III

493K 8.1K 192
                                    

Chapter Three
  
   
"O Kev, eto na yung hinihingi ni Warren." sabi ko sabay abot kay Kevin ng papers na naglalaman ng informations na hiningi niya kanina.

"Sige, iwan mo na lang sa table niya." sagot niya habang nakatutok ang mga mata sa laptop niya.

Napakunot noo ako. "Nasa'n ba siya?"

Ilang linggo na rin mula nang nagbalik siya mula sa New York at mukhang nagka-amnesia na nga ang loko kaya nakalimutan na niya ang mga pinaggagagawa niya sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pag-arte na parang wala lang sakin ang lahat. Pero sa loob-loob ko, gusto ko siyang sapakin ng ilang ulit sa pagpapaasa niya sa akin.

Aalis na lang siya pero nang-good time pa!

"Nasa cafeteria with Rachel."

Si Rachel? Ang bestfriend ko? Bakit naman sila magkasama? At anong ginagawa ni Rachel sa L Corp?

Napagdesisyunan kong bumaba ng cafeteria para masagot ang mga katanungan sa isip ko.

Naabutan ko sila na nakaupo sa isang lamesa sa sulok, mukhang may malalim na pinag-uusapan. Parang kumurot ang puso ko nang namataang hinawakan ni Rachel ang kamay ni Warren.

Wala talaga, Mary Claire.

Aalis na sana ako nang nagtama ang mga mata namin ni Warren, napatayo pa siya mula sa kanyang kinauupuan.

Labag man sa loob ko ay lumapit ako sa kanila at ngumiti. Hindi ko alam kung ngiti nga ba ang nagawa ko o ngiwi.

"Claire! Kamusta? Long time no see, ah?" sabi ni Rachel bago ako hinagkan sa pisngi.

"Oo nga. Medyo busy kasi. Kamusta ka na? Buti napadaan ka?" tanong ko bago ako umupo sa upuang ipinaghila ni Warren.

"Okay lang din. Sinadya ko talaga si Warren. Hindi mo naman sinabing dumating na siya one week ago pa." natutuwang wika ni Rachel.

Bigla kong naalala. Si Rachel ay may gusto kay Warren. Highschool, noong sinundo ako ni Warren sa school, doon niya ito unang nakita at mula noon, wala na siyang ibang bukang bibig kundi si Warren at ang kagwapuhan nito.

"Nawala na sa isip ko. Sorry. Mukhang importante yata ang pinag-uusapan ninyo?" sabi ko habang tinitignan si Warren na nananahimik sa isang tabi.

"Ah wala naman, nagkakamustahan lang," sagot niya. "Nagkikita kami before sa Central Park. Hindi ko alam na umuwi na pala siya. Akala ko sa Manhattan na siya magtatrabaho 'cause he stayed there after he graduated."

"I stayed there for vacation and tour. And besides, we have a company. Why would I work for anyone?" ani Warren sa malamig na boses.

"I don't know, Warren. You could have told me if you stayed in touch." halata ang tampo sa boses ni Rachel at nakaramdam ako ng inggit dahil doon.

I wish I could say that too Warren. I wish I could question why he didn't write back, why he didn't keep his words and his promise.

"Ah, sige. Hindi ko na iistorbohin ang pag-uusap niyo. Balik na 'ko sa taas. May gagawin pa kasi ako, eh." sabi ko.

Tumango lang si Rachel habang may tipid na ngiti.

"Sige susunod ako sayo, Mary Claire." Narinig kong sabi ni Warren bago ako umalis.

Bakit parang may iba sa atmosphere Bakit kumikirot ang puso ko? Nagseselos ba ako sa sarili kong kaibigan?

If I am, wala namang masama, 'di ba? They're not together, right? Rachel liked Warren. That's all in the past now. And Warren never liked Rachel anyway, so they won't happen.

I sighed.

Bakit ko ba iniisip ang mga 'to? It's not like posible naman kaming mangyari.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon