Chapter 27.

8.4K 201 19
                                    



LORENZO...


Hemp!

Muli na naman akong nagtapon ng bato sa umaagos na tubig habang nagngingitngit pa rin ang kalooban ko. Bakit ganun' siya? Bakit nakalimutan niya ako o sinadya lamang ba niya? Dahil lang ba sa kasagutan ko sa tanong niya kagabi'y nagalit na agad?

Totoo naman ang sinabi ko ah, ano pa man ang gagawin ko'y kami pa rin ang magkakatuluyan. Magkarugtong ang tadhana namin, na siya ang makakasama ko, ang magiging asawa ko hanggang sa huling hininga ng aking buhay.

Pero totoo rin ang iniisip niya... ng gabing 'yun.

Hindi ko magagawang maialis sa sarili ko ang tungkol kay Airina, minsan ay minahal ko ang babaeng 'yun sa maikling sandali kahit 'di man lang kami nagkasama. Aminin ko rin o hindi, ang babaeng 'yun ang dahilan ng lahat pero dumating siya.

Siya na totoong para sa akin.

Nasa puso ko pa rin ang babaeng 'yun pero mahal ko na rin siya. Natutunang mahalin at wala akong balak na paglaruan ang kanyang damdamin lalo na ang saktan. Hindi ko ring naisip na iwan siya sakaling muli kong makita si Airina pero ngayon ay ako ang nakakaramdam ng salitang sakit.

Nagtatampo ang puso ko nang hanapin niya si Christian samantalang ako'y hindi man lang niya makilala. Hindi lang ang lalaking 'yun kundi silang lahat pero ako, ako na iniiyakan niya 'nung mawala, na mahal niya at ipinaglalaban ay nawala sa puso't isipan niya?

Imposible.

At ang pagdating pa ng totoong nagmamay-ari sa kanya. Magiging karibal ko pa ba 'yun? Nagmamay-ari ah, nakakainis lang na pakinggan. Pagmamay-ari ko rin naman si Agatha at ako ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. Nasa akin ang puso niya, ang pag-ibig niya... pero hanggang ngayon ba?

Hemp!

L*ntek na, bakit kasi ganun' pa ang sagot ko? Totoo namang mahal ko na siya at si Airina ay isang alaala na lamang. Akala niya tuloy, akala niya'y--

"Huh!" napatayo ako mula sa pagkakaupo sa may kalakihang bato nang makarinig ako ng kaluskos sa kabilang parte ng ilog.

Tinanaw ko ito at nang wala akong makita ay parang butiki akong umakyat sa katabing puno at hinanap ang pinanggagalingan ng tunog. Sinuyod ko nang tingin ang naaabot ng mga mata ko pero sa huli ay wala naman akong nakita. Agad rin akong bumaba at nawala na ang interes ko sa taong 'yun.

Oo mortal, alam kong mortal 'yun at hindi ibang nilalang o hayop. Ramdam ko, sinasabi ng sarili ko. Mortal 'yun at kilala ko.

"Anong tinitingnan mo diyan?"

Bigla akong napalingon nang makarinig ako ng boses.

"May nakita lang akong mortal sa kabilang banda, napupuntahan na pala nila ang parteng ito ng ilog..." sagot ko at muling tumingin sa mga kakahuyan. "Bakit ka pala nandito, baka hanapin ka ni Elvira..." seryoso kong puna sa kanya habang umuupo ulit ako.

Naramdaman kong umupo rin sa 'di kalayuan si Manuel.

"Kilala na natin ang isa't isa Lorenzo... bakit hindi mo sabihin sa akin baka matulungan kita, umiibig ka na yata nang totoo eh." napangiti na rin ako at napailing nang makita siyang ngumingiti. "Mahirap ang pumasok sa isang relasyon na hindi ka sigurado pero mas mahirap ang 'di ipaglaban ang isang pag-ibig na alam mong para sa'yo..."

Hindi ako kumibo pero sumuot sa puso ko ang sinabi niya.

"Mahal ko naman siya eh, alam niya 'yun pero nagseselos siya kay Airina... bago kami pumunta sa pagtitipon kagabi ay masama ang loob niya sa akin..." muli akong tumapon ng bato sa ilog na parang isinasama ko na roon ang nararamdaman ko. "Y-yun ang naiisip kong dahilan kung bakit nakalimutan niya ako ngayon, nagkasabay pa sa pagiging wasiwan niya." ipinilig ko ang ulo ko at saglit na pumikit.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon