Chapter 15.

10.9K 194 19
                                    



"Hey... what's going on ah?" nararamdaman kong niyuyugyog niya ako pero hindi pa rin ako makakibo. Napako ang mga mata ko sa dalawang matandang naglalakad sa tabi ng kalsada. "Agatha, are you alright?" muling tanong ni Christian sa akin pero hindi pa rin ako makasagot.

Kung nakikita lang niya ang nakikita ko ngayon ay baka mapasigaw siya katulad ko.

Nasa isang kwarto raw kami na nakukulayan ng pula ang buong paligid. Kasalukuyan niyang hinahawakan ngayon ang isang ibong uwak at nagsalita.

"Dod jums nāvi... dod jums nāviiii...! sigaw ng matanda at itinaas ang ibon.

Nanlaki ang mga mata ko nang saksakin niya ito ng matulis na kahoy. Habang nakahiga raw ako katabi ang isa pang matanda. Gusto ko mang bumangon ay hindi ko magawa.

Muli akong tumingin sa babaeng parang sinasaniban. Kitang-kita ko ang pagbulwak ng dugo sabay ang matinis na tili ng ibon nang sumirit din ang sakit sa tiyan ko. Nabasa na ng dugo ang kulay puti kong bestida hanggang sa mapasigaw ako.

"Aaahhhh!" ang sakit, ang sakit-sakit na parang sasabog ang tiyan ko. Ilang sandali pa nga'y nanginginig akong napatingin sa lumalaki kong tiyan hanggang sa makita ko itong puputok na. "Hindi... Dios kooooo!"

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko nang biglang hilahin ni Christian ang mukha ko paharap sa kanya. Nakita kong sinulyapan niya ang matanda at muling tumingin sa akin.

"Easy... easy baby." anas niya. "Sinusubukan ka lang nila... breath, breath deeply... your eyes were only lying... hindi totoo ang mga nakikita mo." halos malasap ko na ang hininga niya sa sobrang lapit niya sa akin.

Tumango ako at pumikit. Ilang beses rin akong lumunok at hinayaan kong makahinga nang maayos ang dibdib ko. Nang bumuti ang pakiramdam ko'y dumilat ako at agad nilingon ang mga matatanda.

Pero hindi ko na sila inabutan. Muli ay huminga ako nang malalim, hingang pinapakawalan ko ang kaba at takot sa dibdib ko.

"N-nasaan na ba tayo?" sinulyapan ko siya. "Ibalik mo na lang ako sa Manila Christian... hindi ko kakayanin ang mga mangyayari dito." lingon ko sa kanya at alam kong kitang-kita nito ang pamamawis ko.

Napabuntong hininga siya at tumingin na rin sa unahan namin.

"We'll just pass one municipality Agatha and you want to turn back... I'm driving here for almost four, five hours already." nilingon niya ako. "I can't stay longer for another five hours but if you're not ok, uuwi na tayo." alam kong nairita siya.

Natahimik ako, nakaramdam naman ako ng guilty sa sinabi niya. Tama naman siya eh, malapit na kami at ngayon pa ba ako aatras?

Nilingon ko siya at pinilit kong ngumiti.

"Sige na... alis na tayo."

"Are you sure, uuwi talaga tayo ng Manila." lingon pa rin niya sa akin.

Tumango lang ako habang nakangiti pa rin nang matipid.

Muli kaming nagtravel haggang sa maging lighter na rin ang atmosphere namin sa bawat isa. Maya't maya ay nakakabuo kami nang pinag-uusapan hanggang sa nagkukwentuhan na kami.

"Don't think to what had happened... sadyang ganun' lang sila sa mga dayo dito, minsan pa nga ang nakikita mo sa plato mo'y sex organs ng tao." lingon niya sa akin habang nagdidrive. "They have the ability to confuse one's eye, kaya nilang magpasakit ng isang tao even just with their stare, minsan ay pangalan lang o mukha ng isang tao ay pwede na nilang barangin, you see... a kind of you is dreadful to human..."

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon