XLV

226K 3.9K 281
                                    

Chapter Forty-Five
 
 
Nang mabalik ako sa huwisyo ay 'tsaka ko lang naisipang magpumiglas.

"What the hell are you doing?" pasigaw kong sabi sa kanya sabay alis ng braso niyang nakaakbay sa akin.

How dare he play with my feelings again? Hindi niya na ako maloloko.

"Aray naman! Ang sakit nun, ah!" parang batang reklamo niyang nakanguso pa.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot. Nang maisip niya sigurong hindi ko papatulan ang trip niya ay humugot siya nang malalim na hininga bago nagseryoso.

"Let's go home." simple niyang sabi na parang walang nangyaring giyera sa aming dalawa, na parang hindi niya ako ginago at sinaktan.

Tumawa ako ng pagak habang siya ay nanatiling seryoso. Naninibago ako sa pagtitig niya dahil hindi na iyon katulad ng mga binibigay niyang tingin sa akin sa mga nakaraang araw na nagtatalo kami. "I'm not going anywhere with you, Warren."

"You are." matigas na sabi niya na parang walang pwedeng bumali ng salita niya.

"I'm not." walang kagatol-gatol na sabi ko.

Bumuga siya ng hangin marahil dahil sa frustration. "Stop arguing with me. I'm doing this for Wayne."

"Wow naman po. Napakabuti niyo naman pong ama. Nakaka-touch." sinabi ko nang puno ng sarkasmo na nauwi rin sa pag-irap.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya. "Why? Can't you do the same?"

"Pwede ba---"

"Mom, dad! What's taking you so long?" aburidong tanong ni Wayne sa nakabukas na bintana sa backseat na pumutol sa sasabihin ko.

Tumaas ang sulok ng labi ni Warren at nang makita niyang pinagmasdan ko 'yon ay biglang tumiim ang labi niya kasabay ng pagtaas ng kanyang kilay. "What?"

Sumusukong humugot ako ng malalim na hininga. "Hindi pa tayo tapos."

"Of course." Ngumisi siya na ikinairap ko.

Nilagpasan ko siya para pumasok na sa loob ng sasakyan. Alanganing umupo ako sa fromt seat. Sinuri ko si Wayne sa likod at napansin ko ang masayang aura niya hindi katulad kaninang umaga na sambakol ang mukha.

Nalipat ang tingin ko kay Warren na kampanteng-kampanteng naglalakad paikot sa sasakyan habang sumisipol pa.

Kumunot ang noo ko. Akala ko ba masakit ang katawan niya?

Parang hindi naman sa paraan ng pag-akto niya. Prente siyang umupo sa driver seat at may pakindat-kindat pang nalalaman. "Seatbelt, please."

Magkasalubong ang kilay na kinabit ko ang seatbelt ko habang nahuhulog ako sa isang malalim na pag-iisip.

He's up to something. This is a part of his act. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit niya ginagawa ito. We both agreed to annul our marriage. What does he want now?

"Daddy, where were you last night?"

Nakita ko ang saglit na pagsulyap sa akin ni Warren bago nilingon si Wayne sa rearview mirror. "I was in the office."

"Really? I thought you and mom would leave for a week for your honeymoon. What happened?"

"We backed out. We don't want to be away from you." walang pasakalye niyang sagot na para bang kabisado na niya ang sasabihin niya sa mga tanong ni Wayne.

"Ba't po sabi ni mommy lilipat na tayo ng house?"
 
Sinipat muli ako ni Warren bago nilingon si Wayne. Eto lang siguro ang tanong na hindi niya napaghandaan ang sagot.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon