"O, nandyan na pala kayo!" nakangiting salubong ni tita Ces.

"Obviously, mom." saad ni Warren na ginantihan lang ng yakap ng mommy niya. "I'm so happy for you," wika ng ginang.

"Ma," bati ko kay mama sabay mano sa kanyang kamay.

"'Nak, kamusta ang Baguio?" sabi niya habang nakangiti.

"Ma naman, hindi naman kami nag-tour doon, eh." Lumabi ako. May something sa ngiti niya. Ano bang meron?

"Alam ko, may iba kayong ginawa." makahulugan niyang saad. Napatigil ako.

Oh my god.

Warren! 'Wag mong sabihing pati yung parteng 'yon ay ipinaalam mo sq mama ko?

I mentally killed him in my mind. Shit!

"Tama na nga ang drama, 'my. Tara na sa dinning room," bitaw ni Warren sa mommy niya sabay hapit naman sakin.

Sa sinabi ni Warren, sumunod naman ang parents namin. Tinapik pa siya ng daddy niya sa balikat bago sumunod, habang kami, nakatayo pa rin do'n kasi hindi ako kumikilos.

"Anong meron?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Family celebration," simple niyang sagot sabay akay na sakin.

"Anong isine-celebrate?"

"Our engagement."

"What?" 

"You heard me," sabi niya bago ako pinaghila ng upuan at marahang tinulak pa-upo doon. Umupo sya sa upuan sa harap ko, katabi niya ang mommy niya at katabi ko naman ang mama ko. Si tito Winston ang nasa kabisera ng upuan, sa pagitan nina mama at tita.

Nagsimula na kaming kumain at nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Warren. Engagement? Seryoso siya? Itutuloy niya talaga 'to? Hindi naman sa ayaw ko pero parang hindi naman na kailangan na gawin namin yun, eh. 

"So, what's your plan for the wedding?" panimula ni Tito sa usapan.

Si Warren ang sumagot, syempre, wala naman akong alam dito, ngayon ko lang nalaman kaya wala pang plano sa isip ko. "We don't have definite plans yet, but hopefully, by the end of the year we settle everything. I want the wedding to be on her birthday." Bumaling siya sakin na parang nagpapaalam. Kung okay lang ba yata sa akin kung sa birthday ko ang wedding date kaya tumango ako.

"How about babies? Have you guys planned about it yet? Common! We're not getting any younger!" singit ni tita Ces na ikinapula ng pisngi ko.

"Oo nga naman, anak," gatong naman ng Mama ko.

Engagement pa lang, 'di ba? Bakit nasa babies na agad sila?

"'Wag niyo i-pressure ang mga bata, lalo na si Claire. Alam niyo namang hindi pa mabuti yan sa kalagayan niya," sabi naman ni tito Winston na ipinagpasalamat ko sa isip ko.

Hindi naman sa ayaw ko pang magka-baby kami, ang gulo pa kasi ng sitwasyon. Isang buwan pa lang kaming nagkakaayos, or I so I thought. Nung una ay iyon ang alam ko pero biglang may dumagdag na bagay na hindi ko alam kung ikagagalit ko ba o ano.

Nagpatukoy kami sa pagkain. Ang usapan ay umiikot lang sa kasal. Kung beach wedding, garden o church wedding  daw ba ang balak namin, ang napagsang-ayunan namin ay ang typical na church wedding. Ayaw ko ng bonggang wedding, yung tipong parang festival na sa sobrang daming imbitado. Gusto ko yung serene at very intimate. Kahit hindi na kompleto ang entourage, basta kompleto ang kinikilala naming pamilya at mga kaibigan. 
 

"Warren, I need to talk to you," tawag ni tito Winston sa anak niya. Nasa patio kami, nagpapalamig, habang sila mama naman ay nag-uusap sa living room

.

"About what, dad?" usisa ni Warren na iniyakap pa ang braso sa baywang ko.

Tinulak ko siya, "Ano ka ba, kakausapin ka daw ng daddy mo. Bitaw ka muna," mahina kong bulong sa kanya.

"About the deal with Mr. Tan," sabi ni tito at kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. So hindi pa pala nasabi ni Warren ang tungkol do'n? Akala ko naman ay okay na dahil isang buwan na rin ang nagdaan.

Mula sa pagtulak kay Warren, bigla kong pinulupot yung braso ko sa baywang niya. Ano man ang pag-uusapan nila, gusto kong marinig dahil dawit ang pangalan ko dito.

Si Warren naman ngayon ang bumibitaw sa akin, "We'll talk later," bulong niya.

Umiling-iling ako sa kanya bago bumaling kay Tito, "Okay lang po bang marinig ko ang kung ano man pong sasabihin niyo kay Warren?"

Tumango naman ang matanda, "Of course---"

"No! Dad, she's not involved with this," mariing tanggi ni Warren sabay baling sakin. "Akyat ka muna sa kwarto mo. Pupuntahan kita mamaya," bulong niya.

Tiningala ko siya at mariing umiling. "Makikinig ako."

"Let her, son," utos ng matanda at wala namang nagawa si Warren kundi tumango na lang. "I heard you turned down his offer----"

"Of course! I could not allow him to marry her!" putol agad ni Warren. Marahan niya akong tinulak, wala akong nagawa kundi mapaatras dahil halatang galit na siya. Nakakuyom ang kanyang kamao at taas-baba ang kanyang dibdib sa marahas na paghinga.

"We both know that that is not what I'm talking about," mahinahon namang sabi ni Tito na ikinakunot ng noo ko. Kung hindi 'yon, eh ano?

"Let's not talk about this," sabi ni Warren at nag-walk out. Naiwan kami ni Tito doon.

"I'm so sorry about my son's behavior Claire," hinging paumanhin ni Tito.

"Kasalanan ko naman po, kung hindi ako sumama---"

"No, it's not about the marriage thing. There's another. My son is just so hard-headed. Although he doesn't have any reason to be threatened," sabi ni tito sa malungkot na boses, nakatayo ako doon habang pinag-iisipang mabuti ang sinabi niya. Feeling ko nagsasagot ako ng bugtong dito.

"Ano po yung another?" nahihiya kong tanong.

"Ask my son. If he happens to tell you what it is, please convince him to accept Mr. Tan's offer." He lightly patted my head before leaving.

Pumunta ako sa kwarto ni Warren para tanungin siya tungkol doon. Pero mailap ang loko, ayaw akong kausapin. Ni hindi nga ako pinagbuksan ng pinto. Dumiretso ako sa kwarto ko at pinag-isipang mabuti ang sunod kong gagawin. Marami pang issue samin ni Warren pero uunahin ko muna ito para kay tito. 

"Hello, Kevin?" bungad ko sa isa pang assistant ni Warren, si Kevin ang nag-aayos ng schedule ni Warren. Siya ang may hawak lahat ng may kinalaman sa meeting at ka-meeting ni Warren. 

"Yes, Claire? Napatawag ka?"

"Can I have Mr. Tan's number? It's urgent."

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon