XLVIII

272K 4.4K 509
                                    

Chapter Forty-Eight
 
 
No, I can't risk it. My heart is pounded to its tiniest pieces it cannot take another shot of pain anymore.

Masyado nang masakit. Hindi ako umaarte lang at gustong magpahabol sa kanya. Hindi ako nagpa-pabebe tulad ng sinasabi ni Rachel.

Ayoko na. Ayoko nang sumugal. Ayoko nang magmahal o magpakatanga.

"Don't give me that look." ani Warren. Napansin niya na siguro at napagtimbang ang magiging sagot ko.

Humugot ako nang malalim na hininga at nang buong lakas para magsalita. "Tama na, Warren."

Dumaan ang sakit sa mga mata niya bago siya marahas na umiling. "No, hindi ako titigil. Hindi ako susuko. We belong together. We made it this far, we can make through all this. You just need to trust me."

I don't know what to believe. His eyes and lips tell me two different things. Minura niya ako noon at sinabihan ng masasakit na salita at kagabi nang lasing siya ay pangalan ni Rachel ang tinatawag niya. Ngayon ang mga mata niya ay lumuluha at nakikiusap para sa akin. Alin ba ang totoo?

"We made it this far and this is all we can make. Hanggang dito na lang tayo. It's over." Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagawa kong sabihin 'yon nang hindi nauutal at nanghihina.

Pero parang bumalik ang panlalambot ko nang nagsisigaw na siya sa harap ko.

"How can you say that? Paano mo nagagawang magsalita na parang wala akong halaga sa buhay mo? Parehas lang tayong biktima dito! Parehas lang tayong nasasaktan! Don't act as if ikaw ang mas naagrabyado gayong parehas lang naman tayong niloko ni Rachel dito!" Tumaas-baba ang dibdib niya sa marahas na paghinga.

"We are not over," mariin na sabi niya sa huli.

Nagpuyos ang loob ko. Bakit niya ba binabaliktad ang sitwasyon? "Sinasabi mong umaakto ako na parang wala kang halaga sakin pero ikaw itong kung murahin at saktan ako ay parang wala lang ako sayo!" Pumikit ako ng mariin at kinalma ang aking sarili. "God, can we stop this argument please? Tapos na lahat. 'Wag na tayong mag-away. Umalis ka na."

"No, we're not stopping nor ending anything. Hindi ako aalis dito hangga't hindi pa natin nalilinaw lahat, hangga't hindi kita kasamang uuwi sa bahay. Because, you see, all of these are just a product of misunderstanding. I called you names, yes. I fucking hurt you a lot of times, goddammit yes! Ginawa ko 'yon and there's not a minute that I loathe myself for feeling sorry about me doing those to you. I shouldn't feel guilty or even sorry! Niloko mo ako, ginago mo ako. Hindi dapat ako makonsensya anuman ang gawin ko sayo, hindi ko na dapat isipin ang kapakanan mo, hindi na dapat ako mag-alala kung nasaktan ka ba sa ginawa o sinabi ko. Kasi yun naman talaga ang dapat gawin ko eh, ang saktan ka, ang bawian ka. But I end up hurting myself every time I hurt you. I end up crying every time I made you cry, because that's all I am. You're all I am." Pinunasan niya ang pisngi ko at dun ko na lang namalayan na umiiyak na naman pala ako gaya niya.

"Now, please tell me that it was all a lie, that it was all an act to get back at me because you thought that I cheated on you with your bestfriend. Tell me you're not having a relationship with anyone else but me. Tell me you still love me, baby. Please."

Buong lakas kong tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. "This relationship is no longer healthy. Lagi na lang tayong nagkakasakitan, ayokong dumating sa punto na madamay pa si Wayne kaya mas mabuting tapusin na natin ito. Hindi na magbabago ang isip ko. Umalis ka na."

"Listen, Mary Claire. I don't care about which is toxic and not or if this kills us both along the way. All I care about is how you feel in my arms and how I never want to feel you away from them again." Ang mga mata niya ay parang hinihipnotismo ako para sumuko sa kanya. Alam kong konting pitik na lang ay bibigay na ako kaya naaasar ako sa sarili ko.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon