XX

198K 3.3K 111

Chapter Twenty
 
   
"I know, me calling you for this meeting would make our company looked desperate. But please, I know you can help us. Forget about the marriage thing, forget about mutual benefits, help us without expecting anything in return." kinakabahan kong sabi kay Cedric.

Ako na ang makapal ang mukha pero tinawagan ko talaga siya para makipagkita at makipag-usap. Hindi para lumandi kundi para sa ikakatuwa ni tito kay Warren.

"Why turn down my offer, sweetheart? I believe I am more good-looking than your boyfriend. You will learn to love me eventually." ligaw niya sa usapan.

Seryosong-seryoso ako dito, pinagpapawisan na nga ako sa nerbyos pero siya cool na cool lang at nagawa pang ipagmalaki ang sarili. Ang sarap sanang titigan yung mukha niyang nakangisi, eh. Yung tipong hindi na kita yung mga mata niya? Eh kaso wala ako sa mood makipaglokohan.

Naiinis ako sa ginagawa niyang pagbibiro sa sitwasyon na 'to. Imposible namang ganyan siya kabaliw sakin, eh pangatlong beses pa lang namin 'tong pagkikita, 'di ba?

Dalawa lang yan, pwedeng pinagti-trip-an niya kaming dalawa ni Warren o ayaw niya talagang makipag-deal sa company namin at ginagawa niya lang rason yung kasal na obvious namang hindi namin sasang-ayunan. Either way, pwede ko siyang pakiusapan na hindi nalang mutual benefit. Yun lang naman yung nakakapang-gulo sa proposal eh. Isang butas na lang yung nakikita ko, yung samin lang yung benefit. Hindi naman kasi mukhang desperate yung Tan Global makapag-establish ng business sa Pilipinas, 'di ba? Sabi nga ni Cedric, "What if, the reason why we have conquered almost all countries in the South-East Asia except for the Philippines is because we don't want to conquer it at all?"

Baka ayaw lang talaga nila. At kung gano'n nga, sana mala-anghel siya sa kabaitan para pumayag na tulungan kami kahit na wala silang makukuhang kapalit.

"Even if I agree to marry you, still, we cannot get married because I am already married to someone else." void of emotion kong saad.

Napanganga si Cedric sa gulat, ine-expect ko naman na magugulat siya pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsabi niya ng, "You knew?"

Kung gano'n.. Alam niyang kasal na kami?

Pinagti-trip-an niya lang kami ni Warren?

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!