II

472K 7.4K 535

Chapter Two
  
   
"Warren, meet Kevin, siya ang mag-aayos ng schedule mo at ang magiging---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"I already know him," balewalang saad niya na ikinanuot ng noo ko.

"Talaga? Kailan pa? Kararating mo lang kahapon, 'di ba?" nagtatakang tanong ko.

Nakita kong nagkatinginan ng makahulugan ang dalawa.

"Oo, kahapon. Ako ang nagsundo sa kanya sa airport." paliwanag ni Kevin.

"Yeah," masungit na segunda ni Warren.

Tumango-tango ako. "Sige, sa labas lang ako Warren. Kung may kailangan ka, the intercom's beside you. You may call my line or Kevin's."

Tumango lang siya habang nakatingin sa akin nang mataman.

Gusto kong kilabutan. Boss ko siya, simula ngayon hanggang sa mga susunod na araw, buwan at taon. Boss lang. Wala na yung nakaraan, nakaraan na parang isang araw lang.

Papalabas na sana ako ng pinto nang narinig kong tinawag ni Warren ang pangalan ko.

"Mary Claire."

"Yes?" lingon ko. Sasabihin mo bang ako na lang ulit?

"Uhh.. wala ka bang naranasang pananakit ng ulo kagabi or anything?" tanong niya. Umiling ako sa panghihinayang. Ang layo nang nararating ng isip kom

"What about weird dreams? Have you dreamt of something weird last night?"

Umiling ulit ako habang magkadikit ang dalawa kong kilay. Ano kayang pinagsasabi nito?

"Ah, sige. You can go now." sabi niya sa blangkong boses.

"Okay."

Bago ako lumabas, narinig ko pa ang naninitang boses ni Kevin kay Warren.

"Sira ka ba? Paano na lang kung.." Hindi ko na narinig ng buo ang sinabi ni Kevin dahil sa pagsara ng pinto.

But that did not stop me from thinking that something weird is happening. Gano'n na ba sila kaclose para pumayag si Warren na sigawan at pagalitan siya ni Kevin?
  

"Mary Claire, let's eat." Narinig kong sabi ni Warren sa tabi ko.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Alas dose na pala, hindi pa 'ko tapos sa ginagawa ko.

"Mauna ka na."

"Tsk. Kaya nagkakasakit eh. Tara na." pilit niya sa masungit na tono.

"Wala naman akong sakit ah," dahilan ko.

"Basta tara na." sabi niya habang hinihila ang kamay ko, pumayag na lang ako kahit naghuhumiyaw ang utak ko sa protesta.

Danger zone, Mary Claire. Nand'yan ka naman!

"Where to?" tanong niya nang nakasakay na kami sa elevator.

"Sa canteen na lang." sagot ko habang tinitignan ang pagpapalit ng numero sa floor indicator.

"Canteen then," aniya.

Bumaling siya sa tatlong babaeng nakasabay namin sa elevator. "Riza, Princess and Jessa, saan kayo?" tanong niya na ikinahagikgik ng mga babae.

Kumunot ang noo ko. Bakit kilala niya na agad ang tatlong employee na 'to eh ngayon lang siya nag-start magtrabaho sa office?

"Sa basement po, sir." sagot ng nasa gitna.

"Okay," ani Warren sabay pindot ng nasabing floor.

Tinitigan ko siya, kasabay ng paglingon niya sa akin. Kumindat siya na ikinapula ng pisngi ko.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!