XLIV

151K 2.7K 188

Chapter Forty-Four
  
   
Nagmamadaling lumabas ako ng kotse ni Richard at nilapitan si Warren. Naabutan ko pa ang pagtanong sa kanya ni Wayne habang masayang nakayakap sa leeg niya.

"Daddy, bakit ngayon ka lang dumating?"

May halong pagtatampo ang tinig ni Wayne. Naisip ko tuloy na kung nasabi ko na sa kanya kagabi ang tungkol sa panloloko ng ama niya ay hindi sana pagtatampo ang mararamdaman niya para kay Warren ngayon kundi galit. Hindi rin sana siya nakayakap sa leeg niya ngayon. Baka tinataboy na niya sa sana ito paalis.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Sinikap kong lagyan ng tapang ang boses ko kahit nakakapanlambot na ang bilis ng tibok ng puso ko.
 
Tinaasan lang niya ako ng kilay bago bumaling kay Wayne. His eyes were warm and gentle. Wala na ang matatalim niyang tingin. Sana totoo 'yon, sana hindi rin siya nagpapanggap sa anak niya.

"Spidey, you need to get inside. Captain needs to work his mission alone for a while." Kumindat pa siya bago niya binaba si Wayne.

Umingos si Wayne, parang ayaw pang bumitaw sa daddy niya. And that moment almost broke my heart.

"I forgot to tell you, your mission is to get inside the house at the count of three." dagdag pa ni Warren nang hindi natinag si Wayne sa kinatatayuan niya.
 
I remember he told me once that calling Wayne Spidey will do the trick. But I know that my child isn't gullible as I am. Hindi maloloko ni Warren ang anak ko tulad ng nagawa niya sa akin.

Kumunot ang noo niya, nawala ang pangungulila at napalitan ng pagtatampo at inis. "I'm not Spiderman right at this moment. I am your son. Why are you pushing me away?"

Humugot ng malalim na hininga si Warren bago lumuhod at pumantay kay Wayne. "I'm not pushing you away, okay? I just want to have a private talk with your mom."

"And I'm not allowed to hear it?" Imbes na mapaamo ni Warren si Wayne ay lalo lang itong nainis.

Dapat matuwa ako sa nakikitang inis ni Wayne sa ama niya. Dapat matuwa ako dahil si Warren na mismo ang gumagawa ng hakbang para kamuhian siya ni Wayne. Pero naiinis ako, eh. Gano'n na lang ba 'yon? Hindi niya ba pinahahalagahan si Wayne para hindi niya ipaglaban sakin?

"It's not that--"

"Wayne baby, get inside please. This is for adults, okay?" putol ko na sa kung ano mang sasabihin ni Warren.

Halatang napipilitan pero sumunod pa rin naman ang kawawang anak ko. Sinundan ko siya tingin habang lulugo-lugo siyang naglakad papasok sa maliit na apartment namin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" baling ko kay Warren nang masigurong hindi na kami naririnig ni Wayne.

Mula sa matiim na pagtingin sa akin ay ngumisi siya nang nakakaloko. "You think you can escape from me?"

"Umalis ka na."

"Is there any proble here?" Parehong lumipat ang tingin namin ni Warren kay Richard na hindi pa pala umaalis.

Nahuli ko pa ang pahapyaw na galit niyang tingin sa akin bago nilingon muli si Richard.

"Richard, hindi ka pa pala umalis," naiilang na sabi ko.

Paano namang hindi, eh siya ang dahilan kung bakit hindi ako sinipot ni Warren sa graduation ko noon. Kung hindi niya ba naman ako hinalikan.

"R-Richard." nauutal na sabi ko nang nanatili sila ni Warren sa pagbabatuhan nang matatalim na tingin. Parang kaunti na lang ay magpipisikalan na sila sa harap ko.

Hindi pa rin siya umimik kaya hinawakan ko na siya sa braso para ilayo kay Warren.

"I wanted to walk you and Wayne to your doorstep. I wasn't expecting this surprise." aniya sa banayad na boses.

"May surprise bang expected? Gago." nang-aasar na sabi ni Warren.

"Warren, please." naaasar nang pakiusap ko na tumigil siya.

"What? Ipagtatanggol mo 'tong manyak na 'to?" Ngumisi siya sa'kin bago binigyan nang nang-uuyam na tingin si Richard. "I'm guessing he's one of your lover too. Oh, Claire. You're really not Mary at all." Pagak na tumawa ang hinayupak.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!