"Ang kulit talaga, may pinagmanahan! " natatawang wika ni Lian.

Umiling-iling si Warren habang nakangisi. "It's getting late. We have to go."

Lumuhod siya para magkapantay sila ni Wayne, "Don't miss me too much, Wayne." nakangisi pa ring sabi niya bago ito hinalikan sa ilong.

"'Kapal." ani Wayne na ikinatawa ni Warren.

"Bye po. Yung promise niyo po, ah? Wag niyo pong ibe-break yun." ani Wayne nang bumaling naman siya sakin.

Inisip ko pa kung ano yung tinutukoy niya at ngumiti na lang ako nang naalalang yung Dance Central pala na pinangako ko sa kanya. "Kapag wala ka ulit bantay, ask your mom or dad to tell me."

Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. "Really po?" tanong niya na sinagot ko ng tango.

"Yes!" sigaw ng bata na nakataas pa ang dalawang kamay sa ere. Genuine talaga ang ngiting nakaplaster sa kanyang mukha. Nakakatuwa na napalapit ako sa kanya sa loob lang ng ilang oras.

"Tama na 'yan, oy! May pasok ka pa bukas." sabi ni Liam habang inaakay na si Wayne papasok. "You stink, kiddo, you need a bath. Yan, pa-help?"

Kinuha ni Lian si Wayne mula kay Liam habang kumakaway ang bata sa amin. "Ba-bye po!"

Kumaway kami pareho ni Warren at tumalikod na.

"Drive safe, bro." Narinig ko pang sabi ni Liam bago isinara ang pinto.

 
"We'll go to Laguna tomorrow around 9:00 in the morning." sabi ni Warren ilang minuto makalipas nang nakasakay kami sa kotse niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Monday na bukas, 'di ba? Workday na yun." naguguluhang sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay at bumaling saglit sakin bago tumutok ulit ang mga mata niya sa daan. "I have a business meeting with Mr. Tan tomorrow remember?"

"Bakit ba kasi ako yung sinasama mo, eh pwede naman si Kevin na lang? Pang-office table lang ako, okay? Kahit nga si tito Win hindi ako sinasama sa business meetings niya, eh." sabi ko nang naalala ko kung ano ang tinutukoy niya.

"Ayoko siyang kasama. Ikaw nga ang gusto ko." sabi niyang halata ang pagpipigil ng inis.

Napanganga ako sa sinabi niya.

Gusto niya ako o gusto niya akong kasama? Kahit ano sa dalawa ay masarap pakinggan eh.

"I mean, I'm comfortable with you around. Sanay na tayo sa isa't isa. Heck, I can fart a thousand times inside my car without you complaining! Kapag si Kevin, baka magresign yun sa trabaho and I don't want that to happen. He's an effective employee." Paliwanag niya na sumira sa pagpapatasya ko. Humalakhak pa siya ng nakakaloko.

Hinampas ko siya sa braso sa inis. "Para mo na ring sinabing wala akong kwentang secretary!" sabi ko sabay irap.

Peste ka! Pwede ka namang hindi na magpaliwanag eh! Papayag na ako kahit hanggang dun lang sa ikaw ang gusto ko part ng line mo kanina ang sasabihin mo!

"Of course not! And besides you're not just my secretary." dahilan niya.

Napatigil ako.

Say it, Warren. Say it. I'm your girlfriend, right? Nawalan lang tayo ng komunikasyon. Naaksidente ka siguro sa America at nawala ang ibang parte ng alaala mo sa isip mo kaya ka nagkakaganyan..

Gusto ko sanang sabihin kaso wala akong lakas ng loob para gawin iyon.

"Oo na. Sasama na ko, tumahimik ka lang diyan." bumuntong hininga ako. Bawat linyang lumalabas sa bibig niya ay sinasaktan ako.

Nakita ko ang pagngisi niya mula sa gilid ng aking mga mata.

"Hindi mo ba itatanong kung ano ka sakin bukod sa pagiging secretary ko?" tanong niya kapagkwan.

Humarap ako sa kanya at umirap. "Ano?"

Girlfriend, Warren. Girlfriend mo ako.

Ngumisi siya at lumingon saglit sa akin. "My crybaby that I love to bully." Humalakhak siya.

"Che!" sabi ko sabay bato sa kanya ng tissue dispenser na nahagip ng mga mata ko sa dashboard ng kotse niya.

Wala, Claire. Wala na talaga kaya 'wag ka ng umasa.

"Aray! Masakit yun ah!" reklamo niya.

Inirapan ko siya bago humalikhip at inisandal ang ulo ko sa windshield. "Manahimik ka d'yan, ah." Wala kasi akong maisip na pambawi sa kanya.

"What? Totoo naman, eh." patuloy niyang pang-aasar.

Dakilang mapang-asar talaga si Warren. Madalas lang siyang tahimik at seryoso pero grabe siya kapag nangulit. Parang may five years old kang iniintindi tuwing naka-on ang kulit mode niya.

"Tigilan mo nga ako, Warren!" naaasar kong sabi.

Pikon akong bata noon kaya laging ako ang ngumangawa sa aming dalawa. Tuwing nag-aasaran kami ako lagi ang talo, at ang magaling na Warren ay hindi tumitigil sa pang-aasar hangga't hindi ako umiiyak. Pero masarap naman sa pakiramdam dahil niyayakap niya ako at inaalo kapag umiyak na ko. Siguro paraan niya lang 'yon para makakuha ng yakap sakin.

Bumuntong hininga ako ulit at itinigil na ang pag-iimagine.

Ayoko ng umasa. Last na 'to.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon