Chapter 13.

11.3K 208 38
                                    

        


             Kanina pa ako dito sa park pero walang Lorenzo'ng dumating. Gusto ko namang umuwi pero natatakot ako sa madadatnan ko at sa itsura ko ngayon. Malagkit ang buong katawan ko dahil sa pawis at alam kong maga at namumula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Tiyak na 'andun na rin ang mga pulis dahil sa nangyari ngayon kay Glenda.

Muli akong napaiyak habang patingin-tingin lang sa mga tao.

"Lorenzo 'asan ka na ba....?"

Muli ko siyang natawag hanggang sa may marinig akong kalabog sa bandang likuran ko.

Bag!

Agad akong napalingon at hinanap ng mata ko kung sino ang dumating. Hindi nga nagtagal ay lumitaw si Lorenzo mula sa dilim na nakapamulsa at marahang naglalakad. Kumilos ako at humarap sa kanya. Hinintay ko lang na makalapit siya at yumuko. Sa posisyon niyang 'yun ay muling bumuhos ang mga luha ko.

Hinila niya ako nang marahan saka masuyong niyakap.

"Bakit, anong nangyari?" umiyak lang ako nang umiyak habang nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan. "Shhh anong nangyari ah, bakit ka umiiyak?" Napatigil ako nang bahagya. Pwede ko bang sabihin dito ang pagkatao ko ngayon? Pero 'di ba siya rin ang nagsabi sa akin na maging mambabarang ako? Napatingala ako sa kanya nang gumalaw uli ang kanyang mga braso. "Bakit ah, bakit Agatha?"

Pasinghot-singhot na lamang ako ngayon. Pinilit kong humiwalay sa kanya at muli siyang tiningala mula sa dilim.

"N-Naging mangkukulam na yata ako Lorenzo..." sumbong ko sa kanya at pumikit. Hihintayin ko na lamang ang gagawin niya sa akin pero napadilat ako nang wala man lang akong marinig. "Bakit?" tanong ko sa kanya habang tinititigan lamang niya ako.

"Magsama na lang tayo..."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Sa lahat ng pwede niyang isagot sa sinabi ko'y ito lamang ang hindi ko naisip at pwedeng isipin.

"Lorenzo hindi ako nagbibiro, mangkukulam na ako o mambabarang man diyan... basta hindi ko alam." napapaiyak na naman ako. "Sumasakit ang katawan ko, may sumusundot dito hanggang sa hindi ko na kontrolado ang katawan ko, kusang gumagalaw ito at sa huli ay nalaman ko na lang na may kinulam ako... Lorenzo anong gagawin ko?"

Tiningnan lamang niya ako at naupo sa tabi ko.

"Magsama na nga tayo."

Napabutong hininga ako, kung binibro man niya ako'y wala siya sa timing.

"Ano ba... may probelama ako Lorenzo, anong gagawin ko?" marahan ko nang hinila ang kanyang kamay kaya napakunot noo na siya sa akin.

"Hindi ko alam, wala akong karapatang panghimasukan ang pagkatao mo Agatha." pabuntong hininga niyang sagot sa akin. "Ang alam ko lang ay magiging mambabarang ka, tapos. Hindi ko na alam kung anong maging papel mo sa mga mortal na ito pero sana 'wag kang papatay na walang malalim na dahilan..."

Natahimik ako habang nakatingin lamang sa kanyang mukha.

"Ayukong pumatay Lorenzo..." 'yun lang ang naisagot ko sa kanya. "N-napatay ko yata ang kaklase ko..." muling nangilid ang mga luha ko pero tumingala ako at pumikit. Tama na ang pagiyak-iyak na'to. Wala akong mapapala dito kundi sakit ng loob. "Gusto kong matigil na'to, saan ba ako magsisimula?"

"Saan ba ang alam mong sinimulan niyan'?" nilingon niya ako. "Kung ang hihilingin mo sa akin ay tulungan ka sa kalagayan mo ngayon ay hindi ko magagawa, may mga batas tay- akong sinusunod Agatha..." napansin kong binago niya ang kanyang sasabihin pero wala sa akin 'yun. "Ang kaya ko lang gawin ay protektahan ka sa sino mang mananakit sa'yo."

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon