinwento ko sa kanila yung nangyari nung tinulungan ko si Mam Claire kela Nano and his friends. Napapalakpak naman si Bakla. "Oha nagkatotoo yung sinabi ko sayo na sana pag uwi mo makahanap ka ng FAFA na papakasalan at ikakama ka" Natawa kami ni Maureen. Hanep talaga to si Bakla.

"Grabe hindi naman ako siguro papakasalan non heler? Celebrity tapos pinakasalan yung katulong? Ang pangit naman non" Sabi ko na lang at sumubo ng lasagna.

"Eh kung hindi ka papakasalan pakama ka na lang" Sabi ni Maureen. Tumawa ang dalawang loka loka at nag apir pa mga baliw talaga.

"Mga baliw kilabutan naman kayo sa mga sinasabi niyo! Kaloka kayo" Natatawa kong sabi. Napairap naman yung dalawa. "Sus sa gwapo ba naman ng amo mo e kalabitin ka lang non bibigay kana" Sabi ni Maureen. Natawa na lang ako. "Akitin mo kaya friend maganda ka naman at sexy!" Natatawang suggestion ni Bakla. Nanlaki ang mata ko. "Gagi ang bad mo bakla. Trabaho ang pinunta ko don hindi asawa" Bulyaw ko sa kanila na ikinatawa nilang dalawa. Mga bruha talaga.

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now