XLI

151K 2.5K 313

Chapter Forty-One
    
   
Lumipas ang ilang mga oras ng pagtatrabaho ko at hindi mawala-wala 'yon sa isip ko.
 
Wala pa namang kumpirmasyon ang mga hinala naming panloloko ni Warren. Hindi ko pa naman narinig sa mismong mga labi niya na may relasyon sila ni Rachel. Tama bang panghawakan ko ang maliit na pag-asang iyon?

Hinintay kong bumalik si Warren kahit oras na para mananghalian. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko maitanong sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon.

Masakit mang malaman ang kumpirmasyon pero kailangan kong sumugal para na rin sa kasiguraduhan ng mga kalokohang ito. Paano pala kung hindi pala totoong may relasyon sila, 'di ba? Paano kung totoo naman pala talaga ang mga paglalambing sa akin ni Warren at hindi pagpapanggap lang? Paano kung tuluyang nakuha ni Rachel si Warren dahil lang sa pagiging padalos-dalos ko?

Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pagbukas ng glassdoor. Sumalubong ang nakakunot noong si Warren.

Tumayo ako at handa na sanang lapitan siya para komprontahin nang nahagip ng mata ko ang ahas sa likod niya. "Ano'ng ginagagawa mo dito?" baling ko kay Rachel.

Umatras lahat ng katapangan ko. Mamaya ko na lang tatanungin si Warren. Kapag kami na lang ang tao. Ayokong mapahiya sa harapan mismo ni Rachel.

"Ask your husband." Ngumisi ang bruha.

Nawala yata lahat ng lakas ko nang matagpuan ko ang nang-aarok na tingin ni Warren. "You don't have the right to question anyone who comes in my office. You're just my secretary."

Muntik na 'kong mapanganga. Aba, gago ka talaga!

Ano Mary Claire? 'Yang mukha ba ng lalaking 'yan ay hindi mukhang manloloko?

Pilit akong naghahanap ng best comeback para sa dalawang hinayupak na 'to pero na-blangko yata ang isip ko. Ang pumapasok lang do'n ay ang nakangising mukha ng dalawa.

"Excuse me, both of you are blocking my way." Nanlaki ang mata ko sa gulat sa pamilyar na boses na 'yon. Si Cedric! What a perfect timing!

"What the hell are you doing here?" asik ni Warren sa kanya. Kuyom ang mga kamay at nanlilisik ang mga mata.

"You don't have the right to question the Cedric Tan. You're just an apprentice compared to a business tycoon like me," bale-walang sabi ni Cedric.

Ang sarap niyang tirisin sa kayabangan niya. Hindi naman apprentice lang si Warrenx malaking company rin naman ang hinahawakan niya.

Naiiling na ngumisi lang si Warren. "Excuse me mister, but you are standing on the floor of the person you just called an apprentice's building."

"Oh. You call this a building? I thought this was a restroom." Ngumisi pabalik si Cedric. "Don't worry, I won't take long. As if I want to stay in this filthy little place." Cedric said coldly.

Siguradong mapapatay siya ni tito Winston sa oras na marinig nito ang sinabi niya.

Bumalik ang inis ko nang nakita ko ang makakating kamay ni Rachel na gumapang sa dibdib ni Warren para pigilan ito sa tangkang pagsugod kay Cedric.

"Better yet, you stay your put off this place and this country! Go back to hell, you motherfcker!" Taas-baba ang dibdib ni Warren sa pagpipigil ng galit.

Hahakbang na sana ako palapit sa kanila nang bumaling naman si Warren sa akin at binigyan ako nang nanlilisik na tingin.

"Sino ka ba? Bakit ka nanggugulo dito?" singit ni Rachel at sinadya pa yatang harangan ako mula sa paningin ni Warren.

Bruha ka, iyong-iyo na ang kumag na 'yan!

Pagak na tumawa lang si Cedric. "The question is who are you, miss?"

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!