Chapter 28- Ending Part 1.

9.3K 215 38
                                    



AGATHA...


"Ako ang may karapatan sa babaeng 'yan... utang niya sa akin ang buhay niya!" sigaw lamang ng estrangherong babae at mabilis na siyang nakalapit sa amin. "Hindi mo kilala ang babaeng 'yan!" sigaw pa rin niya pero agad rin kaming nakaiwas.

Nakakunot-noo lamang akong nakatingin sa kanya at hinahanap si Lorenzo, nasaan na ba siya? Palingon-lingon lang ako pero biglang dumilim ang paligid.

"Agatha... Agatha." sa wakas ay narinig ko ang boses niya. "Agatha...." tawag pa rin niya at parang may kinakausap. "Sino ka ba, akala mo'y ibibigay ko siya sa'yo... magkakamatayan muna."

Muli ay hinahanap ko siya, sila ng kasama niya hanggang sa makakita ako nang kakaunting sinag ng liwanag. Tumakbo ako, tumakbo hanggang sa mapahinto ako. Parang nanonood lamang ako ng pelikula sa isang malaking screen.

"Hindi mo kilala ang babaeng 'yan..." sagot ng babae mula sa nakakubli niyang mukha. "Napakaganda lamang sa labas pero... napakadumi ng kalooban niyan'!" sigaw niya at——

Dug! Dug dug!!!

Nakarinig ako nang kakaibang tunog hanggang sa napatakip na rin ako kagaya ni Lorenzo. Nakakabingi ang tunog na 'yun. Nakakatulig na nakakasakit ng ulo kaya nakikita ko ring napaluhod na si Lorenzo habang nabibitiwan ako.

Ha... ako?!

Napatingin ako sa mga kamay ko at napahawak sa magkabilang pisngi. Ibig sabihin ay wala ako sa katawang lupa ko!

"Hindi!" sigaw ko habang nakatingala pa rin kina Lorenzo. "Lorenzo... Lorenzo!" tawag ko pa rin sa kanya na nakapikit ngayon. "Nandito ako, tulungan mo'ko!" naiiyak kong sigaw pero napalingon ako sa paligid nang—-.

Tok! Tok tok!

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting lumilinaw ang paligid hanggang sa napansin kong nasa isang kwarto ako ngayon. Patuloy pa rin ang pagkatok kaya tiningala ko si Lorenzo pero wala na sila, hindi ko na sila nakikita.

"Lorenzo!" hindi pa rin ako makatiis, pasigaw ko pa ring tinawag si Lorenzo. Nagbabakasaling siya ang nasa labas ng pintuan. "Lorenzo... ikaw ba 'yan, please tulungan mo'ko...." umiiyak na akong tinatawag siya.

Tumakbo ako sa bintana ng kwarto para humingi ng tulong nang makita kong naglalakad sina Manuel at Lorenzo papalapit sa kwartong kinalalagyan ko. Natigilan ako, bakit nakikita ko na rin si Manuel at akala ko ba si Lorenzo ang kumakatok? 'Di ba iba ang kasama niya at parang pinagtatalunan nila ako?

Agad ko siyang sinilip sa bintana at sumigaw pero parang wala siyang naririnig. Sumigaw pa rin ako nang sumigaw hanggang sa mapagod ako at tinanaw na lamang siya na walang kaalam-alam sa nangyayari sa akin. Napahikbi at muli siyang sinilip pero sa pagkakataong ito'y wala na sila.

Tok! Tok tok!

Napalingon ako nang muling may kumatok sa labas ng pinto. Takot na takot na ako pero pinilit ko pa ring magsalita.

"Lorenzo... ikaw na ba 'yan?" mahina kong tanong at dahan-dahang lumalapit sa pintuan nang mamatay sindi ang ilaw na nasa gitna ng kwarto. Napapitlag ako at mabilis na sumampa sa kama. "Lorenzo!" sigaw ko pero walang sumasagot sa labas.

Umiiyak akong napalingon naman sa bintana nang may lumitaw na anino sa labas nito at unti-unting pumapasok. Nanginginig akong sumiksik sa sulok ng kama habang nakatingin sa pumapasok na katawan mula sa bintana. Akala ko'y ang babaeng kaharap ni Lorenzo kanina pero nagkamali ako. Napaiyak na ako ng tuluyan nang biglang naging apat ang tumayong matatandang babae sa tabi ng bintana habang hindi ko nakikita ang kani-kanilang mga mukha.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon