XII

318K 5.8K 193
                                    

Chapter Twelve
    
    
Halos isang oras din ang inabot ng byahe namin. Hindi ko na namalayan ang tagal dahil nakatulog ako. Ginising lang ako ni Warren nang naihinto na niya ang sasakyan niya sa isang branch ng hotel nila sa Los Baños.

May lumapit sa amin na isang babaeng attendant ng hotel pagpasok namin sa main entrance nito. "Good morning po, ma'am and sir. Booked po ba sila?"

"Yes," maikling sagot ni Warren. Hindi niya yata napapansin ang pasimpleng pagpapa-cute ng attendant.

Pinapungay nito ang mga matang may eye-shadow at mascara, pinalambing pa ang boses. "Name na lang po nila and valid I. D?"

"Warren Edward Lazares." sagot niya habang dinudukot ang kanyang wallet sa bulsa para kunin ang I. D. niya.

"Sabi ko na nga ba siya yun, eh." Narinig kong bulong ng babae bago siya ngumiti ng matamis kay Warren. "Hindi na po kailangan, sir. Direcho na po kayo sa business center."

Nang humakbang na papunta dun si Warren ay tumabi ang attendant sa gilid niya para sabayan siya sa paglakad. Habang nasa likod nila ako na parang estrangherong sumusunod sa kanila.

Para lang akong hangin do'n hanggang sa makarating kami sa business center ng hotel.

"Dito na po tayo, sir. May telephone po diyan, diall 111 po if you need me-- I mean, if you need anything." wika ng nakakairitang attendant bago umalis. Nakita ko pa siyang namilipit sa kilig bago sumarado ang pinto.

"Ang tahimik mo," ani Warren.

"Wala namang dahilan para mag-ingay ako." Pagtataray ko kahit gusto kong sigawan yung babae kanina at sabihang bawas-bawasan ang kaharutan. Gusto ko rin ibuhos yung inis ko kay Warren pero nalulusaw lahat ng galit ko sa tingin niya pa lang. Nakakabwisit.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. "Are you feeling okay? Hungry? Tired? Sleepy?" sunod-sunod niyang tanong kapagkwan.

Umiling ako at naglakad papunta sa isa sa walong seat na nakapaikot sa isang pahabang wooden table. Yung room ay katulad lang rin ng conference hall sa LCorp. Mas malaki nga lang ang huli.

Umupo rin si Warren sa upuang katabi ng sakin. "Mr. Tan called earlier while you were asleep. He said he'd be late for half an hour or so. Okay lang ba sayo?"

Kumunot ang noo ko, para namang may magagawa yung pagtanggi ko sa tanong niya. "Oo naman. Bakit? Hindi ba okay sayo?" Mainipin kasi 'tong taong 'to, bukod do'n, hindi pa siya mapagpasensya. Kaya hindi na 'ko magtataka kung ngayon mismo ay magyayaya muna siyang umalis.

Pero sa pagkagulat ko, tumango siya. "No, but I have no choice. Kailangan kong mapapayag si Mr. Tan, kung hindi baka itakwil ako ni daddy." Tumawa siya.

Importanteng tao nga talaga si Mr. Tan. Pwede namang sa conference hall na lang ng L Corp o sa alinmang business center ng kanilang hotel pero dinayo pa talaga namin ang lugar na kasalukuyang tinutuluyan ng matandang businessman. Pwede rin namang sa restaurant na lang sila mag-usap ni Warren para sa planong pag-extend ng Lazares Corporation sa China pero sa isang meeting hall pa talaga ng hotel branch nila sa Laguna.

Kung tutuusin nga naman, mas malaki ang pakinabang ng LCorp. para sa planong ito kumpara sa Tan Global kaya gano'n na lamang ang pag-eexert ng effort ni Warren para lang mapapayayag si Mr. Tan sa proposal nito.

"Alis tayo mamaya gusto mo? Sandali lang naman 'to."

"Saan naman tayo pupunta? May gagawin pa akong trabaho sa office."

"Tss. Pwede mo naman yun gawin sa ibang araw, eh." Nag-iba agad ng mood niya.

Sumimangot ako para iparating na ayaw ko pero ang gusto ko lang naman talaga ay ang pilitin niya ako. Sana sa Enchanted Kingdom kami magpunta, pero duda akong maiisipan ni Warren na magpunta do'n.

Pero gusto ko talaga dun, eh. Para kaming mga teenagers na nagde-date kapag pumunta kami dun. Pero nunca na magyayaya akong pumunta do'n. Wag na lang!

"Ano ayaw mo ba?"

"Saan nga tayo pupunta?"

"Sa EK gusto mo?" Nag-aalinlangang tanong niya.

Ngumuso ako, sabi ko na hindi siya magyayaya sa amusement park eh. Sa arcade pwede pa siguro pero kung sa amusement park na, maluwang na siguro turnilyo niya sa utak kung mangyayari yun. Kaya, wag na umasa. 'Yan na talaga ang motto ko sa buhay, 'wag umasa.

"San 'yang EK na 'yan?" masungit kong tanong na hindi na nasagot ni Warren dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.

Pumasok ang isang lalaking naka-charcoal grey long-sleeved polo na naka-tuck sa kanyang dark pants. Matangkad ito, maputi, singkit at bata pa, matanda lang siguro ng dalawang taon sakin. Eto na ba si Mr. Tan? Ang inee-expect kong Mr. Tan ay yung intsik na nakakalbo na. Ang gwapo nito, eh.

Nakita ko ang pagngisi niya nang magtama ang mata namin. 

Nakakahiya. Nahuli niya pa yata akong tumititig sa kanya.

Tumayo si Warren sa kinauupuan niya kaya tumayo rin ako, siya na nga siguro yun.

"It's you," usal ng lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ako sigurado kung ako nga ba talaga yung tinitignan niya dahil yung mga mata niya ay parang nakapikit na sa sobrang singkit. Ganun pa man, ginantihan ko siya ng tinging nagtatanong.

"Aw, you don't remember me," aniya habang nakalagay ang isang kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib at umaaktong parang nasasaktan. Pero nakangiti naman siya kaya ginantihan ko na lang siya ng alanganing ngiti.

Tumikhim si Warren na iritableng nakatayo sa tabi ko. "Magkakilala kayo?" masungit na tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakakailang na nga, eh.

"No," sagot ng lalaki. Hindi naman talaga kami magkakilala. Nakakapagtaka nga ang inaakto niya mula pa kanina nang binitawan niya ang 'it's you' niyang linya. "But I've seen her before in a business conference. She didn't know I was gazing at her throughout the event."

Napaisip ako, marami na nga akong napuntahan na business conference simula ng nagtrabaho ako sa LCorp kaya hindi imposibleng mangyari yung sinasabi niya. Pero yung titigan ako ng isang gwapong lalaki? Naku, yan ang imposible. Baka napagkamali niya lang ako sa ibang tao.

"It's nice to finally meet you, my lady. I'm Cedric Tan." Patuloy niya habang nakalahad ang kanyang kanang kamay. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko.

"I'm---" Nawala lahat ng sasabihin ko nang naramdaman ko ang isang pamilyar na sensasyon mula sa brasong pumulupot sa aking baywang.

"I'm Warren Lazares and she's Mary Claire, my girlfriend," ani Warren at hinapit pa ako lalo sa kanya. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Paasa moment na naman ba 'to?

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon