CHAPTER 1

7.7K 84 0
                                    


FLORENTINA'S POV

"Aba Narseng wag mo ako masigaw sigawan ha! Kung hindi dahil sa akin hindi ka lumalamon ngayon!!"

"Uwaaaaah uwaaaaah uwaaaaahhh!!"

"OH SHOT SHOT MGA PREEEE! Bagong sweldo ako ngayon madami tayo pang inom kahit magdamagan pa!!"

"ARF! Arf! Arf!!!!"

"ABA SUSAN! Ang kapal ng mukha mo EH ANO NAMAN KUNG DI AKO NALILIGO EH GANTO AKO EH ANO MAGAGAWA MO"

"Kingina!! Talo nako toto!! Ibalik mo sakin ang mga teks ko"






NAGISING AT NAPAIRAP na lang ako sa kaingayan ng mga kapitbahay namin. Actually hindi naman kami sa iskwaters area nakatira sa isang compound kami kaya lang sadyang walang pinagkaiba ang mga kapitbahay namin sa mga taga iskwater.

Napailing iling na lang ako at bumangon na mula sa pagkakahiga at nagstreching muna ako bago lumabas ng kwarto.

Naabutan kong nagkakagulo ang mga kapatid ko. Dumiretso na lang ako sa lamesa para magtimpla ng kape.

"Ferdie bakit mo sinuot yung panty ko! Ano ka ba may brief ka naman na iyo e!!" Sigaw ni Flora sa 15 years old namin na kapatid na si Ferdie. Ewan ko ba dyan siguro bakla yon pero wag ka dami admirer nyan sa school niya.

"Ganda kasi ng kulay kala ko kasi brief panty pala malay ko ba sorry na. Yung mga panty mo kasi parang brief!!" Asar ni Ferdie kay Flora. Si Flora ang pangalawa kong kapatid na mataray at bungangera. 17 years old na siya.

Hinampas ni Flora ng throw pillow si Ferdie dahil sa inis.

"Bwiset ka talaga! Ang laki ng pinagkaiba ng panty sa brief!!!" Gigil na sigaw ni Flora. Tinawanan lang siya ni Ferdie.

"Ate sabihan mo nga tong si Ferdie palagi na lang pinapakealaman ang mga gamit ko!" Rinig kong sumbong sakin ni Flora. Nang matapos ako magtimpla ng kape tumingin ako sa kanila.

"Ferdie ano ka ba talaga BAKLA o LALAKE? Sabihin mo na agad para maihanda ko ang sarili ko at maipasok kita sa parlor ni Angelou!" Sabi ko sa magaling kong kapatid. Napakamot naman sa ulo si Ferdie.

"Ate naman hindi ako bakla ang gwapo ko naman kung magiging bakla ako----araaay Ano ba Flora!" Natawa ako sa dalawa dahil biglang sinugod ni Flora si Ferdie at pinagsasabunutan.

Oo Flora lang ang tawag ni Ferdie sa ate niya hindi siya sanay tumawag ng ate sa akin lang siya tumatawag ng ate. Baliw yan e.

"Eh buset ka pala bakit mo sinusuot yung panty kooooo!!!" Sabi ni Flora habang binubugbog niya si Ferdie.

Iyak tawa naman yung isa habang nakahiga na sa sofa.

"Araaay---masakit----Oo na hindi ko na isusuot---araay---ate tulong!!" Sigaw ni Ferdie. Natawa na lang ako at hindi na sila pinansin dahil may kumatok sa pintuan.

Lumapit naman ako agad doon at binuksan.

"MA? Saan kayo galing bakit hindi niyo ako ginising para nasamahan ko kayo?" Tanong ko kay Mama.

Tinulungan ko siya magbuhat ng mga pinamili niya.

"Nako anak alam kong pagod ka sa paghahanap ng trabaho kaya hindi na kita ginising" Sabi ni Mama at humarap sa mga kapatid kong nagbubugbugan pa din sa may sofa.

"Hoy Perdot at Flora ano na naman pinag aawayan niyo? Tulungan niyo ang ate niyo magbuhat ng mga pinamili ko" Saad ni Mama na parang wala lang sa kanya na nagbubugbugan yung dalawang kapatid ko paano bonding na nila yan. Mga baliw talaga.

Maid For You (Completed) [Editing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant