"hindi kita sinilipan no! wala din naman akong masisilip sayo!" sabi nya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Bigla ko namang naalala na nakatowel pa nga pala ako, kaya dali-dali kung tinangluban ang katawan ko.

"che! Umalis ka na nga lang dito! At magbibihis ako!" kapal naman ng mukha nya. Ang sexy ko kaya at lalong hindi ako flat chested pero hindi din ganun kalaki yung normal size lang.

Sinunod naman nya ang sinabi ko at nagsimula na syang lumabas ng kwarto ko.Pero bago pa sya tuluyang makalabas ng kwarto ko ay may sinabi muna sya na nagpakonsenya talaga sakin.

"kahit multo lang ako, maalam parin naman akong rumespeto ng tao lalo na ng mga babae. Kaya wag kang magalala I know my limit." Diretsong sabi nya.

Take note nakatalikod pa sya nyan ha, at hindi man lang ako tiningnan kaya mas lalo tuloy akong naguilty. Ano ba yan lumalabas tuloy na napaka mapanghusga kong tao.

Hindi nyo din naman ako masisi kasi diba babae ako tapos lalaki sya, at higit sa lahat hindi ko pa sya ganun kakilala kaya hindi ko mapigilan na mag-isip na kung ano-ano.

Pero alam ko na mali parin na hinusgahan ko kaagad sya. Magsosorry na lang ako sa kanya mamaya.

Tapos na akong magbihis at mag-ayos pero hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto ko, hindi ko kasi alam kung papaano ko haharapin si benji. Masyado kasi akong guilty na ginawa kong panghuhusga sa kanya.

Pero dapat intindihin nya din naman yung side ko diba. Sabi nga satin ng mga magulang natin nung bata pa tayo "don't talk to stranger" At "never trust stranger"

Tama! Wala akong kasalanan sa kanya!

Kaya lalong hindi dapat ako maguilty.

Ng lumabas ako sa kwarto ko wala akong nakitang benji sa labas. Tiningnan ko pa ulit ang buong paligid pero wala talaga sya.

So, nagalit talaga sya sakin kaya umalis na sya.

Edi mabuti, at wala ng manggugulo sakin!

Diba dapat masaya ako pero bakit ganun parang iba yung nararamdaman ko.

Naputol naman yung pagmumuni-muni ko sa nararamdaman ko ng biglang na lang may nagsalita sa may tabi ko.

"buti naman at may balak ka pa palang lumabas sa kwarto mo!" sarcastic na sabi nya.

"AY MULTO!" kasi naman daig pa nya ang kabute na bigla bigla na lang lumilitaw kung saan-saan.

"alam ko multo na ako, hindi na kailangan ipalandakan." Seryosong sabi nya habang nakasandal parin sa dingding sa tabi ko.

"sorry!" yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

"hahaha..."nagulat naman ako ng tumawa sya bigla.

Ganyan ba talaga sya tumanggap ng sorry, tinatawanan nya lang! ang hirap kayang lunukin ng pride para lang makapagsorry tapos tatawanan nya lang ako.nakakapangsisi.

"ito naman niloloko lang naman kita, ang dali mo namang maniwala!" natatawang sabi nya.

"NO! sorry about kanina..." kahit alam ko na wala akong kasalanan sa kanya there still part of me na nagsasabi sakin na dapat magsorry pa rin ako sa kanya, yun nga lang hindi ko alam kong papaano ko sasabin.

Napatigil naman sya sa pagtawa nya at mukhang hinihintay nya yung kadugnung ng sasabihin ko.

"okay, hindi ko sinasadya na husgahan ka kaagad kanina pero hindi mo rin naman ako masisi diba kasi hindi din naman kita ganun kakilala." Dirediretsong sabi ko habang nakatingin sa sahig. Hindi ko kasi kayang tumingin ng diretso sa mukha nya. I guess masyado lang talaga akong naguilty.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now