CHAPTER 22

2.5K 53 1
                                    


AN: Next chapter pa magpPOV si Marlo.

FLOREN'S POV

"PERDOT umisod ka nga diko marinig si Ate e" Rinig kong bulong ni Flora na nasa may pinto ng kwarto ko. Napailing na lang ako sa dalawang kapatid ko.

Simula nung nangyari sa amin ni Marlo hindi ko alam pero madalang na akong lumabas ng kwarto kung lalabas man ako kakain o liligo lang halos isang linggo akong ganon lang kakausapin nila ako tatango lang ako.

Feeling ko nga wala na akong kwenta sa bahay na to pero iniintindi pa din nila ako. Nalaman nila ang lahat simula sa pagiging katulong ko sa bahay ni Marlo sa mga nangyari samin kinwento ko lahat lahat lahat. Hindi ko alam kung magiging thankful ako kasi naiintindihan nila ang pinagdadaanan ko o maguguilty dahil pati sila apektado sa kadramahan ko sa buhay. Halos gabi gabi umiiyak ako ang O.A KO!

Halos isang linggo din akong hindi humawak ng cellphone o nanonood ng TV dahil alam kong makikita at makikita ko siya. Hinahanda ko lang ang sarili ko para sa susunod hindi na ako kawawa hindi na ako nasasaktan.

"ANO? UMIIYAK BA? NAGSASALITA NA BA MAG ISA?" Rinig kong sabi ni Perdot sa labas ng kwarto ko. Napailing ulit ako ito na naman sila halos araw araw ata silang nag ispy sa labas ng kwarto ko na parang nababaliw na ako at kailangan ko ng kalinga.

Si Flora naman dun muna natutulog sa kwarto ni Mama siya na ang nag offer non para mapag isa ako. Narealize ko na tama na ang pagkulong sa kwarto at pagiging walang kwenta.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa pinto narinig ko pa na nagtatalo yung dalawa pero mabilis ko binuksan yung pinto. Kaagad silang tumahimik ng makita ako at napangiti na parang natatae lang.

"HI ATE? Naglalaro lang kami ni Perdot gusto mo sumali?" Parang tangang sabi ni Flora. Nakita kong pasimple niyang siniko si Perdot.

"Oo nga ate kulang ka kami ng isa baka gusto mo sumali hehe" Isa pa tong si Perdot. Napailing iling ako at mahinang tumawa kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Ano bang laro?" Sa halip na sabi ko. Nakita ko na naman ang pagsiko ni Flora kay Perdot. Binigyan ako ng tipid na ngiti ni Perdot.

"Truth or truth ate walang dare kasi masyadong common. Ikaw ang taya ate kasi kasasali mo lang kaya may tanong kami sayo" Sabi ni Perdot. Nanlaki naman ang mata ni Flora na tumingin sa kanya.

Natawa ako. Alam ko na gusto lang ako kamustahin ng mga kapatid ko at na touch ako don.

"Sige game anong tanong?" Pagsakay ko sa trip ni Perdot. Si Flora ang nagtanong.

"Ang tanong ay kung okay kana ate?" May pag aalala sa mata na tanong ni Flora napatango tango naman si Perdot.

"IM OKAY NOW! Kasi nandito kayo sa tabi ko" This time sincere yung ngiti ko. Nagkatinginan sila, dahil don napangiti ako.

"Kayo talaga halika nga kayo dito..." Binuksan ko ang bisig ko. Lumapit silang dalawa sakin si Flora sa kanan ko tapos si Perdot sa kaliwa ko.

Niyakap nila akong dalawa habang nakaakbay ako sa kanila.

"Salamat kasi hindi niyo ako iniwan inintindi niyo ako. Pasensya na kayo kay Ate ha? Nagpadala ako sa emosyon ko hindi ko na naisip na pati kayo apektado" Sabi ko habang akbay ko silang dalawa.

"Ate naiintindihan ka namin. Alam namin na nasaktan ka dahil first time mo mainlove at magtiwala e. Hindi mo naman kasalanan yon" Sabi ni Flora napangiti ako.

"Oo nga ate tsaka nung mga panahon na kami yung umiiyak ni Flora ikaw yung nagpapatahan at umiintindi samin kaya ganon din kami sayo. Salamat naman at bumalik kana sa dati ate" Sabi naman ni Perdot. Gusto ko maiyak pero wala ng lumabas sa mata ko kaya ngiti ko na lang.

Maid For You (Completed) [Editing]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora