CHAPTER 8

2.8K 57 1
                                    


NOTE: Wag mainis kay Marlo. Mahalin natin siya HAHAHAHA! ❤️

THE PRANK

MARLO'S POV

"BILISAN MO! Nandon na sila sa taas. Dalhin mo na yan" Tumango tango si Floren at mukhang aligaga na siya. Napangisi naman ako. Tignan lang natin kung dika pa sumuko sa pagiging katulong ko. "LINISIN MO DIN NGA PALA YUNG POOL" Nakacross arms pa na sabi ko habang pinapanuod siyang aligaga sa paghahanda ng pulutan at kung ano ano.

"Opo Opo sir mauna na po kayo sa taas ako na po bahala" Sabi niya pero hindi nakatingin sakin. Napangisi na naman ako. "Ayoko baka pumalpak ka ayoko mapahiya sa mga tropa ko. Pinagmamalaki pa naman kita sa kanila" Nakangising sabi ko. Pero parang walang epekto yung sinabi kong yon seryoso pa din na nagaayos si Floren ng maayos niya na binuhat niya na ang malaking tray bago tumingin sakin. "Tara na po sir" Sabi niya at nauna na siya lumakad palabas. NAKAKAINIS! Bakit hindi siya maasar? Nagpapanggap na naman siguro tong babaeng to.

Kahit naiinis sinundan ko siya paakyat. Nauuna siyang lumakad sa akin. Pero hindi ko na siya tinawag mamaya na lang ulit.

Nung makarating kami sa 3rd floor. Kumpleto yung apat miski si Vitto nandon din at pumunta din si Trevor, Mikee at Bon kaso parang may mali sa tukmol na si Rylan. Tahimik lang siya. Nagtatawanan sila ng umupo ako sa pwesto ko. Si Rylan at Vitto tahimik lang na nag iinom. Hindi sila nakatingin kay Floren na naglalapag ng mga pulutan etc. sa pabilog na mesa na nasa gitna namin. Tahimik lang din naman si Floren.

"YOW! Celebrity friend di mo sinabi na ang ganda pala ng NEW MAID mo" Si Trevor yon ang pinakachikboy sa tropa namin. Napatawa ako ng malakas. "Wala kang mapapala dyan dude kahit first base" Sabi ko. Nakita ko naman na napatigil si Floren pero hindi niya na lang ako pinansin.

"Respeto mga dude babae yan" Rinig kong sabi ni Vitto. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ganon din naman siya sakin.

"Well anyways how's life after death mga brod?" Pag iiba ni Zion sa usapan. "Eto nanggigigil pa din kay Marlo ang galing kasi umarte don sa MMK!!" Natatawang sabi ni Mikee. Kaya natawa ako.

"Oo para ngang normal niya yon e" Singit ni Bon. Sinamaan ko siya ng tingin. May sakit kasi ako na epilepsy din sa kwento! Gagu talaga tong si Bon. "GO TO HELL" Pabiro kong sabi kay Bon tapos uminom ako ng beer. Natawa siya. "NANDITO NA AKO SA INYO BRO" Napailing na lang ako. Siraulo talaga to.

"Oh kayo Rylan at Vitto? Kumurap kayo mga dude!" Asar ni Mikee sa dalawa. "GAGU!" Sabay na sabi ng dalawa kay Mikee.


Napatingin ako kay Floren na naglilinis na ng swimming pool sa di kalayuan. Tahimik lang siya don. Naiinip na ako. Kaya tinawag ko siya. "FLOREN KUMUHA KA PA NG CUBE ICE SA BABA BILISAN MO" Sabi ko. Tumingin siya sakin at tumango tapos umalis na. Nakita ko na napatayo si Rylan. Siguro sisimulan niya na ang PRANK kaya diko na siya pinigilan. Ng makaalis si Rylan. Siniko ako ni Zion kaya napatingin ako sa kanya..

"Dude walang prank si Rylan pero don't worry meron kami ni Mikee" Kinindatan pa ako ng mokong. Oh? Eh bakit parang sumunod siya kay Floren? Bwiset.

"Saan mo nakuha ang new maid mo Marlo? Mukha siyang hindi katulong" Tanong sakin ni Daveson tapos na pala siya makipagusap sa phone at nandito na ulit siya para makigulo.

"Si Tita Claire ang kumuha sa kanya" I said. Tumango tango si Daveson. "Woaw? Ayos pala mamili ng maid si Tita Claire sa kanya nga ako papahanap next time" Malokong sabi ni Trevor. Napangisi na lang ako. Napatingin kami kay Vitto na tumayo.

"Saan ka dude?" Tanong ni Bon. Tumingin sa kanya si Vitto. "May kailangan nga pala ako kausapin na importanteng tao sa Skype I'll be back mga dude" Sabi ni Vitto. At umalis na.

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now