Nabalutan ang buong paligid ng iba't ibang kulay ng ilaw, mayroon ding apoy ang mapapansing nagkalat sa paligid habang nagkaroon naman nang makapal na usok sa kinaroroonan ni Finn Doria at nang lumang gasera.

Nang mawala ang makapal na usok, malinaw na makikita na nakatayo pa rin ang lumang gasera sa lupa at sa paligid naman nito ay nagkaroon muli ng malalim na bangin. Dahil sa harang, nagawa nitong protektahan rin ang lupang kinatatayuan nito. Sa kailaliman naman ng bangin, mapapansin ang hinihingal na pigura ni Finn Doria habang hindi makapaniwalang nakatitig sa nasa taas na lumang gasera. Mapapansin ding nagkasira-sira na ang kaniyang suot na lilang roba at damit. Nagkaroon din siya ng kaunting galos sa kaniyang katawan.

Makikita sa kaniyang mata ang pagkalito at naguguluhang ekspresyon. Hindi siya makapaniwalang kahit ang tatlong malalakas niyang atake ay hindi tatalab sa gaserang ito. Ang mga ginamit niyang skill ay malinaw na hindi nagmula sa kahariang ito, natutunan ito ni Finn Doria nang dahil sa system at sa alaala ni Kurt Bautista. Alam niyang hindi maikukumpara ang mga skill na ito sa mga skills na nagmula sa kaharian dahil kung ikukumpara ang tatlong ito sa mga skill ng kaharian, ang mga skill na nagmula sa Sacred Dragon Kingdom ay magmimistulang basura dahil sa masyadong mababa ang kalidad ng mga ito.

Tumalon si Finn Doria ng mataas at muling tumayo sa harap ng lumang gasera. Dinampot niya ito at tumalon patungo sa malawak na lugar. Itinayo niyang muli ang lumang gasera sa malambot na damuhan at umalis nang saglit.

Pagbalik niya, mapapansing mayroon siyang dala-dalang malaking espada. Pula ang kabuuan nito at napakalapad nito, naglalabas din ito ng aura ng isang High-tier Excellent Armament!

[Blood Heavy Sword
Armament Grade: Excellent
Quality: High-tier
Damage: 10,200
Upgrade: 50 soulforce]

Ang malaking espadang ito ang pansamantalang napiling sandata ni Finn Doria. Nakakaramdam na siya ng inis sa gasera kaya naman agad siyang naghanap nang malakas at kaya niyang gamitin na espada. Ang espadang ito ay bumibigat ng mahigit isang libong kilo ngunit madali lang na nabubuhat ito ni Finn Doria habang nakapatong ito sa kaniyang balikat. Bawat hakbang ni Finn Doria ay mabigat kaya naman lahat nang natatapakan niyang damo ay lumulubog at namamatay.

Ang mga Adventurers ay hindi ordinaryong tao lamang. Mayroon silang mga kahanga-hangang kakayahan at abilidad na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong tao.

"Hmph. Dahil ayaw tumalab ng mga skills sa'yo, gagamit naman ako ng Armament." naiinis na wika ni Finn Doria.

Kinakausap ni Finn Doria ang gasera na para bang mayroon itong buhay. Sa ngayon, hindi na kinokonsidera ni Finn Doria na isa itong ordinaryong bagay. Gamit ang Blood Heavy Sword, gagamitin niya ang kaniyang buong lakas upang wasakin ang harang na inilalabas ng lumang gasera. Wala rin siyang balak na sirain ang gasera dahil alam niyang isa itong magandang kayamanan. Isa pa, gusto niya lang malaman kung ano ang koneksyon niya sa gaserang ito at nais niya ring malaman ang dahilan kung bakit mayroon sa loob niya ang gustong kumawala sa tuwing hahawakan niya ito.

Nang makalapit na siya sa harap ng gasera, muling nabalutan ang kaniyang katawan ng asul na liwanag at ilang saglit pa ay napunta ito sa kabuuan ng Blood Heavy Sword kaya naman dito napunta ang liwanag na kanina lang ay bumabalot sa katawan ni Finn Doria.

Buong lakas na itinaas ni Finn Doria ang malaking espada at inihampas ito sa lumang gasera.

[Seven Heavy Sword Art, First Skill: Heavenly Slash!]

Muling nabalutan ng harang ang gasera nang tumama rito ang talim ng Blood Heavy Sword. Nagkiskisan ang malaking espada at harang kaya naman nagkaroon muli ng malakas na puwersa sa paligid ni Finn Doria. Nagkaroon muli ng bitak-bitak ang lupa at nagsihigaan ang mga damong nasa paligid.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now