VIII

268K 4.1K 64

Chapter Eight


"Ano? Enjoy, 'di ba?" nakangiting tanong ni Warren nang umalis na ang waiter na kumuha ng order namin.

Halos kalahating oras din kaming nagsasayaw, pagkatapos no'n ay naglaro lang kami ng isang beses sa basketball at umayaw na.

Pagod na kami kaya napagpasyahan na lang naming kumain. Nauwi kami sa isang restaurant na ilang shops lang ang layo mula sa Tom's World.

Kunwari ay sumimangot ako, "Nakakapagod," saad ko pero sang-ayon ako na nakaka-enjoy nga ang ginawa namin.

Nakalimutan ko ang oras, lugar at ang mga tao sa paligid namin kanina.

"Tss," aniya at sumimangot din. "Oo nga pala. Natalo kita kanina. Gagawin mo ang kung ano mang gusto kong ipagawa sayo." sabi niya na nakapagpabalik ng ngiti sa kanyang mukha.

Ngumiti ako ng alanganin. "Joke lang yun. Sineryoso mo naman," sabi ko para makalusot. Baka mamaya ay kung ano pang ipagawa nito sakin. Mahirap na.

"Seryoso yun. Ang usapan ay usapan." sabi niya ng nakakunot ang noo.

Dedepensa sana ako nang narinig kong tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ko na parang nanghihingi ng paumanhin bago niya kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. Hindi na siya nag-abala pang tumayo mula sa kanyang kinauupuan kaya rinig na rinig ko ang sinasabi niya sa kung sinuman ang tumatawag.

"Hello, mom?" sagot niya. Si tita Cecile pala ang nasa kabilang linya.

"Yes." Napako ang tingin niya sa akin. Ang kanyang makakapal na kilay ay magkasalubong.

"Really? Must be a memory from the past. Okay, okay." sabi niya at lalo pang kumunot ang noo. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"Of course." Ngumiti siya sa akin bago tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Inilayo niya ng bahagya ang cellphone niya bago nagpaalam na pupunta lang siya sa labas dahil mahina raw ang signal dito sa loob kaya choppy.

Ngumit ako tanda ng pagsang-ayon. Ngumiti siya pabalik bago tumalikod.

"Let him. Give him the phone." Narinig ko pang saad niya bago siya nakalayo. Si tito Winston siguro ang tinutukoy niyang him.

Nai-serve na ang mga pagkaing in-order namin ay hindi pa rin bumabalik si Warren. Siguro seryoso talaga ang pinag-usapan nila, baka tungkol sa business.

"Sorry to keep you waiting. We'll just eat then we're off to go." ani Warren pagbalik.

"Okay," usal ko bago nagsimulang kumain.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang napansin kong hindi patungo sa mansyon ang dinaraan namin. Akala ko uuwi na kami pagkatapos kumain, hindi pa pala.

"Remember what we have agreed upon earlier? Nakaisip na ko ng ipapagawa sayo." aniya na nakapagpakunot ng noo ko.

"Ano naman yun?"

"Remember my jerk cousin William? He asked me a favor, bantayan ko daw ang anak niya dahil may mahalaga siyang aasikasuhin at hindi pwedeng isama ang bata."

Oo, naaalala ko nga siya. Hindi madalas bumibisita ang pamilya ng kapatid ni tito Winston na si tito Will sa bahay ng nakababatang Lazares pero minsan ay nakikita ko si Liam dahil tumutulong ito sa paghawak ng L Corp.

Nagkakasalubong kami o kaya naman ay nagkakasabay sa elevator. Hindi kami gano'n ka-close kaya simpleng hi o hello lang ang nasasabi namin sa isa't isa tuwing nagkakasalubong.

"At balak mong ipabantay sakin ang bata," sabi ko na hindi patanong.

"Yep." Lumingon siya sakin habang nakangisi. "Mabait naman si Wayne, medyo makulit nga lang." Tumawa siya.

"Hmm.. nasan ba yung mommy niya?"

"Yun na nga eh, may date yung dalawa. Monthsary nila kaya ayun, private moment daw muna." aniya habang nakangisi.

"Gano'n? Sige, wala naman na kong magagawa, eh." sabi ko.

"Hey bro!" ani Liam at nakipag-high five kay Warren.

Nandito na kami sa bahay nila na parang mansyon na sa laki.

"Hi Mary Clare! Nagpatulong si Warren sayo, 'no?" aniya nang napatingin sa akin.

"Oo." naiilang kong sabi.

Ngumisi siya. "Tara sa loob." sabi niya at nauna nang naglakad papasok. "Nasabi na ba sayo ni Warren na makulit ang anak ko? Sasakit ang ulo niyo dun." biro ni Liam nang nakangisi.

"I did. Stop grinning like a horndog, Liam." Masungit na wika ni Warren bago ako hinatak para mauna na sa paglalakad.

Narinig ko ang halakhak ni Liam mula sa likod.

"You guys are here! Hi Warren!" sabi ng isang babaeng mapagkakamalan mong anghel na nakaabang sa pinto ng bahay. Naglakad ito sa direksyon namin, ito na siguro ang asawa ni Liam.

"Hi! You must be Warren's girlfriend? I'm Lian, Liam's wife," pagpapakilala niya habang nakalahad ang isang kamay.

Ngumiti ako, bahagyang naiilang, "I'm Claire, Mary Claire. Uh.. hindi ako girlfriend ni Warren." I shook her hand.

One day siguro naging girlfriend niya ko, pero matagal na 'yon.

"Right," singit ni Warren. "Now where's that badass kid?" tanong niya at parang hudyat iyon nang biglang bumulaga ang isang batang lalaki mula sa likod ni Lian.

"Hi tito Warren!" sabi niya at nakipag-fist bump kay Warren.

"Hi! Are you my tito's girlfriend?" tanong ng bata nang lumingon sa direksyon ko.

Maputi siya, ang taas niya ay abot na sa baywang ko. Halata ang pagiging Lazares niya sa kulay brown niyang mga mata at buhok.

Natatawang ginulo-gulo ni Warren ang buhok ni Wayne bago bumaling ng tingin kay Liam na nasa tabi na ng asawa nito ngayon.

"Umalis na kayo ng makarami." sabi niya na ikinapula ng pisngi ni Lian.

"Sige, bro. Thanks." Kumindat si Liam bago inakay ang asawa mula sa baywang nito. "Let's go?"

Hinampas ni Lian ang braso ng asawa niya bago bumaling sa amin. "Pasensya sa abala, ha? Ingatan niyo 'yang baby namin." aniya bago yumuko at hinalikan si Wayne sa pisngi.

"Bye mom! Bye dad! Don't forget my baby brother, okay?" ungot ng bata na para bang pagbalik ng mga magulang niya ay meron na agad silang kapatid na maibibigay.

"Jeez, Liam! Ano bang tinuturo mo sa anak mo?" sabi ni Warren habang tumatawa lang si Liam.

"Basic ng science." sagot ni Liam habang nakangisi bago bumaling kay Wayne. "Be good to that babe beside you kiddo. Bye!" sabi pa niya na parang sinasabing sa akin lang maging mabait ang anak niya at hindi kay Warren.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!