Chapter 28- Ending Part 1.

Comincia dall'inizio
                                    

Natitigilan lamang akong nanunuod. Sina Samantha naman ang nakikipaglaban sa babaeng dumating pero kagaya ng kanilang ina'y tumilapon rin sila.

Nang mawala ang apat ay napatingin ako sa kanya na nagmamadaling lumapit sa akin. Tunulungan niya akong makatayo hanggang sa nakakapit na ako sa kanya habang lumalabas kami ng pintuan.

"Bilisan mo, magsasara ang pinto..." narinig kong bulalas niya na halos buhatin na niya ang bigat ko.

Pagkalabas namin ay sumalubong na naman ang kadiliman pero nagpatuloy pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa napaluhod na ako. Hindi ko na kaya, hindi na kaya kaya tiningala ko siya habang naiilawan kami ng kanyang magkabilang palad.

"A-ale, salamat pero hindi ko na kaya... i-ikaw na lang ang umalis." habol ko sa hininga ko. "S-salamat sa t-tulong..."

Nakatingin lamang siya sa akin hanggang sa lumuhod na rin siya at hinawakan ako sa kamay.

"Sa tingin ko'y ako ang nagsimula ng lahat, sa mga kaguluhang nangyayari sa mundo ngayon." dahan-dahan rin niyang tiningnan ang palad kong naglalaman ng ikatlong mundo. "Hindi pa oras para lumikas kayong lahat sa mundong ito, kapahamakan lang ang magiging resulta nito sa huli..."

Napapakunot-noo lamang ako sa kanyang sinasabi pero ngumiti siya at hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Kunin mo'to," nanlaki ang mga mata ko nang may isinuka siyang isang maliit na bato. "Ibigay mo 'yan sa lalaking iniibig mo dahil sa kanya 'yan kapalit nang pagkuha ko sa kanyang puso..." hinawakan niya ang kamay ko at idinantay sa kanyang dibdib. "Gusto ko mang bumalik sa mundo ay hindi ko na magawa, gusto ko lang humingi ng tawad sa mga damdaming nasaktan ko..."

Nagulat ako sa nalaman ko kaya pinilit kong tumayo pero lalo lamang akong napaupo.

"S-sumama ka sa akin, b-baka makabalik ka rin sa mundo..."

Pero nakita ko lamang na umiling siya at ngumiti habang dahan-dahang tumatayo.

"Imposible na, 'wag mong kalimutang ibigay 'yan... 'yan ang minumulusa ko." ngiti niya sa akin hanggang sa nakatayo na nang maayos. "Narinig ko lang ang pagsigaw mo at hindi kita natiis kaya pinuntahan kita dito, dahil siguro sa dinadala ko ang puso ng nagmamahal sa'yo kaya naramdaman kong na nasa panganib ka..." nakita kong dahan-dahan na siyang lumalayo sa akin. "Pakisabi na lang sa lahat na nakikilala mo ako, si Rosita at humihingi ako ng tawad..."

Napatango lamang ako habang tinatanaw siyang lumalayo hanggang sa bumalik na ulit ang kadiliman sa paligid ko. Pinilit kong tumayo pero hindi ko pa rin magawa. Ngayon ay lalo lamang akong nahihirapan dahil hindi na ako makahinga sa dilim ng paligid.

"Huh, Lorenzo..." hinahabol ko na naman ang hininga ko at hinahagod ko na ang dibdib ko. Ang dilim at kinakapos na ako ng hininga kaya pumikit ako at inisip siya. Hanggang sa nakakaramdam na ako ng pagkahilo at—-. "Lorenzo!!!!" huling sigaw.





LORENZO....


                Kanina pa ako nakikipaglaban sa babaeng pilit na inaagaw sa akin si Agatha pero ngayon ko lang naintindihan na isa pala siyang mambabarang. Muli ay sinulyapan ko si Agatha'ng wala pa ring malay sa sulok ng veranda. Alam kong may nangyayari sa kanya pero uunahin ko muna ang mambabarang na'to, hindi rin kami titigilan ng babaeng ito.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora